Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas

1.4K 43 2
                                    

Ӝ Kabanata XCVI Ӝ
Ang Pagliligtas

Ӝ

Sa Nakaraan
         sa kagubatan......

            Gulong gulo pa din ang isipan ni Mine-a ng huminto siya sa pagtakbo at naupo sa malaking bato. Di siya makapaniwala sa mga ipinagtapat ni Cassiopei-a sa kanya.
         Paanong naging purong diwata siya? Ano ba talaga ang totoo? Napahinga ng malalim si Mine-a ng isang espada ang kanyang naramdaman sa kanyang likuran.

          "Hera Mine-a wag ka nang manlaban sumama ka na sa amin." Sambit ni Vixtus sa kanya.
         "Hindi ako sasama sa inyo." Sambit niya dito..     
        "Utos ito ng inyong Ina.... Kaya sumama na kayo sa amin." Sambit ni Vixtus saka siya hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso at pinilit dalhin pabalik sa Hera Andal.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Hera Andal....

          Pagdating sa Hera Andal ay sinalubong sila ng kanyang Ina at ipinatapon siya sa piitan. Ilang sandali pa ay nakatali na siya doon at pumasok ang kanyang Ina, nang tingnan niya ito ay nakikita niya ang disgusto sa wangis nito. lumapit ito sa kanya.
          "At talagang nagawa mo pang tumakas.... Lapastangan!" Galit na sabi ni Avria saka siya nito sinampal.

          "Ina......anak mo ba talaga ako?" Tanong niya dito ng sila na lamang dalawa sa silid.
          "Hindi Mine-a... Hindi kita anak... Anak ka ng mag-asawang aliping diwata na aking pinaslang." Sambit ni Avria sa kanya. Halos di matanggap ni Mine-a ang nalaman, na ang mga alipin na kanyang minsan ay pinagmalupitan ay siyang tunay na lahi niya. Maya-maya pa ay naglabas ito ng punyal.

          "Anong gagawin mo diyan?" Tanong nya. Nginitian lang siya nito saka pang niya napagtanto ang binabalak nito
         "Ganyan ka na ba kasama na kakayanin mong saktan ang pinalaki at kinilala mong anak?" Panunumbat niya dito.
         "Ssheda.... Sa pamamagitan ng punyal ng sandugo malalaman ko kung totoo nga ang mga sinambit sa akin ng bathalumang Ether." Sambit ni Avria saka niya sinugatan sa tagiliran si Mine-a.

         "Aaargggghhhh!"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa Hera Andal.....

           "Ybrahim... Kung tama ang direksyon na binigay ni Cassiopei-a.... Ay malapit lang dito sa bulwagan ng Hera Andal naroon ang sikretong silid ni Avria." Sambit ni Amihan kay Ybrahim habang hawak-kamay silang maingat na naglalakad sa pasilyo ng Hera Andal.
          "Ngunit makakapasok ba tayo doon? At makikita ba natin agad iyon?" Tanong ni Ybrahim.

          "Ybrahim... Magtiwala ka lang.... Makikita natin ang ating mga anak." Sambit ni Amihan habang naglalakad sila tumango naman si Ybrahim ng biglang nanlambot si Amihan na agad namang sinalo ni Ybrahim.
        "Amihan ano ang nangyari sayo?" Tanong ni Ybrahim sa kanya.
         "Bigla akong nakaramdam ng sakit at panlalambot... Di kaya may kinalaman ito kay Ina?" Tanong ni Amihan habang inaalalayan siya ni Ybrahim na makatago sa isa sa mga haligi ng Hera Andal.

          "Marahil ay iyon nga ang dahilan pero makakaya mo ba.... Maaari nila tayong mahuli dito." Sabi ni Ybrahim habang yakap siya nito.
        "Di ko alam Ybrahim nanghihina talaga ako." Sabi ni Amihan.
        "Mga diwata...." Napalingon sila sa nagsalita at isang di kilalang encantado ang kanilang nakita.
         "Mapanganib para sa mga katulad niyo ang Hera Andal." Sabi nito sa kanila.
        "May kailangan lang kami dito pero nanghihina ako.... Kaya kailangan namin ng matataguan ngayon." Sabi ni Amihan sa encantado napahinga naman ito ng malalim.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now