Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib

2.4K 38 12
                                    

Kabanata CIV
Pag-Iisang Dibdib


Mabilis na kumalat sa buong kalupaan ng Encantadia ang balita ng nalalapit na pag-iisang dibdib ng Hara durie ng Lireo at ng Rama ng Sapiro. Nagsimula agad ang paghahanda para sa pag-iisang dibdib nila, at sino pa ba ang punong abala dito kundi si Lira katulong ang pinsang si Mira.

Kung labis ang tuwa ng bawat encantado ay mas lubos naman ang saya ng magkakapatid na Sang'gre para sa dating hara.

"Amihan..." Nakangiting pagtawag ni Alena sa apwe. Napalingon naman si Amihan at ngumiti sa kapatid.
"Nakahanda na ang lahat...naghihintay na sila sayo." Sambit nito tumango sya saka hinawakan ang kamay ni Alena.

"Alena..."
"Amihan wala kang dapat sabihin sa akin....matagal ko nang tanggap ang lahat na kayo ni Ybarro...ang ibig kong sabihin....ni Ybrahim ang itinadhana ng Bathalang Emre....at masayang masaya ako para sa inyong dalawa....walang halong pag-iimbot." Nakangiting sabi ni Alena kay Amihan na nagpagaan sa loob nito.
"Avisala eshma Alena....di mo alam kung gaano nito napagaan ang aking pakiramdam." Nakangiting sabi ni Amihan saka niya niyakap ang nakababatang kapatid.

"Naku mukang may iyakan pang naganap dito." Nakangiting tukso ni Danaya sa dalawa habang naglalakad palapit sa kanila kasama ang nakatatandang si Pirena.
"Syang tunay Danaya at di nila tayo isinasama." Sambit nito.
"Sinabi ko lamang kay Amihan na masaya ako para sa kanila ni Ybarro." Nakangiting sabi ni Alena tumango naman ang dalawa.

"Nasasabik ka na ba Amihan?" Tanong ni Danaya na pinaupo na sya saka nito kinuha ang belong may burdang ginto at dyamanteng nakikita lamang sa kaharian ng Sapiro. At isinuot sa kanya.
"Kinakabahan ako Danaya....pero masaya din ako...at nasasabik" nakangiting sabi nya.

"Sana maramdaman ko din ang ganyang saya Amihan." Nangangarap na sabi ni Danaya.
"Bakit di mo pa ba nararamdaman ang kaligayahan na nararamdaman ni Amihan sa piling ni Aquil." Tanong naman ni Pirena sa apwe. May lungkot na bumalong sa wangis ni Danaya.

"Minsan pakiramdam ko tinatraydor ko ang Lireo dahil sa pag-ibig ko kay Aquil." Pagtatapat nito sa kanila.
"Darating din ang tamang panahon para sa inyo Danaya." Nakakaunawang sabi ni Amihan dahil alam niya kung paano malagay sa sitwasyon ngayon ni Danaya.

"Di na kailangan pang maghintay ni Danaya....." Sambit ni Alena.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Danaya.
"Katulad ni Amihan sundin mo din ang iyong puso Danaya at handa akong saluhin at akuin ang maiiwan mong pamumuno sa Lireo." Sambit ni Alena na ikinabigla nilang lahat.

"Sigurado ka ba Alena?" Tanong Pirena lalo pa at alam nila na sa kanilang apat ay si Alena ang pinakawalang interes sa trono.
"Oo....handa ako." Sambit nito.
"Maraming sa salamat Alena.' Sambit ni Danaya sa kapatid saka nya ito niyakap ng mahigpit. Nagkatinginan naman sila Pirena at Amihan alam nila kung gaano kahalaga kay Danaya ang trono pero alam din nila na lihim na inaasam din ni Danaya na makasama habang buhay si Aquil.

"Sya husto na ito.....hayaan na natin ayusan ng mga dama si Amihan..." Sambit ni Pirena.
"Tama si Pirena....sige na Amihan mauna na kami." Nakangiting sabi ni Danaya saka sya niyakap muli bago umalis ang mga ito gamit ang evictus.

Nang makaalis ang mga apwe ay pinagmasdan ni Amihan ang sarili niya sa salamin. Di niya inakala na darating ang pagkakataon na ito sa pamagitan nila ni Ybrahim na pahihintulutan ng Bathalang Emre na magkasama sila.
"Sang'gre Amihan....aayusan na po namin kayo." ani ng dama sa kanya na kanyang tinanguan naman.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon