Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas

2.4K 69 18
                                    

Ω Kabanata XXXV Ω
Ang Basbas kay Lira mula sa
Devas
Ω
 

    

                Nakaramdam ng kakaibang kaba si Pirena ng dumating sila ni Ishvir sa Carcero dahil ni isang kawal-Carcero ay walang sumalubong sa kanila.

           "Kakaibang katahimikan ito Ishvir....ihanda mo ang iyong sandata." Sambit ni Pirena na sinunod naman ni Ishvir saka sila pumasok sa piitan. Isang kagulat-gulat na tanawin ang kanilang nakita.... Mga walang buhay na kawal at wala silang mamataan ba kahit isang bilanggo.

           "Pashnea.... Ano ang naganap dito?" Tanong ni Pirena ng makakita si Ishvir ng isang naghihingalong kawal at agad nitong nilapitan.

           "Hafte ng Carcero ano ang naganap dito?" Tanong ni Ishvir.
           "Nakatakas ang mga b-bilanggo... Dahil kay A-Adhara.....at L-Lila Sari...." Sambit nito napatingin naman si Ishvir kay Pirena.

            "Tanakreshna..." Sambit niya may pakiramdam siya na magiging sakit ng ulo niya ang Adhara at Lila Sari na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

           "Maaari mo nang buksan ang iyong mga mata Lira." Sambit ng babaeng ngalan ay Mine-a sa kanya. Sa pagdilat ni Lira ay isang napakagandang hardin at napakagandang palasyo na nagniningning sa kaputian at sa mga gintong palamuti nito ang kanyang nakita.

          "Nasaan po tayo?" Tanong niya kay Mine-a na ng lingunin niya ay may kasama ng dalawang lalaki at isa pang babae na ikinataka niya.

        "Narito ka na sa Devas Lira..... Avisala aming apo." Nakangiting sabi ng lalaki sa kanya.

         "Apo po.... Teka sino po ba kayo?" Naguguluhang tanong niya ng may isa pang babae ang lumitaw.
         "Avisala Lira..... Ako si Ades hayaan mong ako ang magpakilala sa kanila sayo....
         Sila ang mga magulang ng iyong ama at Ina....." Sambit nito saka lumapit sa isa sa dalawang pares.

         "Sila si Haring Armeo at Reyna Mayne..... Ang magulang ng iyong ama." Sabi ni Ades
         "At sila naman si Ynang Reyna Mine-a at Rehav Raquim ang magulang ng iyong Ina." Nakangiting pagpapakilala muli ni Ades. Di naman malaman ni Lira kung ano ang mararamdaman niya nasa harapan na niya ngayon ang kanyang mga ilo at ila.

          "Di ko po alam ang sasabihin ko..... Nakakaramdam po ako ng sobrang saya..." Nakangiting sabi niya.
        "Kami din ay nagagalak sa ating pagkikita apo namin." Nakangiting sabi ni Mine-a sa kanya.
         "Pwede pong pa-hug?" Nakangiting sabi niya. Medyo naguluhan naman ang mga ito sa sinabi niya.

          "H-hug?" Tanong ni Mayne. Natawa naman si Lira ng maalala na di nakakaintindi ng English ang mga tiga-encantadia.
         "Ibig ko pong sabihin ay payakap po." Nakangiting sabi niya. Nagtanguan naman ang mga ito.
        "Iyon lamang pala.... Halika apo yumakap ka sa amin." Sabi ni Armeo. Nakangiting isa-isang niyakap ni Lira ang mga ilo at ila.

          "Sobrang saya ko po na makilala kayo." Nakangiting sabi ni Lira.
         "Maging kami apo.... Ngunit may mas mahalaga tayong dapat gawin." Sabi ni Raquim napatango naman si Lira.

          "Ano po iyon?" Tanong niya. Di naman na sumagot ang kanyang mga ilo at ila sa halip ay pumalibot sa kanya ang mga ito at itinaas ang kanilang kanang kamay.

           "Sa kapangyarihan na ipinagkaloob sa amin ng dakilang Bathalang Emre, ikaw ay binabasbasan namin Lira, ang sang'greng anak nila Hara Amihan ng Lireo at Rehav Ybrahim ng Sapiro......na ikaw ang magdadala ng walang hanggang kapayapaan sa buong Encantadia...." Sambit ni Mine-a sa apo saka nagliwanag ang palad nito na tanda ng basbas kay Lira.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon