Chapter 12

49.2K 1.3K 24
                                    


LUCY

"Hoy hindi ka pa magaling!"

Napatigil ako sa paglalakad nang sumigaw si Annya mula sa likuran ko. Huminga ako ng malalim bago siya hinarap.

"Dude, seriously I'm fine." pangu-ngumbinsi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin at inalalayan ako pabalik sa kwarto ko dito sa ospital.

It's been weeks since that skill test incident happened. According to Ms. Rivera who's monitoring me the whole time while I'm under in the Illusion ay bigla nalang daw may nang invade sa illusion ko, she tried to pull me back to reality pero masyado daw malakas ang intruder ko kaya hindi niya agad ako naibalik sa realidad. She's watching me in the monitor the whole time but the images were too pixilated, ang tanging nirerecord lang ng monitor na yun ay ang pulse rate ko. Nakahinga naman ako ng maluwag doon dahil hindi niya nakita ang ginawa ko sa una kong nakalaban and baka hindi din nila naramdaman ang itim na mahika.

What makes me more relieve is that hindi nila nalalaman ang ability o magic na ginagamit ng bawat nag uundergo sa skill test, ang tanging nirerecord lang buong sa test ay ang lakas ng mahika at abilidad ng bawat studyante.

They don't know who the intruder is, they asked me right after I woke from the operation pero nagsinungaling lang ako na hindi ko na maalala ang nangyari. What would they say if sasabihin ko sakanilang ang intruder ay ang lolo ko? Na it was Lucas Geovanni Walter?

They treat my case as mystery lalo na ang sugat ko dahil kahit ang pinakamagaling na healer ay hindi ako nagamot. I was on the verge of death when they decided to treat me in the most mortal way, kaya may tahi ako ngayon sa tagiliran.

It's been weeks at nakarecover na ako from two stab wounds but Annya being Annya ay palaging paranoid tuwing nakikita akong nakatayo o naglalakad palabas ng kwarto ko.

They temporarily postponed the skill test the day after the incident because of what happened to me at noong nakaraang araw lang nila tinuloy. Ngayon waiting nalang kami sa resulta.

Inalalayan ako ni Annya na makaupo sa kama, siya ang nakatokang magbantay sakin ngayon, wala ring klase muna. The school council decided na after the releasing of the results nalang mag start ng klase since 4000 students ang malalagas after malaman ang resulta ng buong ranking.

Pinanood ko lang si Annya na inaasikaso ako na ikinangiti ko naman.

"Wag ka ngang ngumiti, napilitan lang ako." pagtataray niya, I snorted.

I know hindi siya napilitan at taos puso niya itong ginagawan para sakin. I remember when I woke up isa siya sa pinakamalakas na umiyak na sinundan ni Tiffany at Yurika, nandoon ang buong tropa nang magising ako... maliban dun sa isa— si Marru.

Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, huling kita ko sakanya ay sa rooftop. Hindi ko rin natanong kila Annya kung nasaan si Marru dahil masyado akong distracted sa mga nangyari lalo na sa sinabi sakin ni lolo.

The last words he said was about the war but I don't remember his exact words because I was flooded with pain, kaya hindi ko na rin binanggit ang tungkol doon since sinabi ko na sakanila na hindi ko naalala ang nangyari sa loob ng skill test ko plus I don't want to cause a panic, it's war I'm talking about. Sa dami ng sinabi ni lolo yung tungkol sa digmaan lang ang hindi malinaw sa alaala ko.

Tiningnan ko si Annya na ngayon ay nag hihiwa ng mangga.

"Have you seen Marru?" tanong ko sakanya, napatigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako na puno ng pagtataka.

"You don't know?" may halong gulat na tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Know what?"

Ibinaba niya ang kutsilyo at tinitigan ako, nagsimula naman akong kabahan. May nangyari ba kay Marru?

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon