Chapter 14

64.7K 1.4K 164
                                    


LUCY

Nakayukyok ang ulo ko sa mesa ko dito sa classroom, iniinda ang matinding sakit ng ulo. Alas sais na ng umaga at 6:30 am ang first class ko. Katabi ko ngayon sila Annya na nakahiga din ang ulo sa mesa. We tried to heal ourselves using Eya's healing power na kaklase din namin pero hindi ito umepekto at sa buong klase dahil may hinahalo pala sa alak na ininom namin kagabi, kahit anong gamit namin ng mahika para mawala ang hang over namin ay di ito nawawala at di tumatalab ang mahika. Kung sino mang nag halo ng kung ano sa alak namin kaya di tinatablan ng mahika ang hang over namin mamatay na sana.

Marami narin kami dito sa classroom at lahat kami wasted, ang iba naman ay malamang tulog pa sa dorm nila hanggang ngayon dahil sa sobrang kalasingan.

We were so wasted last night—all of us. Hindi nga namin alam kung paano kami nakauwi ng ligtas at buo eh. Alas singko na ng madaling araw kami lahat nakauwi at simula kanina ay hindi pa ako nakakatulog ng maayos dahil sa nangyari... Marru and I make out in his car after that kiss sa dance floor.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa memoryang naalala. Holy Fuck, kanina sa dorm lang ako natauhan sa nangyari. Nakalimutan naman siguro niya yun diba? Kasi pota wala akong mukhang maihaharap sakanya. Hindi na ako makatulog dahil sa nangyari kaya ginising ko nalang sila Annya para makapasok kami ng maaga.

"Sobrang gulo, saan ba ako tinamaan sa alak o sayo." napaangat ako ng tingin nang may biglang kumanta ng One Night Stand ng FourPlay MNL.

Four play.... Gusto kong inuntog ang ulo ko sa mesa nang maalala ko ang nangyari sa kotse ni Marru kaninang madaling araw.

"Nahihilo, pagsikat ba ng araw, ikaw pa ba't ako?" napatingin ako kay Yurika na tinuloy ang pagkanta niya, nakangalumbaba siya mesa sa mesa habanng nakatingin sakin na may nang aasar na ngisi sa labi.

"At ang aking hiling sa paggising ay ika'y katabi at may ngiti at sana'y maulit muli." napatingin naman ako kay Annya na tinuloy ang pagkanta ni Yurika, pero nakayukyok parin siya sa mesa.

"Sobrang gulo, Saan ba ko tinamaan? Sa alak o sayo? Nahihilo, Ba't nga ba ko nahulog sa taong tulad mo?" pagkanta naman ni Tiffany na ngayon ay nakasandal na sa upuan at nakatingin sakin, tulad ni Yurika ay may nakakaasar na ngisi siya sa labi.

Narinig ko ang pag galaw ni Annya, umayos siya ng upo at tiningnan din ako.

"Label label nasaan ka?" pakanta niyang tanong habang hindi ako nilulubayan ng mapang asar din niyang ngiti, napatingin naman ako sa ibang k-klase namin nagdadasal na sana walang nakarinig sa pinagkakanta nila Yurika pero lahat sila ay mga tulog.

"May nangyari ba sainyo?" nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Tiffany at mabilis na napalingon sakanya, lalong lumawak ang ngisi niya.

"Nag top ka ba o bottom?" dagdag pa niya.

"Wala gago!" sigaw ko, wala namang nangyare eh...

"Muntik lang daw." dugtong ni Yurika na para bang nababasa ang nasa utak ko.

"Ingat Lucy baka mapaso ka." babala sakin ni Annya.

"Ikaw ang kawawa diyan." pag sang ayon naman ni Tiffany na ikanatango ni Yurika.

"Walang nangyari." matigas kong sabi at muling inihiga ang ulo sa mesa.

"Sus nakita ko kotse ni Marru naging dancing car." sabi ni Yurika na ikinatawa nilang tatlo.

Kinuha ko naman ang sapatos ko at ibinato kay Yurika.

"Hoy naghalikan lang kami!" sigaw ko... shit, mariin akong napapikit dahil sa sinabi ko.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon