Chapter 49

39.8K 1K 130
                                    

TRIGGER WARNING ❗

"Bakit ganyang ang iyong mukha? Tila ika'y binagsakan ng langit at lupa." saad ko sa lalaking sinalubong ko rito sa mataong palengke. Agad kumunot ang noo niya nang marinig niya ang pananalita ko.

"Bakit ganyan ka magsalita?" nagtataka niyang tanong at sinabayan ang paglalakad ko pabalik sa kung saan siya galing. Iminwestra ko ang kamay ko sa mga taong nasa paligid namin na parang yun na ang sagot sa katanungan niya.

"Gusto mo bang marinig nila ako magsalita ng mga balbal dito? Maging conyo? Mag inglis?"

Napairap naman siya. "We are now diverse Lucy, we are all adopting different traits, fashion, language at marami pang iba mula sa iba't ibang siglo. We're now civilized and diverse with different time at yun ang pangkalahatang issue ngayon."

Napairap nalang ako, tama naman siya.

Eh bakit ba? Gusto ko mag feeling makaluma ngayon eh.

"Masama bang iakma ang akto ko sa taon natin ngayon? Saka baka mamaya niyan mapahamak pa ako pag bigla akong mag conyo language dito o magsalita ng jeje o sa kung ano mag paraang pananalitang balbal tapos agtataka sila kung saan ko natutunan yun tapos baka malaman nila may time travel ability ako, edi mawawalan ka na ng jowa?" bulong ko sa kanya lalo na sa huling sinabi ko about time travel.

Napairap ulit siya. "Seriously? We started adapting everything aside from the way how every modern centuries lived their lives 10 years ago, a decade already. You're safe as long as you keep your ability to your mouth."

Ako naman ang napairap sa sinabi niya.

"Whatever, nag iingat lang. You can't blame me, araw-araw kaming hinahabol ni kamatayan na para bang manok na nakawala sa hawla."

Pabiro niyang tinapik ang balikat ko habang naglalakad kami rito sa mataong palenke. "Huwag kang mag alala, pag kinasal na tayo magiging ligtas ka na."

Napairap ulit ako.

"I'm strong independent woman and I don't need you to save me augh! You're not my ticket to safe haven." naiinis kong saad sa kanya at binilisang maglakad para mauna. Rinig ko naman ang mahina niyang tawa bago tumakbo papalapit sa'kin at sinabayan ako sa paglalakad.

Hindi ko gustong isipin niya na ginagamit ko lang siya para maiangat kami sa putikan, para maging ligtas sa karahasan ng mundong to, ayokong ganoon ang isipin niya. Kahit na pabiro lang ang sinabi niya ay hindi ko pa rin gustong marinig ang mga katagang iyon, lalo na pag nagmumula sa kanya.

Malamang ay yun ang sinasabi ng mga magulang niya para layuan ako, ayaw ng pamilya niya sa'kin hindi dahil sa estado ng buhay ko kundi dahil isa akong Nakahara, mula sa pamilyang kahihiyan dito sa lupain ng mga Diyos at Diyosa.

Tatangapin ng pamilya Flitwick ang sinumang mapupusuan ng nag iisa nilang anak kahit pa na galing ito sa ka lebel namin, basta wag lang myembo ng angkan ng mga Nakahara.

Well sorry sila, matigas ulo ng unico hijo nila, dalawang ulo. Char.

Hindi alam ng magulang niya kung anong meron kami ngayon, ang alam lang nila ay kaibigan lang ako, sa ideyang kaibigan pa nga lang tutol na sila paano pa pag nalaman nilang kasintahan ko na ang butihin nilang anak? Nagaalala sila na baka raw lasunin ko ang utak ng anak nila, tsk, sila kaya lasunin ko? Mabait sa lahat ng tao pero sa Nakahara hindi.

Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko para patigilin ako.

"Bakit?"

"I know you, mula kuko hanggang hibla ng buhok mo. Malayo ka sa kung ano ang pinaparatang nila sayo. You are strong independent woman but still needs her man. I'm always here to help and support you, remember that, kay?" malambing niyang saad habang marahang hinihimas ang braso ko para pakalmahahin ako sa mga ideyang pumapasok sa aking isipan.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon