Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon

2.1K 51 30
                                    

Ӝ Kabanata LXXI Ӝ
Ang
Pagbangon
Ӝ


             "Maligayang pagbabalik Asval...kasama mo na ba ang aking ipinakuha sayo?" Tanong ni Ether saka siya nag-anyong encantada.
        "Siya ay kasama ko na Bathalumang Ether." Sagot ni Asval saka nito pinalapit ang isang nilalang.

        "Avisala Bathalumang Ether." Pagbati ng nilalang.
        "Avisala Anthony." Nakangising sabi ni Ether sa mortal na may dugong Etherian na kanya nang nilason ang isip at tinanggal ang ala-ala ng nakaraan nito.
       "Handa ka na bang gawin ang iyong bugna." Nakangiting sabi ni Ether dito.

        "Nakahanda na ako Bathalumang Ether." Sagot ni Anthony saka nito inilahad ang palad sa ibabaw ng isang kalis na may lamang dugo ni Ether at dugo ni Arde. Inilabas naman ni Asval ang punyal at kanyang sinugatan ang palad ni Anthony at pinatulo ang dugo sa kalis para humalo sa dugo nila Ether at Arde.

          Napangiti naman si Ether saka ito lumapit sa limang baul na nasa harapan nila kanya itong unti-unting ibinuhos sa limang baul na nagliwanag ng masayaran ng pinaghalo-halong dugo.

         "Bumangon kayo aking mga alagad! Bumangon kayo! Bumangon ka Avria! Hara ng Etheria!" Sigaw ni Ether saka ito humalakhak na yumanig sa lupain ng lumang Etheria..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Lahat ng mga magulang na ipinasok ang mga anak sa Academya ay nagsimula nang magpaalam sa kanilang mga anak na mananatili sa Academya hanggang sa panahon na matapos na ang mga ito. Ang mga magulang naman ay maaaring dalawin sa loob ng Academya kahit kailan ang mga anak kung nanaisin ng mga ito.

          "Itay iiwan niyo na na po ba ako dito?" Tanong ni Caspian sa ama habang palabas na ang mga ito kasama ang kanyang kapatid, pinsan at mga ashti.
         "Kailangan anak.... Maiiwan ka dito para makapag-sanay sa pakikipaglaban at mahika." Sambit ni Ybrahim sa anak.
         "At wag kang mag-alala Caspian... Dadalawin ka naman namin dito lalo na kami ni edea Mira mo lalo na at dito din kami magsasanay sa pagsubok na ibibigay sa amin ni Cassiopei-a." Nakangiting sabi ni Lira.

        "Siyang tunay Caspian... Teka Lira... Nakita mo ba si Ina?" Natanong ni Mira ng mapansin niyang di nakasunod sa kanila ang inang si Pirena.
        "Hindi...malamang ay kinakausap pa si Imaw lalo na at nagpapatulong si Imaw na mahanap ang kanyang tungkod na Balintataw." Sagot naman ni Danaya. Tumango naman si Mira.

        "Kung gayon po ay hihintayin ko na lang po ang palagiang pagbisita niyo sa akin." Nakangiting sabi ni Caspian sa mga ito.
       "Oo naman anak.... Sige na pumasok ka na doon." Nakangiting sabi ni Ybrahim at niyakap ang anak saka nagtatakbo na papasok sa loob ng Academya ang batang Rehav.

       "Wag kang mag-alala Ybarro... Nasisiguro ko na ligtas sila dito." Nakangiting sabi ni Alena.
       "Alam ko din iyon Alena... Ah Lira.... Tayo na." Sabi ni Ybrahim sa anak tumango naman si Lira at lumapit sa ama saka sila nag-evictus papuntang Sapiro.

       "Mira.... Nais mo bang sa Lireo ka na sunduin ng iyong ina?" Nakangiting paanyaya ni Danaya sa hadia.
        "Sige po Ashti-Hara." Nakangiting sabi ni Mira
        "Mauna na kami Alena." Nakangiting sabi ni Danaya sa kapatid saka sila nag-evictus papuntang Lireo.

         Napahinga naman ng malalim si Alena saka tiningnan ang mga paslit na nagtatakbuhan sa loob ng Academya, nakakaramdam ng pagmamalaki lalo na at siya ang nagsabi sa kanyang mga apwe at sa Rama ng Sapiro ukol sa nais niyang academya na sinang-ayunan naman ng mga ito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now