Chapter 13

61.4K 1.5K 94
                                    


LUCY

The ranking results are out, kanina pa ina-nounce noong papunta kami ni Marru sa dorm. We are now heading to Alexander Hall sa North Wing. Nag liwaliw muna kami ni Marru dahil alam naming unang ilalabas ang batch ng ranking mula sa first year, tapos isusunod ang second year, third year at last kami.

Sa kada hall nilalabas ang results at sa may Alexander Hall kami pinakamalapit ngayon. May mga nakakasabayan din kaming naglalakad papunta sa hall. We can just teleport though para mas mabilis but we chose to walk under the snow while debating again to some petty arguments.

Ano ba ng mas masarap ipares sa kanin Adobo o Sinigang.

"Alam mo bang mas masustansya ang Sinigang kesa sa Adobo?" bwelta ko sakanya.

He scoffs.

"Ang Adobo pwede rin sa iba't ibang klase ng gulay at karne."

"Sa Sinigang iisa lang ang lasa, maasim, samantalang sa adobo hindi lang stick to one ang lasa dahil may iba't iba itong version, may matamis, maanghang, sweet and sour. Kaya ba yan ng sinigang mo? Saan ka nakakakita ng sinigang na matamis?" dadag pa niya, napairap nalang ako.

"Pinaglalaban mo Sinigang eh di ka naman kumakain ng gulay." malakas ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya.

"Foul! Ad hominem yan. Attacking your opponent personally. Mali yan kapatid, attack the argument not the person." tumawa siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.

"Whatever, kanina mo pa nga ako inaatake ng personal eh." natatawang sagot niya, inirapan ko nalang siya. Well totoo naman, walang debate namin ang hindi nauuwi sa ad hominem, lalo na pag natatalo na ng isa samin... wala eh pareho kaming pikon at asar-talo.

Parami ng parami ang mga studyanteng nakakasalubong namin. Lalo kaming bumagal sa paglalakad nang makita na namin ang building ng Alexander Hall, maraming studyante ang nasa labas at karamihan sakanila ay mga kabadong ekspresyon ang iba naman ay nakikita kong umiiyak.

Pagkatapos ng gabing to ay apat na libong studyante ang mawawala sa buong paaralan.

Bigla rin tuloy akong kinabahan sa resulta ng ranking dahil kahit ang mga royalties ay walang ligtas sa old rule.

But a part of me is telling me not get nervous dahil sapat na ang lakas ng itim na mahika na ginamit ko sa skill test para makapasok ako sa ranking.

Nakipagsisikan kami ni Marru sa mga studyante para makapasok sa loob ng Alexander Hall. Pag kapasok namin ay tumambad sa amin ang isang malaking hologram screen na may list ng ranking ng third year level, nakapwesto ito sa itaas kaya kitang kita ang mga pangalan kahit malayuan.

Nasa rank 11 to 49 na ang pinapakita at rinig na rinig ko ang mga ingay ng mga third year students habang ang iba ay tahimik lang.

Every after five minutes ay nagbabago ang batch of list na pinapakita, may malaking hologram clock din na nag c-countdown ng five minutes every time na napapalitan ang mga pangalan ng panibagong batch ng ranking.

Halos karamihan ng mga studyante nandito sa loob ng hall ay nagsisiksikan, halo-halo ang mga year levels na nandito, ang iba naman ay nasa ibang hall ng campus dahil nilalabas din doon ang list of rankings per year level.

"Feel ko rank 1 ka." sabi ko kay Marru na nag aabang sa list of ranking ng fourth year level.

Lalong dumagundong ang ingay ng mga studyante sa buong hall nang ilabas na ang top 10 ranks ng third year after five minutes. Pamilyar sakin ang ibang nasa top 10 dahil ang iba sakanila ay galing sa Noble class families na minsan ng pinakilala sakin ni Marru gamit yung libro na may mga listahan ng mga Noble and Royal families.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon