Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya

1.6K 46 12
                                    

Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ
Ang Tunay
na
Danaya

Ӝ


         
                 Naikuyom ni Avria na nasa katawan ni Danaya ang kanyang kamay. Ang akala niya kapag nasakop niya ang katawan ni Danaya ay magiging madali ng maisakatuparan ang kaniyang mga plano laban sa mga diwata ngunit sa nangyayari ay tila nahihirapan pa siya.

         "Hara Danaya...." Napalingon siya ng pumasok si Aquil, ang anak ni Amarro sa silid ni Danaya.
        "Aquil... Ikaw pala ano ang iyong nais?" Tanong niya
        "Nais ko lamang sabihin sayo na habang wala pa si Muros ay handa akong humalili muna sa kanyang posisyon." sabi ni Aquil kay Avria. Lihim na napailing si Avria.

          "Hindi na Aquil kaya ko na ito....Kaya kong pamunuan ang Lireo higit sa lahat...... Sige na marami pa akong gagawin." Sabi niya dito. Tumango naman si Aquil kahit na nagtataka siya kung bakit tila nagmayabang si Danaya na di naman nito ugali ngunit nagkibit-balikat na lamang siya marahil ay pagod na ito kaya ganoon ang nasabi. Marahan siyang yumukod saka siya lumabas ng silid nito.

          "Hara Avria..." Napalingon si Avria sa likod niya ng makaalis si Aquil ay pumasok naman si Odessa.
          "Hera Odessa.... Ano nagawa mo na ba?" Tanong niya dito.
          "Naghihintay na sa inyo ang mga diwata sa likod na bahagi ng Lireo." Nakangising sabi ni Odessa, tumango naman siya.
           "Kung ganoon ay tayo na." Sabi niya saka sila naglaho papunta sa likurang bahagi ng Lireo kung nasaan ang mga diwatang kawal na kanyang pinatipon dito.
         
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

               Habang pinagmamasdan ang mga apwe ay di pa din maalis sa isip ni Lira kung bakit iba ang pakiramdam niya kay Danaya na para bang may nag-iba dito mula ng bumalik ito mula sa pakikipag-usap sa Hara ng Etheria.

          "Edea Lira tila yata di maganda ang iyong pakiramdam at tahimik ka?" Tanong ni Lirios samantalang nakatingin naman sa kanya si Caspian maging ang dama nitong si Kata.
         "Wala ito Lirios may iniisip lamang ako.... Sige na maglaro na kayo ni Caspian.... May pupuntahan lamang ako.... Dama bantayan mo silang dalawa." Sabi niya Kay Kata yumukod naman ito sa kanya saka siya naglakad palabas ng silid.

         Pupunta siya sa Lireo kailangan malaman niya kung bakit siya nagkakaroon ng mga ganitong alinlangan kay Danaya.

          Pagdating niya sa Lireo ay nagtaka siya kung bakit wala ito sa silid nito kaya naman lumabas siyang muli para hanapin ang ashti ngunit isang di inaasahang nilalang ang kanyang nakita....

          "Avria.... Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito ngunit ito naman ay tila tuwang-tuwa na makita siya.
         "Lira aking hadia...." Nakangiting sabi nito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

        "Hello magising ka nga kailan pa kita naging auntie!" Sabi niya
        "Lira maniwala ka ako si Danaya! Ako ang ashti mo!" Sabi nito na lalapitan pa sana siya ng dumating si Aquil.

         "Avria.... Layuan mo ang Sang'gre Lira!" Sabi nito at itinutok kay Avria ang espada niya. Napatingin naman si Avria dito na may takot sa mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Marahang pina-upo ng mga Sang'gre at ng Rama Ybrahim ang mortal na si Anthony ng makarating sila ng Hathoria.
         "Maayos na ba ang lagay mo Anthony?" Tanong ni Mira sa katipan.
         "I'm okay....ang ibig kong sabihin ay maayos na ako ngayon....Mira." Sabi naman nito napatango naman si Mira.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon