Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan

2.7K 86 53
                                    

Ω Kabanata XL Ω
Ang Pagliligtas ni
Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω


Habang naglalakad si Caspian sa loob ng Lireo ay nakaramdam siya ng panghihina at siya ay napaluhod. Napatingin siya sa kanyang kamay at nakikita niya ang panlalabo ng kamay niya.... Naglalaho siya.

"Caspian.... Ano ang nangyayari sayo?" Tanong ni Danaya kasama si Ybrahim ng makita nila na nanghihina ang encantado.

"Danaya.... Naglalaho ang kanyang wangis." Gulat na sabi ni Ybrahim na dinaluhan na din si Caspian. Naguguluhan naman na inilabas ni Danaya ang kanyang brilyante ng lupa.

"Brilyante ng lupa.... Pagalingin mo siya...." Samo ni Danaya sa brilyante ngunit wala itong ginagawa.

"Di ako mapapagaling ng brilyante ng lupa......ang a-aking Ina.....siya ang dapat iligtas....... Nasa panganib siya....." Sambit ni Caspian na nakadantay kay Ybrahim.

"Ang iyong Ina? Sino ba siya..... Bakit naglalaho ka?" Sambit ni Danaya.
"May nagaganap sa aking Ina.... At kung mamamatay siya.....maglalaho ako...." nahihirapan na sabi ni Caspian.

"Sabihin mo kung sino siya ng matulungan namin siya...." Sambit ni Ybrahim.
"Si Hara Amihan... Si Hara Amihan ang aking Ina...." Sambit ni Caspian saka ito nawalan ng malay.

Gulat na nagkatinginan sila Danaya at Ybrahim sa sinambit ni Caspian paanong naging anak ito ng Hara ng Lireo?

"Hindi ako makapaniwala sa kanyang tinuran Ybrahim." Sambit ni Danaya kay Ybrahim na nagulat din sa sinabi ng estranghero.
"Maging ako Danaya pero kung ito man ay totoo ibig sabihin ay nasa panganib si Amihan.... Kailangan natin siyang mailigtas." Sabi ni Ybrahim napatango naman ang sang'gre saka ito tumayo ay inilabas ang brilyante ng lupa.

"Brilyante ng lupa sinasamo ko ang iyong kapangyarihan...... Ipamalas mo ito sa amin..... Dulutan mo ng lunas sa sakit ang aking Hara nasaan man ito ngayon." Sambit ni Danaya. Umilaw naman ng matingkad ang brilyante ng lupa tanda ng pagtanggap sa kanyang hiling.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mula sa pagkawala ng malay ay naramdaman ni Amihan ang paghilom ng kanyang sugat na likha ng kanyang anak. Tatayo sana si Amihan kahit na masakit ang kanyang sugat para sundan ang kanyang anak na si Lira ng may tumutok ng espada sa kanyang leeg.

"Wala ka nang pupuntahan pa Amihan.... Kaawa-awa ka sapagkat ang sarili mong anak ang sumaksak sayo." Sambit ni Pirena.
"Pashnea ka Pirena anong panlilinlang ang ginawa mo sa aking anak para ako ay di niya pagkatiwalaan?" Galit na sabi ni Amihan.

Ngumisi naman si Pirena saka ito nagpalit ng wangis at nagbalat-kayo bilang siya na labis na ikinagulat ni Amihan saka ito nagbalik sa dati nitong wangis at saka tumawa.
"Ngayon alam mo na ba?" Nakangising sabi ni Pirena.
"Ashtadi..... Napakasama mo talaga Pirena!" Sigaw niya.
"Alam ko na iyon Amihan... Wala na bang bago.... Mga kawal kuhanin niyo na siya at ilagay sa piitan." Sambit ni Pirena sa mga kawal at hathor na hinawakan si Amihan at dinala sa piitan.

"Ano ang balak mo sa kanya?" Tanong ni Gurna sa kanya.
"Ang kuhanin ang brilyante ng hangin saka paslangin siya." Sambit ni Pirena sa kanyang tapat na dama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Napangiti si Caspian ng magising siya at nakitang unti-unti ay di na naglaho ang kanyang wangis. Nakangiting tumayo siya at humarap kayla Ybrahim at Danaya na namangha din sa nasaksihan.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora