Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira

2.5K 79 24
                                    

Ω Kabanata XXXI Ω
Ang Misyon nila
Danaya at Lira
Ω


             Marahang tumayo si Lira mula sa pagkakahiga kinaumagahan. Napahinga siya ng malalim ng maalala si Anthony. Naisip niya dapat talaga di na niya ito sinama dito sa Encantadia edi sana ay buhay pa ito.

         Marahang naglakad si Lira habang tulog pa si Muyak at ang kanyang ashti Danaya. Pinagmasdan niya ang paligid tunay ngang napakaganda ng Encantadia ngunit alam niyang mapanganib din ito.

            "Avisala Diwani Lira." Napalingon si Lira sa nagsalita at nagulat siya na isang napakagandang babae ang nasa likuran niya.
            "Ay ang ganda niyo naman po.... Para kayong model....teka baka artists kayo dito sa Encantadia..   Pero may TV man lang ba dito?' Tanong ni Lira sa nilalang.
            "Di ko alam ang mga wika na iyong sinambit.... Ngunit hayaan mo akong magpakilala ako si Cassiopie-a." Sambit nito. Napatango naman si Lira na lalong namangha ng di naman bumubuka ang bibig nito ay naririnig pa din niya ang sinasabi nito.

           "Ang galing...." Sabi niya. Mula sa mga kamay nito ay lumabas ang isang napakagandang espada na gawa sa ginto.

          "Halika lumapit ka Lira. Ito ang aking handog para sa iyong pagbabalik dito sa Encantadia." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a. Nakangiting lumapit naman si Lira at kinuha ang espada.
          "Iyan ang Avatar isang sandata na para lamang sayo." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a sa kanya.

          "Thank you." Tuwang tuwa na sabi ni Lira.
           "Ninunong Cassiopei-a.... Avisala." Sabi ni Danaya na nagising at pinuntahan ang dalawa. Maging si Muyak ay lumapit na din sa mga ito.
          "Avisala... Danaya... Binabati kita sa iyong pagtatagumpay sa pagbabalik kay Lira dito sa Encantadia..." Sambit nito.
          "Avisala Eshma Hara Durne.... Ngayon ay kailangan na naming puntahan si Amihan ng sa gayo'y makilala na niya ang kanyang tunay na anak." Sambit ni Danaya.

           "Ashti tingnan mo, binigyan niya ako ng sword.... Ganda noh." Nakangiting sabi ni Lira na iwinasiwas pa ang espada.
           "Ssheda Lira... Hindi laruan and espada baka masugatan ka." Saway ni Danaya sa hadia.
            "Sorry....." Sabi na lang ni Lira. Saka humarap kay Cassiopei-a si Danaya.

           "Sang-ayon ka ba sa aking Plano Hara Durne?" Tanong muli ni Danaya.
          "Huwag mo na munang alalahanin si Amihan siya ay nasa mabuting kalagayan..... Ang nais ko ay magpunta kayo sa Devas.... Ng sa gayo'y mabasbasan si Lira sampu ng ating mga ninuno." Sabi ni Cassiopei-a. Napatango naman si Danaya sa sinabi ni Cassiopei-a.

            "Kung iyan ang inyong nais.... Masusunod Hara Durne." Sabi ni Danaya.
           "Kumuha ako ng isang encantado na maaari niyong makasama sa paglalakbay na ito." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a at mula sa kakahuyan ay lumabas ang isang barbaro.

           "Teka Mata... Saan mo ba ako dinala?" Tanong nito saka napatingin kay Lira di tuloy nila maiwasana na magkatinginan nito mula ulo hanggang paa.
          "Kakaibang encantada..... Kakaiba man ang kasuotan ay nakakabighani pa din ang ganda." Nakangiting sabi nito. Napasimangot naman si Lira.

          "Pervert...  Hmp." Naka-ismid na sabi ni Lira dito.
         "Siya si Wahid isang Barbaro... Siya ang makakasama niyo sapagkat ang kanyang sisakyang paghimpapawid ang inyong gagamitin papuntang Devas." Sambit nito sa kanila. Tatango-tango naman si Wahid.

          "Avisala Eshma Hara Durne....may isa lamang akong nais na malaman." Sambit ni Danaya.
          "Kung ito ay tungkol sa mortal na kasama nyo nasa mabuting kalagayan." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a. Nakahinga naman ng maluwag si Lira sa narinig.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon