Ω Kabanata V Ω Ang Reyna

3K 99 12
                                    

Ω Kabanata V Ω
Ang Reyna
Ω


               Pinulong ni Ynang Reyna Mine-a ang kanyang mga anak sa kanyang silid tanggapan.

         "Ina... Ano't kami ay inyong ipinatawag?" Tanong ni Pirena sa ina. Ngumiti naman si Mine-a.

          "Akin kayong ipinatawag dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo." Sabi ni Mine-a. Tumango naman ang apat.

          "Nalalapit na ang pagpili para sa bagong reyna ng Lireo....at isa sa inyo ang hahalili sa akin." Seryosong sabi ni Mine-a sa mga anak na nagkatinginan at may mga sari-sariling iniisip sa sinabi ng ina.

          "Maiwan ko na kayo...." Sambit ni Mine-a at saka ito lumabas ng silid kasama si Ades.

           Humarap si Pirena sa mga apwe niya.
          "Kung mayroon man na nararapat sa pagiging reyna ng Lireo ay wala nang iba kundi ako.... Dahil ako din naman ang panganay." Sambit ni Pirena.

           "Pirena ako man ang pinaka-bunso ay kaya ko pa din naman pamunuan ang buong kaharian." Sagot ni Danaya sa panganay na kapatid.

            "Magsitigil nga kayo.... Di dapat natin toh pinagtatalunan alam kong may natatanging pamamaraan si Ina para piliin sa atin kung sino ang hahalili sa kanya." Sambit ni Amihan sa mga kapatid.

          "Ako ay sumasang-ayon sa tinuran ni Amihan." Sambit naman ni Alena.
          "Anumang paraan yan sisiguraduhin ko na ako ang magwawagi." Sambit ni Pirena saka ito tumayo at lumabas ng silid. Napailing naman si Danaya at lumabas na din.

           "Ngunit para sa akin.... Sana ay ikaw na ang maging bagong reyna." Nakangiting sabi ni Alena kay Amihan habang naglalakad sila palabas ng silid tanggapan ng Reyna.

          "Bakit Alena hindi mo ba hinahangad na maging reyna?" Tanong ni Amihan. Umiling si Alena.
         "Kailanman ay di ko pinangarap na maging reyna Amihan.... Pagkat ang tanging pangarap ko lamang ay magkaroon ng isang encantado na mamahalin ako at mamahalin ko magpahanggang wakas, at mukang nakita ko na siya." Nakangiting sabi ni Alena.

          "Ngunit Alena, maaari ka pa rin naman magmahal kahit reyna ka na." Nakangiting sabi ni Amihan hanggang sa nakarating na sila sa silid niya.

          "Ngunit di kami maaaring mag-isang dibdib... Pagkat ang reyna ay ang mismong kaharian ang kabiyak....ayokong matulad kay Ina at sa Aldo Raquim." Sambit ni Alena. Bahagya naman nalungkot si Amihan.

        "Amihan... Patawarin mo ako kung napa-alala ko pa ang iyong ama." Sambit ni Alena at hinawakan ang kamay niya.

           "Wag mong intindihin yon Alena..." Sabi ni Amihan at ngumiti ng bahagya. Huminga ng malalim si Alena.

           "Bakit Alena may iniinda ka ba?" Tanong ni Amihan sa nakababatang kapatid.
          "Amihan gusto ko lamang humingi ng kapatawaran." Sambit ni Alena. Kumunot ang noo ni Amihan sa sinabi ni Alena.

          "Kapatawaran para saan Alena?" Tanong niya.
          "Wag mo nang itanong Amihan... Basta alalahanin mo na lamang kung dumating man ang panahon na aking kinatatakutan ay sinunod ko lamang ang aking puso." Sambit ni Alena at saka niyakap si Amihan na nalilito at nagtataka sa sinasambit ng apwe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           "Inang Reyna... Mukang malalim ang iyong iniisip." Tanong ni Imaw kay Mine-a habang nasa silid sila kasama si Ades.

          "Aking iniisip ang nalalapit na pagpili ng bagong reyna...." Sambit ni Mine-a sa pinuno ng mga adamyan.

         "Ngunit bakit tila may pag-aalala sa iyong wangis.... Alinman sa mga anak mo ay karapat-dapat... Si Pirena... May talino siya na nararapat para sa isang reyna... Si Danaya bagamat bunso ay nasa puso at isip ang kaugalian at batas ng Lireo....
         Samantalang si Alena may puso siyang maawain para sa lahat. At si Amihan siya ang masasabi ko na kahalintulad mo Mine-a...kaya panatag ako na kung sino man ang mapipili ay magiging karapat-dapat." Sabi ni Imaw napatango naman si Mine-a.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now