Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn

1.6K 46 15
                                    

Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ
Si Raquim, si Mine-a
at si Hagorn

Ӝ


         Buong maghapon ng hinahanap ni Hagorn sila Mine-a at Raquim sa buong kagubatan ng Encantadia, di siya makakapayag na mawala sa kanya si Mine-a, lubos niyang minamahal ito para lang hayaan na maagaw sa kanya ng iba.
         "Prinsipe Hagorn hindi talaga namin makita sila Hera Mine-a at Raquim." Sambit ng isang Hathor na lumapit sa kanya.

        "Ssheda di kayo titigil hanggat di niyo nakikita ang dalawa!" Sigaw niya sa mga ito yumukod naman ang mga Hathor at nagsimula muling maghanap.
       "Prinsipe Hagorn." Napalingon siya ng may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran.
       "Diwata.... Ano ang kailangan sa akin ng isang diwata?" Tanong niya. Marahan naman itong lumapit.

         "Narito ako para tulungan ka Prinsipe Hagorn." Sambit nito
         "Tulungan ako saan? At ano ang iyong ngalan?" Tanong niya
         "Ako si Pirena.... At tutulungan kita para matunton at makasama mo na muli ang minamahal mong si Mine-a." Nakangiting sambit nito di naman malaman ni Hagorn kung maniniwala sya sa diwata na nasa kanyang harapan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
         Lihim na nagpunta sa isang liblib na kakahuyan ang pinuno ng Hera Volo na si Cilatus pagdating niya sa kanyang pakay ay nadoon na din ang nilalang na kanyang kakausapin.
         "Nandito na ako." Pagbibigay alam niya sa presensiya niya humarap naman ito sa kanya.
        "Avisala Cilatus."
        "Avisala Asval." Nakangiting sambit din niya, tumango ito
        "Ano na ang nagaganap?" Tanong nito

         "Huwag kang mag-alala napapayag ko na si Barkus na sumama sa akin." Sambit niya. Nagkaroon  sila ni Asval ng kasunduan. Oo alam niya na mag-aaklas na ang ibang kaharian sa Etheria ngunit nangako naman si Asval na di nila sisirain ang Etheria bagkus ay pababagsakin lang nila si Avria at siya ang papalit dito bilang hari sa oras na mapaslang nila ito.

        "Magaling Cilatus maaasahan ka talaga.... At pag natupad na ang lahat ng ating binabalak... Ikaw at ako ang magiging pinakamalakas na hari sa Encantadia." Nakangising sabi ni Asval nq ikinatuwa niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

          "Alena nakita mo ba si Amihan?" Tanong ni Ybrahim kay Alena sapagkat nagising siya kanina na wala ito sa kanilang tabi ng mga anak niya. Napatingin naman sa kanya si Alena maging ang kausap nitong si Memfes.
        "Hindi Ybarro.... Di ko pa sila nakikita." Sagot nito sa kanya napakunot naman ang noo niya, saan ba maaaring magtungo si Amihan?

         "Maging si Pirena ay ganon din. Hindi ko din siya makita." Sambit ni Danaya kasama si Aquil samantalang si Azulan ang naiwan sa dalawang bata
       "Di kaya sila ay nagtungo muli sa Hera Andal para hanapin ang ginintuang orasan ng makabalik na tayo sa panahon natin?" Sambit ni Aquil napatingin naman sila dito.

       "Marahil ay iyon na nga ang dahilan." Si Alena.
        "Ngunig bakit di sila nagsabi..... Mas malakas ang pwersa natin kung magkakasama." Sabi naman ni Danaya na parang di naniniwala na doon nga nagtungo ang mga apwe. Samantalang si Ybrahim ay napuspos ng pag-aalala kay Amihan.

        "Kailangan nating sumunod sa kanila." Sambit niya sumang-ayon naman ang iba kay Ybrahim
       "Huwag na kayong mag-alala... Hindi sila sa Hera Andal nagtungo." Napalingon sila ng nagsalita si Cassiopei-a na lumapit sa kanila.
        "Kung hindi sa Hera Andal, saan?" Tanong ni Memfes.

        "Hindi na mahalaga kung saan... Sapagkat sa suliranin na ito tanging ang diwata ng apoy at diwata ng hanggin lang ang makakalutas." Matalinghagang sabi ni Cassiopei-a. Nahiwagaan naman sila sa kung anong suliranin sa nakaraan ang malulutas lamang nila Pirena at Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now