Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo

2.1K 61 26
                                    

Ω Kabanata LIV Ω
Amarteya Lireo
Ω


            Nagising si Pirena na nakagapos na ang kanyang mga kamay. Luminga-linga siya at nakita niyang nakagapos na din ang gising na si Gurna.
          "Gurna ano toh bakit tayo nakagapos?" Tanong niya sa kanyang tapat na dama.

          "Nalaman na ng iyong ama ang ating ginawa kaya ito inalis ka na niya sa trono... Siya na ngayon at ang bago niyang katipan ang naghahari sa Encantadia." Sambit nu Gurna sa kanya.
        "Tanakreshna at sino ang bagong reyna na ipinalit niya sa akin?" Galit na sabi ni Pirena....sasagot sana si Gurna ng pumasok si Hagorn sa silid piitan.

          "Walang iba kundi ang aking bagong asawa..... Si Lila Sari." Sambit ni Hagorn saka pumasok si Lila Sari.
          "Pashnea.....at kailan kayo nag-isang dibdib?" Tanong niya.
          "Ssheda di mo na kailangan malaman yan.... Pashnea ka.... Kundi mo sana ako pinagtaksilan Pirena.... Tayo sana ang magiging pinakamalakas na mag-ama dito sa buong Encantada." Galit na sabi ni Hagorn.

           "Siya nga ba o sa likuran ng isipan mo ay pagtataksilan mo din ako sa di malaon?" Tanong ni Pirena.
          "Buenoveshka tapos na Pirena nagawa mo na kaya ngayon kung gusto mo pang maka-alis diyan ibigay mo na sa akin ang brilyante ng tubig." Sambit ni Hagorn. Napailing si Pirena.

          "Kahit kailan ay di ito mapapa-sa'iyo." Galit na sambit niya. Napangisi naman si Hagorn.
          "Sa mga panahon na ito natitiyak ko na alam na ng aking alagang pashnea kung nasaan sa mundo ng tao ang iyong anak na si Mira." Sambit nito na ikinagulat ni Pirena.

         "Pashnea ka Hagorn wag mong gagalawin ang aking anak!" Galit na sigaw niya at gusto niyang sugurin ang ama kung makahulagpos lang sana siya sa tanikala. Nakangiting tumingin naman si Hagorn sa kanya.
           "Sabi ko na nga ba si Mira ang iyong kahinaan.... Ngayon Pirena..... Ano ang pipiliin mo ang buhay ni Mira o ang brilyanteng hawak mo?" Tanong ni Hagorn. Napatiim bagang naman si Pirena alam niya di maaaring makakuha ng isa pang brilyante si Hagorn ngunit paano ang anak niya?

            "Pirena naghihintay ako..." Galit na turan ni Hagorn. Litong lito naman si Pirena sa nangyayari..... Ano nga ba ang mahalaga ang kapangyarihan o sarili niyang anak?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Kanina pa pinagmamasdan ni Amihan ang dalawang buwan ng Encantada at ang isa ay tila nagkulay dugo na.... At kinakabahan siya sa maaaring ibig sabihin nito.

        Napalingon si Amihan ng pumasok sila Aquil at Danaya sa kanyang silid.
           "Mahal na Reyna..... May ulat na mula sa espiya natin sa Lireo." Sambit ni Aquil.
          "At ano ito?" Tanong ni Amihan.
          "Nagkaroon ng palitan sa trono.... Si Pirena pinaalis na sya ni Hagorn sa trono.... Si Hagorn na ngayon ang namumuno sa Lireo...ngunit may mga diwata na nananalig pa din kay Pirena kaya may kaguluhang nagaganap sa loob ng Lireo." Mahabang paliwanag ni Aquil sa kanya.
         
          "Amihan sa tingin ko ito na ang tamang panahon para lusubin ang Lireo.... Ngayong di sila nagkakaisa ay mas madali silang mapapabagsak." Sambit ni Danaya sa kanya. Napatango naman si Amihan.
          "Kung ganoon maghanda ang lahat..... Palalayain na natin ang Lireo mula sa mga kamay ng mga Hathor." Sambit ni Amihan saka niya hinawakan ang kanyang espada. Tumango naman sila Aquil at Danaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Ilang sandali pa ay natipon na nila Aquil ang lahat sa punong bulwagan ng Sapiro. Agad na lumapit kay Amihan si Ybrahim.
            "Totoo ba ang aking narinig Mahal kong Reyna na ngayong  gabi ay lulusubin natin ang Lireo?" Tanong ng rehav ng Sapiro.
            "Siyang tunay Ybrahim." Sambit ng Hara.
             "Kung gayon ay asahan mo na lagi akong nasa iyong tabi sa laban na ito." Sambit ni Ybrahim.
            "Avisala Eshma....at Ybrahim kuhanin mo ito." Sabi ni Amihan at inilhad niya ang kanyang kamay doon ay lumabas ang brilyante ng diwa.
            "Ang brilyante ng diwa?" Nagtatakang sabi ni Ybrahim.
           "Hiniram ko ito kay Pao-pao ng sa gayoy magamit mo sa labanang magaganap..." Sambit ni Amihan.
            "Avisala eshma mahal kong reyna." Pasasalamat ni Ybrahim saka lumipat sa kanyang kamay ang brilyante ng diwa, samantalang nakamasid lang sa kanila si Alena na lihim na naikuyom ang mga palad. Humarap naman si Amihan sa mga kapanalig niya.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now