Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian

2.9K 89 50
                                    

Ω Kabanata XLI Ω
Si Caspian
Ω

Marahang ikinumot ni Ybrahim ang kanyang balabal sa nahihimbing na Hara, na nakahiga sa makakapal na damuhan para maging matiwasay ang pagtulog nito. Napalingon si Ybrahim sa Argona na nagpapahinga na din saka siya lumapit dito.

"Avisala Eshma kaibigang argona." Nakangiting sabi niya. Umungot naman ito sa kanyang paghaplos sa ulo nito saka siya muling lumapit sa nahihimbing na si Amihan at umupo siya sa tabi nito.

Di niya maiwasan na di mapagmasdan ang kagandahan ng Hara ng mga diwata na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at pinasadahan ng kanyang daliri ang mapupulang labi ni Amihan.

Napalunok siya may nararamdaman siya, para bang nais niyang madampian muli ang labi ng reyna..... Ninanais niyang mahagkan ito ng malalim di tulad ng una na nadampian lang niya ang labi nito. Marahan niyang nilapit ang muka dito.... At napalunok muli siya ng napakaliit na distansya na lamang ang naglalayo sa kanilang labi. Ng bigla siyang parang natauhan.

Napailing ang Rehav at lumayo sa Hara. Hindi niya dapat ginagawa ito. Mahal niya si Alena.... Ngunit..... Napalingon siyang muli kay Amihan. Tumayo si Ybrahim at lumakad palayo sa nahihimbing na si Amihan. Naguguluhan siya..... Gulong gulo ang kanyang puso at isipan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Lumabas ka na alam kong nandyan ka lamang." Sambit ni Cassiopei-a ng maramdaman niya na may nilalang sa paligid. Tumikhim naman si Caspian saka ito lumabas mula sa pagkukubli sa malaking puno.

"Avisala Hara durye...." Pagbati nito sa dating Hara ng Lireo. Napatingin si Cassiopei-a kay Caspian na nakakunot ang noo at tila siya ay kinikilala.
"Avisala.....Rehav ese adoyaneva...." Sambit nito sa kanya. Napangiti si Caspian tama nga ang sinabi sa kanya na si Cassiopei-a ang Mata ng Encantadia.

"Kung alam mo yan ay alam mo na rin ang aking kinakailangan sayo Cassiopei-a." Sabi ni Caspian dito. Napailing si Cassiopei-a sa kanya.
"Hindi pa ganoon kalayo ang nararating ng aking Mata para malaman kung ano ang pakay mo dito sa nakaraan.... Sabihin mo ano ba ang kailangan mo sa at naglakbay ka pa mula sa adoyaneva papunta dito sa enamuya?" Mahabang tanong ni Cassiopei-a sa kanya.

"May kailangan akong pigilan dito sa nakaraan." Sabi niya dito kumunot ang noo ni Cassiopei-a sa sinabi ni Caspian
"Ano ang kailangan mong pigilan dito sa nakaraan?" Tanong muli ni Cassiopei-a.
"Ang kamatayan ng aking ina...ni Hara Amihan." Sambit ni Caspian sa nakatatandang diwata. Inilahad naman ni Cassiopei-a ang kanyang mga kamay kaya naman inilahad din ni Caspian ang kanyang kamay at saka ito hinaplos ng Mata.

"Ikaw ang isa sa apat na sang'gre na magbabago sa kasaysayan ng Encantadia.... At ayon sa nakikita ko sa iyong palad ay ikaw ang anak ni Amihan na di nakatanggap ng pagmamahal mula sa magulang nito.....kailanman ay di mo nagisnan ang pagmamahal ng iyong ama at ina." Sambit ni Cassiopei-a kay Caspian napangiti naman ng mapait si Caspian ng maalala kung bakit niya di naranasan ang pagmamahal ng ama at ina.

"At ito ay dahil sa bugna na tinanggap ng sang'greng anak ni Alena at Ybrahim mula kay Ether.... Si Kahlil ang siyang kikitil sa buhay ng Hara ng mga diwata." Sambit ni Cassiopei-a. Napatiim bagang si Caspian ang mga binanggit nito ay pawang katotohanan.

..............
Sa adoyaneva na kanyang pinagmulan ay di na niya nakagisnan pa ang kanyang ina at ama sapagkat namayapa na ang mga ito. Sa isang malawakang digmaan daw natupad ni Kahlil ang bugna nito....ayon sa kanyang edea na si Lira. Ang pagpaslang sa kanyang ina ang hudyat ng tuluyang pagbagsak ng Lireo, Sapiro at Adamya sa kamay ng Hathoria.... Sa kamay ng sakim na Hari nito na si Hagorn.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now