Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante

1.8K 49 7
                                    

Ӝ Kabanata CI Ӝ
Ang Inang Brilyante

Ӝ


        Muli ay nagkita-kita ang mga Sang'gre ngunit wala sa kanila ang nakakita ng ginintuang orasan na kailangan nila.
        "Amihan... Di namin ito nakita....." Sambit ni Alena. Napahinga naman ng malalim si Amihan at tila nag-iisip kung saan pa maaaring nakatago ang ginintuang orasan ng Etheria.
       "Sandali.... May nagtungo na ba sa inyo sa silid dasalan ng Etheria?" Tanong ni Pirena sa kanila.

        "Kung saan ko nakita ang bolang kristal na kipinalolooban ng mga anak namin?" Tanong ni Ybrahim
        "Oo....sa tingin ko doon din nakatago ang ginintuang orasan." Sambit ni Pirena.
        "Kung gayon ay tayo na." Sambit naman ni Danaya saka sila nagtungo sa silid dasalan ngunit bago sila makapasok ay nakasalubong nila sila Avria, Andora at ang mga bagong dating na sila Odessa, Juvila, Vixtus at Barkus.

        "Saan sa tingin niyo kayo tutungo?" Sambit ni Avria na tinutok sa kanila ang kabilan. Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre.

        "Mukang mapapalaban tayo." Sambit ni Amihan sa kanyang mga apwe at kasama na inihanda ang mga sandata. Ngumisi naman si Avria saka niya iwinasiwas ang kanyang espadang kabilan na naglabas ng kakaibang enerhiya na nagpatumba sa mga Sang'gre.
       "Pashnea ang kabilan!" Sambit ni Ybrahim sa mga kasama. Napatingin naman sila Amihan doon at napailing.
       "Kundi tayo mag-iingat baka mapaslang nila tayo" sambit ni Pirena sa mga apwe niya.

       "Kailangan natin silang matalo.... Kailangan nating silang mapag-hiwa-hiwalay para matalo natin sila." Sambit naman ni Danaya sa kanila.
       "At ikaw Ybrahim ikaw ang kumuha ng ginintuang orasan sa oras na maialis namin sila sa pintuan ng silid." Sambit naman ni Alena tumango naman si Ybrahim dito.
      "Mag-iingat kayo." Sambit ni Ybrahim. Tumango naman ang lahat, saka sila humarap sa mga heran.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

   
        "Kahit wala sila Avria malakas pa din ang mga Etherian sa atin...."sambit ni Raquim kay Meno ng makalapit siya sa mga ito napatingin naman si Meno sa mga sugatan na. At sa mga etherian na tila ba may kung anong ipinainom ang mga tiga-Hera Sensa para maging malakas at di mapagod ang mga ito.
       "Hindi dapat tayo matalo dito Meno." Sambit ni Bartimus sa Hari ng Sapiro maging si Asval ay nangangamba na din sa kanilang katayuan sa laban.
  
         "Wag kayong mangamba....." Sambit ng bagong dating na si Cassiopei-a
        "Cassiopei-a.... Paanong di kami mangangamba baka matalo tayo." Sambit ni Asval sa Reyna ng mga diwata.
       "Nagpakita sa akin ang Bathalang Emre..... At may ipinagkaloob siya sa atin." Sambit ni Cassiopei-a sa kanila saka nito inilahad ang palad mula doon ay lumabas ang Inang Brilyante. Nagtataka man ay nararamdaman ng mga nakakakita dito ang lubos na kapangyarihang taglay nito.

          "Ito ang Inang Brilyante.... Ang brilyante ng kalikasan...." Sambit ni Cassiopei-a
          "Makakatulong ba sa atin ang iyong dala?" Tanong ni Aegen tumango si Cassiopei-a.
        "Ilahad niyo ang inyong mga kamay..." Sambit nito tumango naman ang tatlo at ginawa ang sinabi ni Cassiopei-a mula sa pagkakalahad ng kamay ay binalot ng liwanag ang kamay nilang tatlo kasama ni Cassiopei-a.
        "Simula ngayon tayong apat na ang mangangalaga sa Inang Brilyante." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a saka sila humarap sa Etheria na nakalahad ang kamay.

        "Sa ngalan ng Inang Brilyante.... At ng makapangyarihang Bathalang Emre....  Isinusumpa namin ang pagbagsak ngayon ng Etheria!!!" Sigaw ni Cassiopei-a saka lumiwanag ng husto ang Inang Brilyante.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now