Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan

1.8K 45 10
                                    

Kabanata CIII
Pagbabalik sa Kasalukuyan


Mula sa kawalan ay natanaw na ng mga Sang'gre, nila Rama Ybrahim, Aquil, Azulan at Memfes ang kasalukuyan. Paglabas nila mula sa nakaraan ay agad na sumarado ang lagusan. Napahinga silang lahat ng malalim.
"Sa wakas nakabalik na tayo sa sarili nating panahon." Nakangiting sabi ni Danaya.
"Syang tunay Danaya isa na namang pagsubok sa ating mga sang'gre ang ating napagtagumpayan." Tugon naman ni Alena. Hinayaan naman muna ni Amihan ang dalawang anak kay Ybrahim saka siya lumapit sa mga apwe.

"Nais kong mapasalamat sa inyo.....dahil sinamahan niyo ako na bawiin mula kay Ether ang aking mga anak." Pagpapasalamat ni Amihan sa mga ito.
"Amihan....sa dami ng nagawa kong kasalanan sayo....kulang pa iyon para makabawi sayo." ani Pirena. Nakangiting niyakap nilang apat ang isa't-isa. Masayang pinagmasdan naman sila ng mga kasama nila.

"Handa na ba kayong bumalik ng Lireo?" Tanong ni Ybrahim tumango naman sila saka sila gumamit ng evictus pabalik ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.

Puno ng liwanag at saya ang buong Lireo ng dumating ang mga sang'gre. Habang papasok sila sa palasyo ay nakahanay ang mga kawal-Lireo na nagbibigay pugay sa kanilang pagbabalik.
"Maligayang pagbabalik....Mga mahal na Hara, mahal na Rama at mga mahal na Sang'gre." Nakangiting pagsalubong ni Muroz sa kanila.

"Avisala eshma Muroz" nakangiting sabi ni Danaya.
"Inay! Itay!" Tuwang sabi naman ni Lira na agad yumakap sa mga magulang pati sa mga nakababatang apwe.
"Masaya po ako na nakabalik na kayo." Nakangiting sabi nito.
"Maging kami Lira masaya kami na magkakasama na tayo ngayon." Nakangiting sabi ni Ybrahim na niyakap ang mag-iina nya. Di naman maitago ni Malik ang saya para sa sang'gre.

"Ina...." pagtawag naman ni Mira kay Pirena na agad na niyakap ang anak.
"Labis ang saya ko na kasama na kita anak" ani Pirena.
"Ako din ina." Sambit ni Mira samantalang nakamasid na nakangiti naman sa kanila si Azulan at Anthony.

Nakangiting magkahawak naman ng kamay sila Danaya at Alena lubos ang saya ng puso nila at nakabalik na talaga sila sa Lireong pinakamamahal nila. Nagkamayan naman sila Aquil at Muroz.
"Maligayang pagbabalik Mashna." ani Muroz sa kanyang matalik na kaibigan.
"Avisala eshma." Tugon naman nito.

"Masayang masaya ako na nakabalik na kayo ng ligtas....Avisala eshma sa Bathalang Emre....bakit di tayo magkaroon ng kasiyahan para sa pagtatagumpay niyo?" Nakangiting sabi ni Cassiopei-a sa kanila.
"Tama si Cassiopei-a tayo'y magsaya para sa pagbabalik ng ating mga kamahalan!" Anunsyo naman ni Imaw. Tuwang sumang-ayon naman ang lahat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nagkakasiyahan ang lahat ay marahan naman lumayo si Memfes sa nakakarami ngunit di naman iyon nakaligtas ito sa paningin ni Alena.
"Memfes...."
"Sang'gre Alena...."
"Saan ka patutungo?" Tanong nya.
"Babalik na ako sa aking tahanan....sa tingin ko naman ay di na ako kailangan dito."
"Hindi ka na ba babalik dito?"
"Para saan? May aasahan ba ako sayo Alena?" Tanong ni Memfes.

Natigilan si Alena sa sinambit ni Memfes. Di nya alam ang isasagot niya. Nais niyang umoo pero may kung anong pumipigil sa kanya. Nakakaunawang tumango si Memfes.
"Mauna na ako Sang'gre Alena." Sambit nito saka tuluyang lumabas ng palasyo.

Napahinga ng malalim si Alena gusto niyang magsisi na di siya umoo sa tanong ni Memfes pero ng mapalingon siya sa loob ng Lireo at nakita sila Danaya at Aquil. Napatango siya naisip nya na may mas karapat-dapat sa sayang nais niyang makamtan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now