Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim

2.5K 72 26
                                    

Ω Kabanata LV Ω
Ang Pangako
Ni
Ybrahim
Ω


               
               Napangiti si Lira ng dumating siya sa Lireo dahil ibang-iba ang kanyang naiisip na lagay nito sa kanyang nakikita.
        "Kawal... Anong nangyari?" Tanong ni Lira sa kawal na nasa labas ng Lireo.
        "Nagwagi na ang Hara Amihan.... Nabawi na din niya ang Lireo sa mga Hathor." Nakangiting sabi ng kawal. Napangiting napatingin kay Wahid si Lira.

          "Narinig mo yon Wahid nanalo na sila Inay sa labanan.... Nabawi na din nila ang Lireo." Nakangiting sabi ni Lira saka niya niyakap sa tuwa si Wahid.
          "Oo nga nanalo na sila...." Nakangiting sabi ni Wahid na niyakap din si Lira. Nakahinga kasi ng maluwag ang barbaro na di na niya kailangan pang lumaban.

          "Magbigay pugay sa Hara Amihan." Napahiwalay si Lira kay Wahid ng marinig niya iyon at ng makita niya ang mga magulang na lumabas ng Lireo ay di na niya napigil ang sarili niya at niyakap niya ang mga kamahalan na ikinagulat ng mga ito.
             "Inay Itay masaya po ako para sa inyo." Nakangiting sabi ni Lira ng tinanggal ni Ybrahim ang pagkakayakap niya sa mga ito.

           "Agape avi Encantada ngunit sino ka?" Tanong ni Ybrahim kay Lira samantalang si Amihan ay kilala naman na siya. Napaatras tuloy si Lira.
         "Siya ang encantada na nagsasabing anak natin Ybrahim.." Sabi ni Amihan.
          "Mapanganib ba siya Hara Amihan?" Tanong ni Muros sa reyna.
          "Hindi ah.... Walang ganun Muros." Sabi ni Lira sa hafte.

          "Sa tingin ko'y hindi naman at gaya nga ng sabi ni Ynang Reyna.... Ang Lireo ay bukas sa lahat ng encantado na nais ng masisilungan." Sambit ni Amihan, di niya alam kung bakit mula nung isang gabi na pinaalis niya ito ay tila di siya nabagabag kaya naman ngayong nandito ito ay sisiguraduhin niyang magiging maayos ang lagay ng encantada. Napangiti naman si Lira dahil kahit di siya naaalala ng kanyang Ina ay nananaig pa din ang pagmamahal nito sa kanya.

            "Kung gayo'y maaari ka ng tumuloy sa Lireo." Sambit ni Muros. Napangiti naman si Lira. Saka bumaling si Amihan sa mga nasa labas pang kapanalig.
            "Tayo na mga kasama.... Tayo nang muli sa ating tahanan....may pagdiriwang kaming inihanda para sa inyo." Nakangiting pag-aanyaya ni Amihan sa lahat at ang una niyang inayanh pumasok ay si Lira na tuwang-tuwa naman. Kasunod nila ang mga iba pa na di maitago ang tuwa sa nga wangis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Sa isang di nalalayong kakahuyan sa Lireo nagpunta sila Gurna at Pirena doon sila nagtayo ng masisilungan.
         "Maayos na ba ang lagay mo Pirena?" Tanong ni Gurna sa sang'gre na kanyang binigyan ng maiinom.

         "Ayos na ako Gurna... Isa na lang ang nasa isipan ko kung paanong mababawi ang Lireo at ang mga brilyante sa ating mga kaaway." Sambit ni Pirena sa tapat na dama. Napahinga naman ng malalim si Gurna dahil maging siya ay di niya alam kung paano mangyayari ang gusto ni Pirena ng walang anu-ano'y lumitaw si Alena sa kanilang kuta.

           "Alena apwe...." Nakangiting sabi ni Pirena na tila nabuhayan sa pagdating ni Alena.
         "Pirena nagpunta ako dito para malaman kung ayos lamang ang inyong lagay." Sambit ni Alena.
         "Maayos naman ang lagay namin at ikaw tila yata nakuha mo na muli ang iyong brilyante.... Ngunit paano nangyaro iyon?" Naitanong ni Pirena. Napangisi naman ang diwata ng tubig.

       "Dahil di na ako ang dating Alena.... At isa pa wag na iyan ang ating pag-usapan, narinig ko kanina na iniisip mo kung paano makakabawi sa'yong mga vedalje....bakit di mo unahin ang pangangalap ng kapanalig." Sambit ni Alena. Napatango naman si Pirena.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora