Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan

2.3K 80 12
                                    

Ω Kabanata XVIII Ω
Agam-agam ni Amihan
Ω


             Matagal nang naririnig ni Amihan ang mga usap-usapan sa pamilihan at ng mga encantado na may isang lalaking naka-kalasag ang tumutulong sa mga naagrabyado ng mga hathor.

         At di akalain ng Hara na ang sinasabi sa mga usap-usapan ay si Ybarro ng mga mandirigma. Nakikita din niya na nabigla din itong makita siya sa pamilihan.

          "Hara Amihan..... ano ang iyong ginagawa dito." sabi nito.
          "May mga pagsusuri lamang akong ginagawa.... maiwan na kita mandirigma." sabi ni Amihan at saka siya marahang umatras. Hanggang ngayon ay may pagdaramdam pa din siyang nararamdaman para sa mandirigma, saka siya nag-evictus pabalik ng Lireo.

          Naikuyom naman ni Ybarro ang kanyang kamay. May nais sana siyang sabihin sa Hara ngunit sa ginawi nito ay nasisiguro niyang may pagdaramdam pa din ang Hara ng Lireo sa kanya. At malamang sa oo ay di nito pagbinigyan ang nais niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          "Ang sabi ko sino ka?" tanong ni Lira sa Encantada
        "Ako ang 'Mata' isang adoyaneva more...." sambit nito sa kanya.

         "Isang manghuhula.....ngayon naman sabihin mo sa akin kung bakit 'Mira' ang iyong itinawag sa akin. " sambit ng diwani sa adoyaneva more.

          "Sa takdang panahon ay malalaman mo din kung bakit Mira ang aking itinawag sa iyo." sambit nito saka ito naglaho. Nagulat naman si Lira sa kapangyarihan nitong maglaho gayong sabi sa kanya ay sila lamang mga sang'gre ang may kapangyarihan na mag-evictus
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
        Pagkatapos linisin ni Mila ang loob ng mansion ay agad siyang nagpunta sa maliit na bahay sa likuran. Ito ang bahay nilang mag-anak. Excited siya, kasi gusto nyang itreat sa labas ang mga magulang niya ngayong birthday niya. 

            Bubuksan na sana nya ang pintuan ng magtaka siya dahil sa madilim ang loob ng tahanan nila.  Nagtataka man si Mila ay pumasok siya sa loob nito para lang magulat dahil sa pagbukas ng ilaw ay nandoon ang magulang niya... May nakagandang pancit at maliit na cake para sa kanya.

            "Surprise! Happy Birthday Mila!" Nakangiting sabi ng mga ito.  Di naman maitago ni Mila ang tuwa sa sorpresa ng mga magulang niya para sa kanya.

           "Nay... Tay...Thank you...." Nakangiting sabi niya saka siya lumapit sa mga ito at niyakap ng sabay ang mga magulang.

            "Walang anuman anak...." Nakangiting sabi ni Amanda sa anak. Samantalang hinagkan naman sa noo ni Dado ang anak-anakan.

           "Maligayang kaarawan." Napalingon ang pamilya sa may pintuan at nakita nila ang among si Akeshya roon.
           "Ma'am Akeshya...." Nakangiting sabi ni Mila. Lumapit naman si Akeshya dito at binigay ang kanyang regalo sa kinagigiliwan niyang kasambahay. Ewan ba ni Akeshya kung bakit nuong una pa lang na nakita niya ang sanggol pa noon na si Mila ay kinagiliwan na niya agad ito.... Sobrang gaan ng loob niya sa dalaga.

           "Thank you po Ma'am Akeshya...  Nag-abala pa po kayo." Nakangiting sabi ni Mila.
           "Wala yun...." Nakangiting sabi naman ni Akeshya.  Buong pasasalamat naman na ngumiti si Mila sa mga magulang at sa mabait na amo.

           Di mqn niya totoong magulang sila Amanda at Dado ay mapalad siya at mahal na mahal siya ng mga ito.  Oo ampon lang siya ng mga ito, hindi naman kasi nilihim ng dalawa ang katotohanan na iyon.  At ipinagpapasalamat niya iyon. Hindi man niya nakilala ang totoong magulang ay balewala na sa kanya sapat na ang pagmamahal nila Amanda at Dado.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Pagpasok ni Amihan sa Lireo ay agad siyang sinalubong ni Danaya.
          "Saan ka nagtungo Hara?" Tanong nito. Napatingin naman si Amihan sa kanyang nakababatang apwe.
          "Sa pamilihan akin lamang siniyasat ang mga nagtitinda..... Sige na magpapahinga na ako sa aking silid." Sabi ni Amihan saka ito nagmadaling pumuntas sa silid nito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now