Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira

2.8K 69 29
                                    

Ω Kabanata LX Ω
Ang Pagbabalik
Ng Ala-ala nila kay
Lira
Ω


            Habang patuloy na nagkalaban sila Asval at Ybrahim ay nasundan ni Alena si Pirena agad siyang hinawakan nito sa braso na agad niyang winaksi.

         "Bitawan mo ako!" Galit na sabi niya.
         "Sinayang mo ang pagkakataon na maging magkapanalig tayo! Kaya't patawarin mo ako sa aking gagawin ngunit kailangan." Sambit na sabi ni Pirena saka niya itinaas ang kanyang kamay sa direksyon ni Alena.

          "Pirena anong gagawin mo?" Natatakot na tanong ni Alena. Napangisi si Pirena nitong mga nakaraang araw ay natuklasan niyang di siya pinababayaan ng brilyante ng apoy dahil may kapangyarihan pa rin siya ng apoy... Ang makasunog ng kahit na ano... Kaya naman nararamdaman niya kung maghaharap muli sila ng kanyang ama ay mababawi na niya ang brilyante ng apoy dito.

          Ngunit bago niya magawa ang binabalak niya ay nakapag-evictus si Alena papunta sa likuran ni Pirena.
        "Traydor ka!" Sigaw ni Alena saka sila nagtungalian ng espada hanggang sa patamaan ni Alena ng enerhiyang tubig si Pirena na nagpatumba dito.

          Ngunit pagkakita na nasaktan ang kanyang apwe ay naawa naman si Pirena kaya naman nilapita niya ito at dinaluhan.
          "Pirena...." Sambit niya saka niya hinawakan sa balikat ang apwe, kinuha naman itong pagkakataon ni Pirena para hawakan si Alena at ipamalas dito ang kanyang tagong kapangyarihan.

          "Pirena!" Ang sigaw ng nasaktang si Alena dahil sa pagkakalapnos ng balat niya mula sa init na nilalabas ng kamay ni Pirena na nakahawak sa kanya.
         "Isuko mo sa akin ang iyong brilyante kung nais mong wag matupok." Sambit ni Pirena sa nakababatang apwe.

         "Wala kang mapapala sa akin Pirena!" Ang nasasaktang sabi ni Alena.
         "Wag kang hibang Alena! Mabawi mo man ang Sapiro pero wala kang mapapala kay Ybarro!
           Ako na lamang ang tulungan mo! Ibugay mo sa akin ang iyong brilyante!" Panghihimok ni Pirena sa kapatid na halos maghumiyaw na sa sakit na dulot ni Pirena.

        "Aaaarrrrggggghhhhh!!! Pirena!" Sigaw nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Agad na iniwasan ni Ybrahim ang palakol ni Asval at kanya itong tinadyakan at napaupo sa trono ng Sapiro na siyang nasaksihan naman ni Amihan na kararating lamang sa pinaglalabanan ng mag-aldo.
          "Amihan!" Pagtawag ni Ybrahim sa kanya saka niya binalingan ang mga kapanalig ni Asval na sumalakay sa kanya.

         Nang makarinig sila ng sigaw. Isang nasasaktang sigaw.
        "Alena!" Nag-aalalang sabi ni Amihan napalingon naman si Ybrahim sa hara.
         "Amihan tulungan mo si Alena!" Sambit ni Ybrahim sa kanya tumango naman si Amihan saka siya nag-evictus papunta sa kinaroroonan ni Alena.
.
.
.
.
.
.
          Nadatnan ni Amihan si Alena na naka-upo sa sahig at tila may iniindang sakit agad niyang dinaluhan toh
          "Alena...ano ang nangyari sayo......Nasaan si Pirena?" Tanong niya saka siya luminga-linga. Tumingin naman sa kanya si Alena.

            "Wala na siya.... Ngunit Amihan tulungan mo ako." Sambit ni Alena. Tumango naman si Amihan
            "Halika..." Sambit niya saka niya tinulungan na makatayo si Alena na niyakap naman siya bilang pasasalamat o iyon ang akala niya sapagkat nakaramdam siya ng init na lumalapnos sa kanyang batok.

           "Aaaahhhhh!" Sigaw ng nasasaktang si Amihan.
           "Di kita bibitawan hangga't di kita tuluyan nasasaktan!" Sambit ni Alena na naging si Pirena at nagbalik sa tunay nitong anyo.
            Agad naman siyang pinatamaan ng malakas na hangin ni Amihan na nagpa-urong sa kanya. Sabay din silang agad ba sumalakay sa isa't-isa at nagtungalian ng espada.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon