Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena

2.4K 71 15
                                    

(Authors note: Guys nagloko si watty ko kaya sadly na-republish ang Kabanata XLV Kahlil
Botohan niyo na lang anyway eto na ang ud talaga para sa araw na ito.)


Ω Kabanata XLVI Ω
Ang Panlilinlang ni
Pirena
Ω


             Nakamasid lamang si Amihan kayla Lira, Caspian, Mira, Pao-pao at Kahlil kasama ang mortal na si Anthony sa hardin. Natutuwa naman siya na naging mabuti ang pagtanggap nila Lira kay Kahlil ngunit nakikita niya ang pagiging mailap ni Caspian kay Kahlil kaya naman nagpasya siya na kausapin ito mamaya.

           "Mahal kong reyna...." Napahugot naman ng hininga si Amihan sapagkat alam niya kung sino ang tumawag sa kanya..... Ybrahim. Ilang araw na rin niyang inuuwasan ang rehav sa tuwina'y umiiwas siya dito ngunit ngayon ay tila nasukol siya nito.

           "Amihan.... Maaari ba tayong magkausap?" Tanong nito sa kanya. Humarap naman siya sa Rehav saka tumango.
          "Ano ba ang nais mong mapag-usapan natin?" Tanong niya dito.
          "Ang pag-iwas mo sa akin nitong mga nakaraang araw." Sambit nito.

          "Bagay na tama lamang..... Ybrahim ang mabuti pa wag mo na akong pag-ukulan pa ng panahon..... Ng sa gayo'y sa pagbabalik ni Alena ay magiging masaya kayong buong pamilya nila Kahlil." Sambit niya kahit na iba ang gustong isigaw ng kanyang damdamin. Hinawakan naman ni Ybrahim ang kanyang mga kamay.

          "Ngunit di ko iyon magagawa Amihan.... Dahil parang sinabi mo na din na lumayo ako sa bagay na nagpapasaya sa akin." Sambit ni Ybrahim sa kanya. Napatingin siya sa rehav at nakikita niya dito ang paghihirap ng damdamin na alam niyang nakikita din nito sa kanyang wangis. Labag man sa kalooban niya ay inalis ni Amihan ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

            "Kung gayo'y pag-aralan mo na kung paano mo ito gagawin." Sambit niya saka siya nag-evictus paalis. Naikuyom naman ni Ybrahim ang kanyang mga palad.
          Bakit ba naging ganito ang kanyang damdamin alam niyang mali ngunit kahit ganun pa man ay di niya kaya kung lalayo na ng tuluyan sa kanya si Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           "Reyna Pirena.... Narinig ko sa mga hathor na parating na ngayon si Hagorn...." Sambit ni Gurna kay Pirena. Napatango naman si Pirena.

         "Ngayon ko dapat isagawa ang aking plano.... Dapat mawala na si Ama sa aking landas dahil kung di natin siya uunahan ay alam kong papaalisin din niya ako sa aking trono.... Gurna.... Siguraduhin mong hindi makakaalis si Agane sa kanyang piitan hanggang sa maisakatuparan ko na ang aking balakin." Sambit niya.
           "Sigurado ka ba Pirena di mo na ba hihintayin na bumalik ang gabay diwa ng brilyante ng tubig mula sa paghahanap kay Alena?" Tanong muli ni Gurna.

            "Hindi na lalo at alam kong di na ako nakakasiguro kung kakampi siya sa atin lalo na at di ko na alam kung nasaan si Kahlil." Sambit niya saka siya nagpalit ng kanyang anyo bilang Agane at lumabas ng Lireo para salubungin sa kagubatan nito ang kanyang Ama
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Palabas na sana ng kanyang kubol si Ybrahim ng pumasok dito si Danaya.
        "Danaya may kailangan ka ba?" Tanong ng Prinsipe.
        "May nais lamang akong sabihin prinsipe." Sambit ng Sang'gre sa kanya.

         "Ano ito?" Tanong ng rehav.
        "Narinig ko ang pag-uusap niyo ng Hara Amihan.... At kung ako sa iyo Ybrahim ay susundin ko ang sinambit ng Hara... Ng sa gayo'y sa pagbabalik ng aking apweng si Alena ay mabawasan ang kanyang galit sa inyo... Alalahanin mo Ybrahim mas kailangan natin ang kapanalig ngayon kesa kalaban." Pagbibigay payo ng sang'gre Danaya sa rehav Ybrahim saka ito lumabas.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now