Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a

1.3K 37 3
                                    

Ӝ Kabanata XCV Ӝ
Si Mine-a
at
si Cassiopei-a

Ӝ


Sa Nakaraan
       Sa Hera Andal......

            Tahimik na naka-upo si Mine-a sa loob ng kanyang silid. Kanya pa ring iniisip kung nasaan na si Raquim ngayon at kung paano siya makikipag-ayos dito.
          "Mine-a...." Sambit ng Ina niyang si Avria ng pumasok ito sa loob ng kanyang silid kasama si Hagorn.
        "Ina...."
        "Paano mo nagawa iyon Mine-a? Bakit ka tumatakas ng Hera Andal?" Tanong nito at alam niyang nagtitimpi lang ito ng galit sa kanya. Di naman siya makasagot kaya naman siya ay yumuko na lamang.

        "Sa tingin ko ay iiwan ko na lamang kayo Mahal na Reyna." Sambit ni Hagorn
        "Mabuti pa nga Prinsipe Hagorn... Wag kang mag-alala tuloy pa din ang kasunduan na naganap sa ating mga kaharian para sa inyo ni Mine-a." Sambit ni Avria.
       "Avisala eshma ngunit ako ay umaasa na mas mapapaaga pa ang aming pag-iisang dibdib." Sambit muli ni Hagorn tumango naman si Avria. Di naman makapaniwala si Mine-a sa kanyang narinig.

       "Ngunit Ina...." Pagpoprotesta nya.
       "Ssheda Mine-a.... Wala kang karapatan na sumali sa usapan namin." Pagpigil sa kanya mi Avria. Napayuko na lamang ang Heran. Iniwasan naman ni Hagorn na bigyan ng pansin ang awa na nararamdaman para kay Mine-a.
        "Kung ganoon ay umaasa ako na mas mapapaaga ito." Sabi mi Hagorn saka siya yumukod kay Avria na tumango naman saka siya lumabas ng silid.

         "Ina..."
         "Ssheda Mine-a.... Ayoko nang makarinig ng kahit ano pa mula sa'yo." Sambit ni Avria saka ito lumabas ng kanyang silid. Di naman naiwasan ni Mine-a ang mapaluha. Gusto niyang kumawala sa lahat ng ito... Kung kaya lang niya.

         "Mahal na Heran kumain muna po kayo." Sambit sa kanya ng dama ngunit pinalis niya ito gamit ang kanyang kamay dahil sa Inis ngunit ang di niya inaasahan ay ang malakas na enerhiya ng kapangyarihan na lumabas sa kanyang kamay maging ang dama ay nagulat sa kapangyarihan na lumabas mula sa kanyang mga kamay.

           "Paano?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa kamay niya at sa umuusok na pader na tinamaan ng kapangyarihan na lumabas sa kamay niya.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
  

Sa Sapiro......

         "Di ko mawari kung bakit ginawa ni Ina ang ganoon kay Aldo Raquim." Sambit ni Danaya ng makabalik sila sa Sapiro habang si Raquim ay nagtuloy na sa silid nito na mabigat ang kalooban sa nangyari.
          "Maging ako Danaya... Ngunit manalig na lang tayo sa lahat ng magaganap ay nakatakda." Sagot naman ni Alena sa kapatid samantalang di naman sumasagot sila Amihan at Pirena may sari-sariling iniisip ang dalawang nakatatandang diwata.

         Si Pirena, kanyang iniisip kung ngayon pa lamang ay minamahal na ng kanilang Ina si Aldo Raquim... Ano ang pag-asa na mahalin din nito ang kanyang ama.... Ano ang pag-asa na mabuo siya?

         Samantalang si Amihan ay ganoon din ang iniisip kung galit ang kanyang ama sa kanyang ina ngayon may pag-asa bang magkaayos ang dalawa at mabuo pa siya? Di naman sila napansin ng kanulang mga apwe hanggang sa mapag-isa na sila Ybrahim at Amihan.

        "Amihan tila tahimik ka?" Tanong ni Ybrahim sa kanya tumingin naman si Amihan ng may bahid ng pag-aalala sa kanyang katipan
        "Iniisip ko lamang si Ina at Ama sa mga nangyayari ngayon baka di na ako mabuo Ybrahim.... Baka maglaho na ako sa hinaharap." Sambit ni Amihan dito. Hinaplos naman ni Ybrahim ang kanyang pisngi para pawiin ang agam-agam na kanyang nararamdaman.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now