Ω Kabanata X Ω Mine-a

2.4K 86 8
                                    

Ω Kabanata X Ω
Mine-a
Ω


Isang palaso ang tumama sa dibdib ni Mine-a bago pa nito matapos ang sasabihin nito kay Amihan.

"Ina!" Gulat na sigaw ni Amihan at sinalo ang napaluhod na ina.
"Ades! Mga kawal!" Sigaw ni Amihan na naiiyak na. Nagmadaling pumasok ang mga kawal at si Ades na dinaluhan sila Mine-a at Amihan.

"Protektahan ang Reyna!" Sigaw ni Aquil sa mga kawal.
"A-Amihan...." Nanghihinang sambit ni Mine-a. Hinawakan naman ni Amihan ang kamay ng ina.

"Ina kumapit ka lang...ililigtas kita." Umiiyak na sabi ni Amihan. Pahina ng pahina ang paghinga ng Inang Reyna.

"Amihan.....si Y-Ybrahim..." Mahinang sabi nito kay Amihan ngunit di na nito natuloy dahil nabawian na ng buhay ang ina ng mga Sang'gre.

"Ina! Ina!" Umiiyak na niyakap ni Amihan ang inang wala nang buhay. Inilabas ni Amihan ang brilyante ng hanggin.

"Brilyante ng Hanggin ibalik mo ang hininga ng aking ina!" Umiiyak na sabi ni Amihan sa brilyante ngunit may limitasyon ang mga brilyante at di nito kayang ibalik ang buhay ng mga namatay na.

"Brilyante.....parang awa mo na....." Umiiyak na sabi ni Amihan ngunit di ito sinusunod ng brilyante. Umiiyak na lamang na niyakap ni Amihan ang walang buhay na ina.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nakatanaw si Pirena sa Lireo mula sa Hathoria ng maramdaman niyang may nasa kanyang likuran kay naman humarap siya at nakita niya si Gurna.

"Gurna.... Anong iuulat mo mula sa Lireo?" Tanong ni Pirena. Huminga ng malalim si Gurna.

"Ang iyong ina..... Wala na siya.... Pumanaw na si Reyna Mine-a" mahinang sabi ni Gurna ngunit sa pandinig ni Pirena ay para itong isang malakas na pagsabog.

"Di totoo ang sinabi mo Gurna! Nagsisinungaling ka!" Galit na sabi ni Pirena na nagsisimula ng sumungaw ang mga luha sa mga mata. Nakaramdam naman ng awa si Gurna sa Sang'gre kaya naman kanya itong niyakap habang tumatangis sa pagkawala ng ina.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Avisala Eshma sa pagsama mo sa akin sa labas ng Lireo Danaya...di man natin nakita si Ybarro nasiguro ko naman ang kaligtasan niya." Nakangiting sabi ni Alena kay Danaya habang papasok sila sa entrada ng Lireo.

"Walang anuman Alena... Kapatid kita kaya tutulungan kita." Nakangiting sabi ni Danaya.

"Sana lang ay ganoon din sila Ina at Amihan." Malungkot na sabi ni Alena ng salubungin sila nila Aquil at Muros.

"Mga Sang'gre saan kayo nanggaling." May lungkot sa boses at wangis na sabi ni Aquil sa kanila.

"Lumabas laman kami Aquil ano ba ang naganap at tila yata malungkot ang buong palasyo?" Tanong ni Danaya na napansin ang di maikakailang katahimikan ng Lireo.

"Isang masamang pangyayari....mga sang'gre" malungkot din na sabi ni Muros.

"Ang inyong ina.... ang Reyna Mine-a..... Ay wala na, isang may lasong palaso ang kumitil sa kanyang buhay." Malungkot na turan ni Aquil.

"Hindi Aquil nagsisinungaling ka nasaan ang aming ina!" Umiiyak na sabi ni Danaya samantalang si Alena naman ay agad na nagtatakbo papasok ng bulwagan at napatigil siya pagkat naroon ang lahat.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon