Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia

2.7K 56 9
                                    

(Author's Note: I'm back after a five days hiatus!
         So from here may mga  eksena ang mahahalintulad sa Enca TV pero all in all iba na talaga siya mula sa natapos ng Encantadia. So lets resume.

#DarknessIsComingInEncantadia)

Ӝ Kabanata LXX Ӝ
Ang
Encantadia
Ӝ

...........
Makalipas ang anim na taon....
..........

       Sa nakalipas na anim taon ay nanatili ang kapayapaan sa Encantadia. Ang apat na kaharian ay naging mapagbiyaya sa mga nasasakupan nito at nasasakupan din ng kapanalig na kaharian.

    
         Sa Lireo, naging mapayapa ang pamumuno ni Danaya bilang hara at sa tulong ng kanyang bagong konseho at bagong mashna na si Muros ay mas napapangalaggan na nila ang Lireo.

        Marahang naglakad si Danaya at tumingin sa labas ng bintana at di niya maiwasan na maalala ang araw na nagbitiw at nilisan ni Aquil ang Lireo.

........

        "Aquil.... Ano itong kalatas na pinadala mo sa akin... Bakit ka magbibitiw sa iyong katungkulan bilang mashna... At sa nakikita ko aalis ka ba ng Lireo?" Tanong agad ng Hara Danaya ng pumasok ito sa silid ng Mashna durie ng Lireo.

        "Nakalagay na diyan Hara.... Di ko na ninanais na maging mashna ng Lireo." Matatag na sabi nj Aquil.
        "Ngunit bakit?" Tanong ni Danaya, humarap naman sa kanya si Aquil.

        "Sapagkat kung nandito ako baka di ko mapigilan ang sarili ko baka malabag ko pa ang batas." Sambit ni Aquil. Naguluhan naman si Danaya.

        "Ano bang sinasabi mo Aquil" sambit niya marahan namang hinawakan ni Aquil ang kamay ni Danaya.
       "Malalabag ko ang batas sapagkat.......ikaw ay aking iniibig Danaya.... Mula pa noon...." Sambit ni Aquil sa kanya. Nabigla man ay may sayang naramdaman si Danaya sa nalaman ukol kay Aquil.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon