Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante

1.8K 41 64
                                    

Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ
Ang Pagkawala
ng mga
Brilyante

Ӝ

Sa Nakaraan.......
 

             Sa isang damuhan binalikan ng malay si Amihan, marahan siyang umupo at nakita sa kanyang tabi ang kanyang mga apwe
          "Pirena.... Alena....Danaya gumising kayo." Sambit niya sa mga ito, di nagtagal ay nagising din ang mga ito at marahang umupo.

          "Nasaan na tayo Amihan?" Tanong ni Danaya na walang ibang nakikita kundi damuhan at kakahuyan. Tumayo naman sila bago nagsalita si Amihan.
        "Nararamdaman ko nandito na tayo kung saan dapat tayo mapunta." Sabi niya saka sila luminga-linga.
         "Ngunit nasaan ang ating mga kasama?" Tanong ni Danaya ng mapansin niyang sila lang magkakapatid ang magkasama.

         "Iyan din ang ipinagtataka ko....nag-aalala ako sa kanila." Sabi ni Amihan sa mga ito. Napahinga naman ng malalim si Danaya.
         "Bakit di natin gamitin ang mga brilyante para mahanap sila?" Mungkahi ni Alena. Tumango naman sila saka nila inilahad ang palad nila para lumabas ang mga brilyante ngunit walang lumabas mula sa kanilang mga palad.

          "Pashnea... Nasaan na ang ating mga kapangyarihan?" Tanong ni Pirena sa mga kapatid. Napailing naman si Amihan.
          "Tila di pa buhay ang mga brilyante sa panahon na ito." Sambit niya saka nila ibinaba ang kanilang mga kamay.

         "Kung gayon ay kailangan makita natin sila bago natin hanapin sila Lirios at Caspian... Mas buo ang ating pwersa kung mag-kakasama tayo." Sabi ni Danaya. Tumango naman sila saka sila naglakad.

           Ngunit isang grupo ng mga encantado ang lumabas mula sa pinagkukubihan ng mga ito at nakapalibot ang mga ito sa kanila na nakatuon ang mga sandata sa kanila.

         "Sino kayo?!" Sambit ng isa sa mga ito.
         "Marvus.... Baka sila ay mga espiya ni Hara Avria para tugisin sila Memen at Ornea!" Sambit ng isa.
         "Pashnea!" Sambit naman ng tinawag na Marvus na handa na silang salakayin.
 
          "Nagakakamali kayo.... Di kami espiya ng Hara Avria.....mga diwata kami." Sambit ni Amihan sa mga ito. Nagkatinginan naman ang mga ito.
        "Kailanman ay di pa ako nakakita ng isang diwata na nakapang-gayak pandigma." Sambit ni Marvus sa kanila na patuloy lang na nakatutok ang mga sandata sa kanila.

          Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre na umiisip ng paraan para matakasan ang mga ito.
         "Inuulit ko Marvus.... Hindi kami mga vedalje....kami ay mga Sang'gre." Sambit muli ni Amihan samantalang nakahanda naman ang mga sandata ng kanyang mga apwe sakaling kalabanin sila ng mga diwata na ito.
         "Tila di pa rin sila naniniwala sa atin Amihan." Sambit ni Pirena.
         "Ngunit kung diwata nga sila at pinangangalagaan nila sila Memen at Ornea ay di natin sila dapat masaktan." Sabi naman ni Alena.
         "Kailangan nating mag-evictus paalis ng sa gayo'y makaalis tayo ng di natin sila nasasaktan." Mungkahi naman ni Danaya. Tumango naman ang kanyang mga apwe saka sila nag-evictus paalis sa lugar na yaon.

           Nagkatinginan naman sila Marvus at ang mga kasama nilang diwata dahil sa pinamalas na kapangyarihan ng mga nagpakilalang diwata.
          "Kagilagilalas ang pinamalas nilang kapangyarihan..... Di yata sila na ang magiging tigapagligtas ng mga diwata." Sambit ni Marvus sa sarili saka sila nagmadaling makabalik sa kanilang kuta kung saan nila hinihintay sila Ornea at Memen.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now