Chapter 57

32.4K 952 143
                                    

"Mahal na reyna narito na po ang binibini."

Napatigil sa pagsimsim ng tsaa ang reynang prenteng nakaupo sa kanyang trono, ibinaba niya ang baso sa hawak niyang platito at inaabot sa isang katulong.

Isang babae ang pumasok sa loob ng bulwagan, taas noo itong naglalakad habang umaalingawngaw sa buong lugar ang pagtama ng takong nito sa marmol na sahig sa bawat hakbang ng kanyang paa.

Sandali itong nag bigay galang bago ngumiti sa reyna. Sininyasan ng reyna ang lahat ng tao na nasa loob ng bulwagan kasama ang iilang kawal na lumabas. Pinanood lang ng babae ang mga iilang tao sa bulwagan na lumabas hanggang sa sila na lang ng reyna ang natira.

"Ano ang dahilan at ako'y iyong pinatawag? Nagkaroon ka ba ng panibagong suliranin sa pamilya Rydle, Mahal na Reyna? Hindi niyo naman ako ipinapatawag lang kung hindi ninyo kailangan ang aking payo o kuro sa inyong mga suliraning hindi niyo kayang solusyonan." mababakas sa boses ng babae ang tapang at pagmamalaki na tila ba hindi mas nakakataas sa kanya ang kanyang kaharap.

Mahinang tumawa ang reyna sa tinuran ng babae.

"Iyo bang nabalitaan ang magaganap? Natanggap mo na ba ang imbitasyon? Ikakasal na ang aking nagiisang anak na babae sa unico-hijo ng pamilya Rydle. Ano sa tingin mo ang magandang araw ng kanilang kasal, binibini?"

Sandaling natigilan ang babae at kalauna'y ngumiti.

"Kasal... sa tingin ko mas magandang imbitahan mo ang lahat ng mga tao sa dalawang dibisyon nang sa ganoon ay masaksihan ng lahat ang pagiisa ng pamilya Crum Lucias at Rydle. Para na rin malaman ng lahat kung gaano na kayo kalakas nang sa ganoon ay wala nang maglalakas loob na kalabanin kayo. Nauubos na kasi ang aking pasensya sa pagtatago ng mga bangkay ng mga kumakalaban sa inyo at sa mga Rydle. Ang aking pasenysa ay maihahalintulad mo sa nakasinding kandila, Mahal na reyna. Nauupos at nauubos."

Mahinang tumawa ng reyna at sinundan ng pabirong irap.

"Ang itinatanong ko kung kailan magandang ikasal—"

"Sa susunod na buwan, Mahal na reyna." putol niya sa saad ng reyna na puno ng pagmamalaki, ni hindi man lang bumakas sa mukha nito ang takot sa pagputol niya sa reyna.

"Sa ikalawang linggo sa susunod na buwan, ang araw kung kailan lilitaw ang unang bilog na buwan ng taon. Sinisiguro kong mas lalong magiging makapangyarihan ang dalawang pamilya sa oras na maging isa ang inyong mga anak. Maganda ang araw na iyon, swerte nga ika nila." puno ng kompyansang payo ng babae.

Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ng reyna.

"Maraming salamat binibini. Asahan mo ang imbitasyon sa iyong tahanan." nakangiti niyang saad bago kinuha isang papel na nakarolyo sa dalawang kahoy at isang panulat.

"Heto ang papel, isulat mo ang buo mong pangalan nang mailagay ka sa mga pangunahing panauhin na dadalo sa sa pagiisang dibdib."

Lihim na napairap ang babae at tinanggap ang inabot ng reyna bago ngumiti.

"Kailangan pa ba ito Mahal na reyna? Hindi pa ba sapat ang presensya ko para malaman ng lahat kung sino ako?" pabiro niyang sambit habang isinusulat ang pangalan. Narinig naman niya ang puno ng galak na tawa ng reyna.

"Palabiro ka talaga, mas mainam nang sigurado tayo, hindi ba nga't sinabi mo na lahat iimbitahan? Hindi lahat ng tao sa dalawang dibisyon ay kilala ka kung kaya'y mas mainam nang maisulat ang iyong pangalan sa mga pangunahing panauhin para maayos ang pagtrato sa iyo."

Ngumiti na lang ang babae at inabot ang papel sa isang ginang na pinapasok ng reyna sa loob ng bulwagan.

"Siya nga pala ang mag aayos sa nalalapit na kasal."

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon