Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan

1.6K 42 22
                                    

Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ
Ang Pagbalik
Sa Nakaraan

Ӝ


             
            Pagdating ng mga Sang'gre at nila Ybrahim at Lira sa lugar kung saan itinuro ng Inang Brilyante kung nasaan ang mga anak ni Amihan ay wala na silang naratnan doon kundi ang bangkay ni Odessa, isang ginintuang orasan at isang bukas na lagusan na di nila alam kung saan patungo.

         "Patay na si Odessa... Ngunit sino ang dumukot sa kanyang puso?" Tanong ni Alena.
        "Di na natin dapat alamin pa yan... Ang ating mga hadia ang dapat nating hanapin." Sabi ni Pirena.
         "Hanapin muli natin sila gamit ang Inang Brilyante." Sabi ni Danaya tumango naman sila saka nila inilabas ang Inang Brilyante.
         "Inang Brilyante tulungan mo muli kaming mahanap ang aking mga anak." Sambit ni Amihan muli ay nagliwanag ang brilyante ngunit wala na itong ginawa pa bukod doon.

         "Amihan... Ano ang nangyari?" Tanong ni Ybrahim
         "Hindi sinusunod ng Inang Brilyante ang aming samo." Sagot ni Amihan.

         "Sapagkat wala na sa panahon na ito ang iyong mga anak Amihan... Ybrahim." Sabi ng kadarating lang na si Cassiopei-a kasama si Aquil at ang gunikar na si Memfes.
         "Wala na sa panahon na ito? Anong ibig mong sabihin Cassiopei-a?" Tanong ni Amihan sa nakakatandang diwata.

         "Sila ay dinala ni Ether sa nakaraan kung saan mas malakas ang kapangyarihan niya at ng mga heran laban sa inyo." Sagot ni Cassiopei-a. Nag-aalalang nagkatinginan naman sila.
       "Ano ang marapat naming gawin Cassiopei-a?" Tanong ni Ybrahim.

        "Iisa lang ang maaari nyong gawin.. Ybrahim at Amihan.... Ang sumunod sa nakaraan.... Ang tanong handa na ba kayo na harapin ang panganib ng nakaraan mabawi lang ang mga anak niyo?" Tanong ni Cassiopei-a.

         Marahan naman na hinawakan ni Ybrahim ang kamay ni Amihan saka nila tiningnan ang isa't-isa at alam nilang iisa lang ang magiging desisyon nila.

          "Oo handa kami ni Ybrahim na harapin ang nakaraan para sa aming mga anak" sambit ni Amihan. Tumango naman si Cassiopei-a.

          "Ngunit kailangan niyo itong paghandaan ang gagawin niyong ito di magiging madali." Sambit ni Cassiopei-a.
          "Alam ko Cassiopei-a... Pero nanganganib na ang aming mga anak.... Wala dapat kaming inaaksayang panahon." Sambit ni Ybrahim
          "Alam ko ngunit ang mga ganitong bagay ay dapat paghandaan."
         "Pero paano pa Cassiopei-a? Maaaring sa mga panahon na ito ay may ginagawa ng masama si Ether sa aming anak." Nag-aalalang sabi ni Amihan sa Bunggaitan.

          "Tama ang sinasabi nila Cassiopei-a at wag kang mag-alala.... Sasama ako sa kanila sisiguraduhin ko na mababawi namin ang aking mga hadia." Sabi ni Pirena. Tumango naman si Amihan kay Pirena bilang pagpapasalamat dito.
         "Ganoon din ako Amihan, Cassiopei-a.... Sasama din ako sa kanila." Sabi ni Alena.
         "Ngunit may kaakibat na panganib ang pagbabalik sa nakaraan kaya nga hinahanda ko kayo." Sabi ni Cassiopei-a.
         "Naiintindihan ka namin Cassiopei-a pero sana ay maintindihan mo din kami na kailangan naming mahabol si Ether bago pa siya may gawin kina Caspian at Lirios." Sabi ni Danaya. Napailing naman si Cassiopei-a. Tumingin naman si Lira sa mga magulang.

         "Inay... Itay gusto ko ding sumama." Sabi nito. Hinaplos naman ni Amihan ang anak.
        "Anak huwag na....maiwan ka na lamang dito para ipagtanggol ang Sapiro at Lireo." Sambit ni Amihan sa anak.
         "Tama ang iyong Inay Lira... Kayo ni Mira ang mamumuno sa seguridad ng apat na kaharian habang wala kami sa panahon na ito." Sabi naman ni Ybrahim. Tumango naman si Lira saka inilabas ni Amihan ang plauta ng mga Mulawin.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now