Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara

3.1K 84 32
                                    

Ω Kabanata XXXVI Ω
E Correi....... Hara
Ω


Ilang araw na din naglalakad sa kagubatan si Ybrahim pabalik ng kanilang kuta malaking palaisipan sa kanya kung bakit wala na ang kanyang amang Apitong at si Paco sa kutang kanilang pinag-usapan na pupuntahan ng mga ito.

Napahinto sa isang batis si Ybrahim at siya ay uminom ng tubig at naghilamos ng kanyang muka, matinding pagkahapo na ang kanyang nararamdaman ng makaramdam siya ng mga yabag sa kanyang likuran kaya naman hinawakan niya ang espada niya saka pumihit paharap sa nilalang at itinutok agad ang espada niya dito.

"Y-Ybarro...." Sambit ng diwata.
"A-alena.... Buhay ka?" Sambit ni Ybrahim sa kanyang katipan. Agad na yumakap si Alena kay Ybrahim, nabigla man ay yumakap na din si Ybrahim kay Alena.

"Ybarro, mahal ko akala ko ay pumanaw ka na tulad ng sabi sa akin ni Hitano." Sabi nito.
"Yaan din ang akala nila ngunit nagtago ako at ng ako ay bumalik ang sabi sa akin nila Amihan ay wala ka na." Sabi ni Ybrahim na sa pagkabanggit sa pangalan ng Hara ay nakaramdam siya ng lungkot.

"Si Amihan kasama mo ba siya?" Tanong ni Alena.
"Oo Alena kasama ko ang iyong apwe....."
"Kung ganoon ay dalhin mo ako sa kanya Ybrahim nais ko ng makasama ang aking edea." Nakangiting sabi ni Alena at nagpatiuna na kay Ybrahim ngunit hinawakan niya ang kamay ni Alena.

"Alena sa tingin ko ay magpahinga muna tayo sa may kweba na iyon... " sabi ni Ybrahim at itinuro ang kweba sa likod ng talon.
"Ngunit bakit?" Tanong ni Alena.
"Pagkat alam kong hapo na tayo kaya mas maganda kung magpapahinga muna tayo." Sabi ni Ybrahim sa kanya napatango naman si Alena.

"Kung iyan ang iyong nais Ybarro." Nakangiting sabi ni Alena saka naglakad sila patungo sa kweba. Habang naglalakad sila ay di alam ni Ybrahim kung bakit mabigat ang loob niya na kung tutuusin ay dapat masaya siya na buhay pala si Alena.

Oo masaya nga siya ngunit may kung anong kalungkutan pa rin siyang nararamdaman.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sang'gre Danaya..... Sang'gre Danaya...." Naalimpungatan si Danaya sa pagtawag sa kanya at ng magmulat siya ay si Muyak ang kanyang nakita. Agad siyang napatayo ng maalala ang naganap.

"Muyak.... Si Lira... Sila Hagorn?" Sambit niya saka sya luminga linga ngunit sila na lamang nila Wahid ang nandoon.
"Wala na sila Hagorn mahal na sang'gre iniwan nila tayo ng mapabagsak ang ating sisakyang pahimpapawid...." Sabi ni Wahid.

"Si Lira?" Tanong niya.
"Hindi namin alam kung nasaan ang aking alaga..... Nahulog siya mula sa sisakyang panghimpapawid ay di na namin siya nakita." Malungkot na sabi ni Muyak. Napahinga ng malalim si Danaya.

"Tanakreshna..... Saan ko naman hahanapin ngayon si Lira.... Ano na kaya ang nangyari sa kanya?" Sambit ni Danaya.
"Hindi ko na rin alam Sang'gre Danaya...... Sa tingin ko ay kailangan na nating pumunta sa kuta ng Hara Amihan para sabihin ang naganap." Sabi ni Wahid.

Lalo naman napanghinaan ng loob si Danaya sa sinabi ni Wahid.... Di niya alam kung paano haharapin si Amihan at sasabihin ang naganap.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Panginoon ipinatawag niyo raw po ako...." Sambit ni Agane ng siya ay pumasok sa silid ni Hagorn.
"Oo.... Sabihin mo sa akin ano ang naganap ng mawala ako dito?" Tanong ni Hagorn sa kanyang mashna dei.

"Si Reyna Pirena kanyang itinanong kung saan ka nagpunta at ng sinabi ko na ipinatawag ka ni Bathalumang Ether ay may takot akong nakita sa kanyang muka..... At umalis siya sila lang ng isang diwatang kawal di ko na alam kung saan sila nagpunta." Napatango naman si Hagorn sa sinabi ni Agane saka ito uminom ng alak na hawak.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن