Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω

2.6K 79 24
                                    

Ω Kabanata XVI Ω
Ang Galit ng mga
Sang'gre
Ω


               "Ama nasaan si Wantuk...tila yata di ko siya nakikita?" Tanong ni Ybarro kay Apitong ng mapansin niya ang pagkawala ni Wantuk.

         "Pagkat siya ay pinapunta ko sa Lireo ng makibalita sa nagaganap doon kung hinahanap ka pa ba nila." Sabi ni Apitong, napatango naman si Ybarro sa sinabi ng ama, binigyan naman siya ni Paco ng paneya para makain ng walang pasintabi ay dumating si Wantuk.

          "Wantuk.....ano ang nangyari?" Tanong ni Apitong sa humahangos na si Wantuk. Humihingal na tumigil si Wantuk.

          "Mga amo nanggaling na ako sa Lireo at may mga nasagap akong balita." Sabi nito.
           "Gaya ng ano?" Tanong ni Apitong dito.

          "Amo....hindi na pinaghahanap si Ybarro sa Lireo.....maging yung Hitano na yun ay nawala na lang basta......at ang pinakamalaking balitang dala ko ay tungkol kay Sang'gre Alena." Sabi ni Wantuk.

          "Ano ang tunkol kay Alena?" Tanong ni Ybarro sa kaibigan. Napayuko naman si Wantuk.

         "Nitong mga nakaraang araw ay may nangyari kay Sang'gre Alena.....siya ay pumanaw na." Malungkot na sabi ni Wantuk kay Ybarro na nagulat sa ulat ng kaibigan sa kanila.

           "Hindi ito maaaring mangyari...." May mga luhang sumungaw sa mga mata ni Ybarro, di siya makapaniwala na wala na ang encantada na minamahal niya.

           "Ybarro sa palagay ko ay kagustuhan na ito ng tadhana ng sa gayo'y di ka na nila hanapin at mapahamak" sabi ni Apitong sa anak-anakan.

           "Hindi Ama.....nais kong matiyak ang binabanggit ni Wantuk....pupunta ako ng Lireo." Sabi ni Ybarro at aalis na sana ng pigilan ito ni Apitong.

         "Anak di mo ba ako naiintindihan maaari ka nilang ipadakip at parushana kung gagawin mo iyan." Sabi ni Apitong.
          "Gawin nila ng malaman nila kung sino talaga ako." May determinasyong sabi ni Ybarro saka ito naglakad papunta sa Lireo.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                   Marahang naglalakad si Amihan palabas sana ng tarangkahan ng Lireo ng makita siya ni Danaya at sumabay sa kanya.

         "Hara....maaari ba kitang maka-usap?" Tanong ni Danaya.
        "Maaari naman Danaya....ano ba ang iyong nais pag-usapan natin?" Tanong ni Amihan sa nakababatang kapatid.

        "Si Alena at ang brilyante ng tubig." Sambit ni Danaya. Napatango naman si Amihan.

         "Ano naman ang tungkol doon Danaya?" Tanong ni Pirena na sumabay sa kanilang paglalakad.

         "Akin lamang sinasabi Pirena ay nasaan ang brilyante ng tubig, ano ang nangyari dito ng mapaslang ng dragon si Alena." Sabi ni Danaya.

          "Ang tanong ni Danaya ay ang tanong din na bumabagabag sa akin....nasaan nga ba ang brilyante ng Tubig.....na kay Alena kaya ito....?" Tanong din ni Amihan.

         "Yan ay di na natin masasagot....Amihan.....ngunit magpasalamat na lamang tayo at binibiyayaan pa rin tayo ng brilyante ng tubig....." Sabi ni Pirena sa mga apwe. Napatango naman si Amihan, samantalang si Danaya ay di naman kumbinsido sa naging sagot ni Pirena.

           "Mahal na Reyna....Mga Sang'gre may nais na kumausap sa inyo." Sabi ni Muros na nanggaling sa labas ng Lireo.

          "Sino?" Tanong ni Amihan.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt