Chapter 32

30.9K 984 15
                                    


LUCY

I inhaled deeply and then let out a quick exhalation. Tinitigan ko lang ang mga kasamahan ko habang nakaupo kami sa loob ng isang fast food chain. I heaved a sigh again. I calmly looked at them, rendering myself to shove all the food in front of us to their loud mouths. Tingnan mo tong mga tangang to.

"Para kasing tanga eh, kung makakuha ng French fries isang dakot. Patay gutom ka ghorl?"

"Hoy manghingi nga kayo ng lagayan ng ketchup doon! Tangina humahalo na yung tissue sa ketchup."

"Lasang tissue na yung fries."

"Mga bobo! Bakit kasi sa tissue kayo nag lagay ng ketchup?"

"Bobo ka rin! Manghingi ka nalang dun ng lagayan ng sauce tapos samahan mo na ng maraming ketchup! Reklamo ka ng reklamo nakikisaw-saw ka rin naman."

"Hoy Eveyth ano ba ulam mo? Fried chicken o gravy?"

"Ew, why did you make sabaw the coffee?"

"Aaron! Kaya mo bang ibigay ang balat ng manok mo kay Annya?"

"Oo naman, basta ba tinola yan."

"Walang mahal-mahal pag dating sa balat ng fried chicken!"

Napahilamos nalang ako sa mukha habang pinapakinggan ang ingay nila. Kami ang pinakamingay sa mesa, sapaw-sapaw na ang mga boses nila, pinagtitinginan na rin kami ng mga kalapit table namin.

"Gago nabali yung plastic na kutsara. Rupok amp, parang si Lucy eh."

"Ang anghang ng manok, binudburan ng maraming chili powder ampocha."

"Pag ba pinalitan ng o ang u sa putangina, mababawasan ba kasalanan mo?"

"Hoy ketchup!"

"Ito na ito na pota ka palamunin kita ang kamatis eh!"

"Sino uminom ng coke ko?!"

Hindi ko na natiis ang ingay nila kaya malakas kong binagsak ang kamay ko sa mesa, lahat sila natahimik at napatingin sakin.

"Can we just all eat in peace?" puno ng pagpipigil kong tanong. They just looked at me pero maya-maya bumalik na sila sa pag-iingay nila na para bang walang narinig na salita sakin.

Punyeta.

"Lucy may tattoo ka pala?" napatingin ako kay Yurika na ngayon ay nakatingin sa pulso kong may tattoo na daisy.

Napatingin naman ang iba sakin.

"Kailan ka nag patattoo?" gulat na tanong ni Tiffany sakin sabay hila sa pulsuhan ko at tiningnan ang tattoo sakin ni Marru.

"Tagal na." maikli kong saad bago inagaw ang pulso ko sakanya.

Saglit lang nilang binigayan ng pansin ang permanenteng marka sa pulsuhan ko bago sila bumalik na mga bangayan nilang napakababaw.

Binilisan ko nalang kumain, they ordered another bucket meal again pero hindi na ako kumain pa ulit pagkatapos kong maubos ang pagkain ko. Sabay-sabay silang lahat na kumain ulit, habang nag dadal-dalan. Even Chaerin, Tiffany at Mirko are now chatting with Dara's gang. They exchange banters and sometimes insult to each other.

I stayed for a while habang pinapanood silang masaya ng kumakain, hindi ko maiwasang matawa sakanila. The annoyance that I've felt earlier are now fading because of what I'm seeing right now. They all look so happy, they exchange playful insults and banters na para bang walang lihim na galit ang iba sa isa't isa.

I even joined them which was I regretted afterwards kasi ako bigla ang naging center ng pang aasar nila.

"Yang si Lucy minsan na nga lang makaranas ng isang relasyon free trial pa." sabi ni Tiffany habang ngumunguya.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon