Chapter 27

33.8K 1K 67
                                    


LUCY

"Where is he?"

Nilingon ko ang batang babae na kaedaran ko lang na nasa edad pitong taon na kakapasok palang sa loob ng bahay namin. I smirked when I saw her wearing a cute pink tutu dress that complements her white skin. I always admire her skin, para kasi siyang si Snow White, she's white as snow, lips red as blood and her hair is black as ebony. She is a living Snow White and I don't get it why he doesn't like her. Kung lalaki lang ako ay baka niligawan ko na ito, kung wala lang akong crush ay pinormahan ko na to.

"Lucy saan ang bebe ko?" tanong niya sakin at nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng popcorn sa glass bowl na nakapatong sa hita ko. Nakangiti siyang lumingon sa batang lalaki na katabi ko.

"Oh hey there Lucy's friend!" bati niya sa katabi ko na tahimik na nanood ng palabas sa Tv. Nilingon siya ng katabi ko at kinawayan.

"Alam mo ang pogi mo talaga!" nakangiti niyang puri sa lalaking katabi ko, bata pa lang ay blunt na itong babaeng bubwit na to. Bata pa lang maharot na.

"Pero mas pogi pa rin ang boyfriend ko."

Nanlaki ang mata kong napatingin sakanya, kahit ang katabi ko ay napatingin din sakanya.

"Kayo na?!" gulat kong tanong, humagikhik siya habang pabebeng nakatakip ang dalawang kamay niya sa bibig.

"Oo, pero di pa niya alam." sabi niya at muling tumawa sa pabebeng paraan. I snorted.

Humarap siya sa Tv. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa pinapanood namin.

"Why are you watching Hello Kitty? That talking cat is hideous and creepy."

"No it's not!" depensa ng katabi ko.

"Yes it is! Look at that! Saan ka nakakakita ng pusang may dalawang paa at naglalakad na parang tao?!" she shouted back in a high pitch tone.

"Hello Kitty is cute!"

"No! She is creepy. It will only give you nightmares not entertainment!"

Napatakip nalang ako sa dalawang tainga ko habang patuloy na nag aaway ang dalawang katabi ko dahil kay Hello Kitty. Bakit ko ba sila naging kaibigan?

Pag ako napikon pagbubuhulin ko ang dalawang ugok na to.

"Mom! They are fighting again!" sigaw ko nang hindi ko na makayanan ang ingay ng dalawa.

Tumigil naman sila sa pag aaway. Tiningnan ko ng masama ang dalawa na tinitingnan ng masama ang isa't isa. She stuck out her tongue trying to annoy him.

"Itsura mo, tingnan mo nga damit mo mukha kang sasayaw!"

"Inggit ka lang kasi wala kang mga pretty na damit bleh!" she mockingly rebuted.

"Bakit ako maiingit sayo? Eh ang pangit-pangit mo kaya, kaya ka nga niya tinatakbuhan diba? Kasi pangit ka!" he mocked and start showing silly annoying expressions.

Nakita ko namang parang maiiyak na tong isa kong katabi na akala mo sasayaw ng ballet, but she's cute in her dress.

"Oh iiyak na yan, iiyak na yan." hinampas ko ng unan ang lalaking katabi ko dahil sa pang aasar niya.

"Panget mo!" napatikip kami ng tainga ng lalaking katabi ko dahil sa sigaw ng kaasaran niya.

Padabog siyang tumayo at tinapon samin ang lahat ng lamang popcorn na nasa bowl,

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon