Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a

1.3K 36 3
                                    

Ӝ Kabanata XCIV Ӝ
Si Mine-a

Ӝ


Sa Nakaraan......
       Sa Sapiro.....

          "Mabuti at pinaunlakan niyo ang aming hinandang hapunan para sa inyo." Sambit ni Haring Meno ng dumulog sa hapag ang mga Sang'gre at sila Ybrahim, Azulan, Aquil at Memfes kasama din si Amarro.
        "Isang karangalan ang maanyayahan niyo kami ng aking mga kasama." Sambit ni Amihan. Tumango naman si Meno. Uupo na sana ang mga Sang'gre ng makaramdam sila ng kirot mula sa kanilang tyan na tila ba may sumaksak sa kanila.

         "Aghhh.." Sambit ng magkakapatid na Sang'gre. Agad naman na nag-alala ang lahat para sa apat.
        "Amihan anong nangyayari sa inyo?" Sabi ni Ybrahim na inalalayan maka-upo ang katipan. Ganun din ang ginawa nila Azulan, Aquil at Memfes kina Pirena, Danaya at Alena.

         "Di ko din alam Ybrahim...." Sambit ni Amihan.
         "Tila ba may sumaksak sa amin ng di namin nalalaman." Sabi naman ni Pirena. Nagtataka naman nagkatinginan ang lahat.

         "Ngunit sino... Sino ang maaaring gumawa sa inyo ng ganoon?" Tanong ni Asval.
         "Tulungan niyo kami.... Tulungan niyo kaming malaman ang dahilan nito." Samo naman ni Alena kay Haring Meno na tumingin naman kay Pinunong Aegen ng Adamya.

          "Pinunong Aegen.... Maaari mo bang ipakita sa amin gamit ang tungkod ng balintataw kung ano ang dahilan ng sakit na nararamdaman ng mga diwata." Sabi ni Haring Meno kay Pinunong Aegen.
        "Masusunod Haring Meno......tungkod ng balintataw ipakita mo sa amin ang maaaring dahilan ng sakit na nararamdaman ng mga diwata." Sabi ni Aegen na itinaas ang tungkod.

          Isang liwanag naman ang lumabas mula sa tungkod ng balintataw at mula doon ay ipinakita nito si Raquim at ang isang diwata na may takip sa muka na sinaksak ni Juvila nang mawala ang liwanag at ang balintataw ay nagkatinginan naman ang apat na Sang'gre.

         "Ano ang kinalaman ng diwatang may takip sa muka sa inyong apat?" Tanong ni Meno sa kanila. Di naman masagot ito ng apat maging sila ay di nila kilala kung sino ang encatada na may takip sa muka na nasa mga bisig ni Raquim.

        "Kailangan nating puntahan sila Ita---si Prinsipe Raquim at ang encantada ng malaman natin kung ano itong nangyayari sa atin." Sabi ni Amihan tumango naman ang kanyang mga apwe saka sila gumamit ng evictus kasama si Ybrahim papunta sa kinaroroonan nila Raquim samantalang naiwan naman sila Aquil, Memfes at Azulan sa mga nagtataka at namamanghang sapiryan dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng apat na diwata.

●●●●●●●●●

Sa kasalukuyan.....
        Sa Bundok Saluya.....

           "Teka sila Mira.... Napahiwalay sila sa atin." Sabi ni Lira habang hinihila siya ni Malik palayo sa mga Musang
          "Huwag kang mag-alala Sang'gre Lira.... Di siya pababayaan nila Pagaspas at Anya" sambit ni Malik sa kanya. Napahinga naman ng malalim si Lira.
          "Paano na yan... Paano natin mahahanap ang Ruwido kung magkakahiwalay tayo?" Tanong ni Lira sa dalawa.
         "Huwag kang mag-alala.... Alam nila Pagaspas kung nasaan ang Ruwido alam kong magkikita-kita din tayo doon.... Kaya maglakad na tayo ng marating na nating ang tuktok ng bundok Saluya.... At alam kong ganoon na din ang ginagawa nila Anya." Sambit ni Almiro sa kanya. Tumango naman si Lira saka sila sumunod dito sa paglalakad.

            Habang naglalakad sila sa kadiliman ng bundok Saluya ay di pa rin maiwasan ni Lira ang mangamba para kay Mira. Napatingin na lamang siya kay Malik ng hawakan nito ang kamay niya.
          "Sang'gre Lira ipanatag mo ang loob mo na pangangalagaan nila Pagaspas at Anya si Sang'gre Mira...." Sabi nito tumango na lamang siya at isinantabi ang pag-aalala kay Mira.
         "Avisala eshma... Sa nga pala Lira na lang.... Magkaibigan naman na tayo di ba." sabi nya kay Malik na ngumiti naman saka tumango.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα