Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan

2.5K 81 20
                                    

Ω Kabanta XX Ω
Bugso ng Kapangyarihan
Ω


               Nadatnan ni Amihan sa kanyang silid si Lira na sinusuklayan ng dama. Lumapit siya sa mga ito.
          "Dama iwan niyo muna
kami." Sambit niya. Tumango at yumukod naman ang mga dama saka lumabas ng silid ni Lira.

          "Ina... Ano po ang iyong nais?" Tanong nito. Kinuha naman ni Amihan ang suklay at sinuklayan ang anak.
         "anak... Lira.... Nais lang kitang kausapin ukol sa iyong ama." Sambit niya. Napatahimik naman si Lira.

          "Tungkol sa iyong pakikitungo sa kanya." Sambit ni Amihan
          "Masisisi niyo ba ako Ina isa lamang siyang mandirigma..... ." Pagdadahilan ni Lira, napahinga naman ng malalim si Amihan.

         "Anak aaminin ko sayo na tinanong ko din ang Bathalang Emre noon kung bakit isang mandirigma lamang ang binigay niyang ama mo..... Ngunit nanalig na lamang ako na may magandang dahilan ang Emre ukol dito.... At di nga ako nagkamali di ba.... Siya pala ang susi ng Sapiro, ang rehav nito" sambit ni Amihan sa anak. Yumuko si Lira.

           "Kaya naman Lira nais kong maging magiliw ka sa iyong ama......sapagkat mapalad ka....na nakilala mo ang iyong ama, dahil bukod sa ating dalawa ay wala nang sang'gre ang naka-kilala pa ng kanilang ama." Sambit niya dito.
          "Maging ang mga ashti ay di kilala ang kanilang ama?" Tanong ni Lira.

           "Siyang tunay.... Kaya naman Sana ay mapagbigyan mo ako...."
           "Masusunod Ina.... Bubuksan ko ang aking puso para sa aking ama...sa susunid na siya ay bumisita dito ay magbabait ako Ina." Nakangiting sabi ni Lira.

           "Avisala Eshma.....anak." Nakangiting nuyakap ni Amihan ang anak na si Lira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Nagising si Asval sa pagpasok ni Axilom sa kanyang kubol na humahangos.
            "Ano ba Axilom nagambala mo ang aking oagkakahimbing." May inis na sabi ni Asval sa alagad.

          "Sapagkat may mahalaga akong nais na iuulat sa iyo Asval." Sambit nito na hinihingal.
          "Ano ito...?" Tanong ni Asval, maging ang bagong dating na si Dagtum ay naging interesado sa dahilan ng paghangos ni Axilom.

          "Bali-balita sa Lireo ang pagdating ni Rehav Ybrahim!" Ulat ni Axilom na takaga naman na ikinagulat niya maging ni Dagtum.
         "Siya bang tunay?" Gulat ba sabi ni Asval sa alagad. Sapagkat ang buong akala niya ay naoaslang na ng mga hathor ang rehav ksama ang ina nitong hara na si Mayne.

         "Tunay nga Asval at alam mo ba na ang iyong hadia ay sa mga lipi ng mandirigma lumaki." Dagdag pa ni Axilom.

            "Kung gayon ating tutunguhin ang kuta ng mga mandirigma ....panahon na para magkakilala kami ng aking hadia." Nakangising sabi ni Asval at saka ito lumabas ng kubol nito.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Marahang pumasok sa office ni Akeshya sa bahay si Mila para lang magulat na nandoon si Anthony.

          "Ma'am Akeshya pinatatawag niyo daw po ako?" Tanong niya dito.
         "Oo Mila halika umupo ka dito." Nakangiting sabi ni Akeshya na ginawa naman ni Mila.

         "We'll si Sylvia ang Mommy ni Anthony at kami ni Berdano may mga aayusin na negosyo.... Kaya ang gusto ko ay ikaw ang sumama kay Anthony sa pamamasyal dito sa Manila...." Nakangiting sabi ni Akeshya sa kanya. Gulat na napatingin si Mila kay Anthony na di maipinta ang muka. Malamang sa oo ayaw nito ang idea ng Ma'am Akeshya niya.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon