Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil

2.4K 59 6
                                    

Ω Kabanata XLV Ω
Si Kahlil
Ω


Maagang nagising si Lira at siya ay bumangon kahit ang kanyang mga apwe ay tulog pa. Paglabas niya ng silid ay naabutan niya sa labas at umiinom ang mashna ng kanyang ina na si Aquil habang nakatingin ito sa nagdarasal na si Ashti Danaya niya. Napakunot naman ang noo niya sa wari niya ay masyadong maaga nagising ang ashti at mashna.
Marahan siyang lumapit dito.

"Hello Aquil." Nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ito sa kanya bago nag-salita.
"Avisala Diwani Lira may maipaglilingkod ba ako sayo?" Tanong nito.
"Wala napansin ko kasi na maaga kayong gumising" sabi niya.
"Nagbabantay lamang ako sa paligid ng sa gayo'y walang masamang mangyari." Sabi nito napatango naman siya at pinagmasdan kung paano tingnan ni Aquil ang ashti Danaya niya. Napangisi siya dahil alam na niya agad ang pinahihiwatig ng mga tingin na yaon.

"May gusto ka kay Ashti Danaya noh." Nakangiting tukso niya sa mashna na napatingin naman sa kanya.
"Ano ba ang iyong sinasabi diwani?" Nabibiglang sabi ni Aquil sa kanya.
"Naku alam ko na yan, wag ka nang mag-maangmangan Aquil..... Eto gusto mo bang masabi kay Ashti Danaya ang mahal kita ng di niya nalalaman ng iba?" Tanong ni Lira dito.
"Di nalalaman ng iba.... Ibig sabihin ibang lengwahe?" Tanong ni Aquil. Tumango naman siya.
"Oo sa language namin sa mortal world...." Nakangiting sabi niya.
"Lengwahe ng mga mortal?" Tanong muli nito.
"Oo....mortal...lakas maka-combat.... Anyway naturo ko na kay Ashti toh.... Sasabihin mo lang ay 'I love you'....sa language namin ibig sabihin niyan mahal kita." nakangiting sabi ni Lira.

"I-i love y-you?" Tanong muli ng mashna.
"Correct.... Sige na magpa-gwapo ka muna bago ka lumapit kay Ashti." Nakangiting sabi niya. Tumango naman si Aquil at saka ito nagmadaling pumunta sa silid na inookupa nito. Napangising lumapit naman si Lira kay Danaya na katatapos lamang magdasal.

"Ashti...." Sabi niya.
"Lira..... Ang aga mo naman magising...." Sabi nito.
"Kasi Ashti.... Di ako matahimik hanggat di ko nasasabi sayo toh" sabi niya.
"Ano ba iyon aking hadia?" Tanong ni Danaya.
"Wag kang magagalit Ashti hah... Narinig ko kasi si Aquil kagabi kausap niya si Alira Naswen, sabi niya ikaw daw ang pinakamakulit at sutil na sang'greng nakilala niya... Totoo ba yun Ashti?" Sabi ni Lira na animo ay totoo ang sinasambit.

Bigla naman nainis si Danaya. Dahil sa sinabi ni Aquil at higit dahil magkasama ito at si Alira Naswen kagabi.
"Napakatabil talaga ng dila ng mashna ng iyong ina... Makikita niya." Sabi ni Danaya
"Naku Ashti.... Gusto mo ba na masabi mong naiinis ka kay Aquil ng di niya nalalaman?" Tanong ni Lira sa ashti niya.

"Paano aking hadia?"
"Sa mundo namim ito ang sinasabi namin pag-inis kami sa isa't-isa... 'I love you'....." Nakangiting sabi ni Lira sa kapatid ng kanyang ina.
"I-I love you....." Sabi ni Danaya. Tumango naman si Lira.
"Tamang tama ayan na si Aquil." Nakangiting sabi ni Lira. Inayos naman ni Danaya ang sarili at lumapit kay Aquil sumunod naman ang nagpipigil ng tawa na si Lira.

"Aquil totoo ba ang sinasabi ni Lira?" Tanong agad ni Danaya.
"Sinabi... Anong..."
"Wag ka nang mag-maangmaangan.... Sinabi na ni Lira.... Ikaw Aquil.... I love you ka talaga.... I love you!" Sigaw ng inis na si Danaya.
"I love you ka din Danaya" sabi ng nakangiting si Aquil.
"Tse!" Inis na pumasok si Danaya sa silid nito. Di naman mapigil ni Lira ang mapangiti sa kalokohang ginawa...

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt