Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig

3.7K 125 21
                                    

Ω Kabanata III Ω
Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω


Makalipas ang halos isang dekada....

Nakangiting pinagmamasdan ni Danaya ang pagsasanay ni Aquil kasama si Muros. Nakasanayan na niya na panoorin ang Mashna sa pagsasanay nito.

"Danaya ano at nakasilip ka riyan?" Napalingon si Danaya ng marinig ang boses ng kanyang Inang Reyna. Kasama nito si Ades.

"Wala ina... May pinagmamasdan lamang ako... May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Danaya.

"Oo... Kanina ko pa hinahanap ang iyong mga apwe." Sambit ni Mine-a.
"Ah.... Si Pirena po kasama ang dama niyang si Gurna.... Samantalang si Amihan naman ay kasama ni Alena sila ay nagsusukat ng maskara para sa kaarawan ni Amihan mamaya." Nakangiting sabi ni Danaya. Napatango naman si Mine-a.

"Ades... Handa na ba ang lahat ng kakailanganin para sa kasiyahan mamaya?" Tanong ni Mine-a sa punong dama.

"Nakahanda na lahat Mahal na Reyna.... Tyak na ikatutuwa ni Sang'gre Amihan ang inihanda nating pagdiriwang para sa kaarawan niya." Nakangiting sabi ni Ades sa Reyna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

.
.
.
.
.
.
.
Di mapigilan ni Wantuk ang mapailing habang naglalakad sila sa pamilihan sa may labas ng Lireo.

"Wala talaga akong masabi sayo Ybarro." Sambit nito na nagpalingon kay Ybarro.

"Anong ibig mong sabihin Wantuk? " tanong nito.
"Kaibigan lumingon lingon ka nga... Di mo ba nakikita ang mga tingin sa iyo ng mga encantada.... Halatang gustong gusto ka nila.... Si Ybarro, ang makisig na anak ng pinuno ng mga mandirigma...." Nakangising sabi ni Wantuk kay Ybarro saka siya lumingon at mukang may katotohanan ang binabanggit ni Wantuk.

"Sabihin mo nga Ybarro... Bakit ba ayaw mong patulan kahit isa man lang sa kanila?" Tanong ni Wantuk.

"Wantuk... Bukod sa wala akong gusto sa kanila.... May hinahanap ang puso ko at alam kong malapit ko na siyang makilala." Nakangiting sabi ni Ybarro kay Wantuk ng biglang humahangos na dumating si Paco.

"Paco ano't humahangos ka?" Tanong ni Ybarro sa kaibigan.
"Pagkat may nasagap akong usap-usapan ng mga diwata." Sabi nito

"Anong usap-usapan?" Tanong ni Ybarro sa kaibigan.
"Na magkakaroon sa Lireo ng kasiyahan...." Nakangiting sabi ni Paco.

"Ano naman ang silbi ng kasiyahan na iyan sa atin?" Tanong ni Ybarro habang hinahawakan niya ang isang maskara na may disenyo ng isang sangaray.

"Tama si Ybarro, Paco kailanman ay di naman tayo pinayagan ng mga diwata na makapasok sa Lireo." Sambit ni Wantuk.

"Oo ngunit sa pagkakataon na ito ay nasisiguro ko na makakapasok tayo ng Lireo ng walang makakapansin sa atin." Sambit ni Paco sa kanila.

"Sa paanong paraan?" Tanong ni Ybarro saka kinuha ni Paco ang maskara na hawak ni Ybarro

"Sa pamamagitan nito.... Dahil ang mga panauhin mamaya sa Lireo ay magsusuot ng maskara." Nakangiting sabi ni Paco.

Napangiti si Ybarro, dahil wari niya ay matutupad na ang kanyang pagnanais na makapasok ng Lireo.

Hindi niya alam kung bakit pero mula pa noon malaki na ang pag-nanais niyang makapasok ng Lireo lagi niya itong tinatanaw na para bang nasa loob nito ang hinahanap ng kanyang puso.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon