Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan

2.6K 82 32
                                    

Ω Kabanata XXVI Ω
Ang Kantao,
ang Dyamanteng Lira
At ang Maskara ni
Hara Amihan
Ω

Ilang araw na ding naglalakad sa kalsada si Danaya hanggang ngayon ay di pa rin niya alam kung paano niya mahahanap ang tunay na anak ng kanyang apwe.... Ang tunay na Lira.

"Mahal na Bathalang Emre nawa'y gabayan nyo ako sa bagong misyon na ibinigay sa akin ni Cassiope-a..." Dalangin ni Danaya ng isang nakasisilaw na liwanag ang bumaba mula sa kalangitan at nagulat siya ng makita na ito ang kanyang brilyante ng Lupa. Inilahad ni Danaya ang kanyang palad at muli nitong ipinagjaloob ang sarili sa kanya na kanyang ipinagtataka sapagkat na kay Amihan na ito.

"Ano't nandito ka na Brilyante ng Lupa? Ano ang nagaganap?" Tanong niya ng may ipinakita ang brilyante ng lupa sa kanya.
"Mahabaging Emre.... Bakit naganap ito sa Lireo.... Amihan.... Ngunit Brilyante di pa tayo maaaring bumalik sa Encantadia hangga't di ko nakikita ang tunay na Lira...poltre Amihan.....
Ngunit sa oras na mahanap ko ang iyong tunay na anak ay babalik na ako ng Encantadia at pababagsakin natin si Pirena." Sambit ni Danaya at kanyang ipininid ang kanyang palad.

Mas kailangan na ni Danaya na mahanap ang kanyang hadia ng makabalik na siya ng Encantadia at matulungan ang kanyang Hara.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tinipon ng mga hathor ang lahat ng mga kapanalig nito at ang mga bihag sa punong bulwagan ng Lireo. Nakita ng mga ito ang dalawang trono na naroroon, ang trono ng Lireo at ang trono ng Hathoria na kinasusuklaman ng mga bihag na encantado.

Maya-maya pa ay naglalakad na si Pirena papunta sa trono kasama si Hagorn kasunod nila sila Agane at si Gurna na hawak ang korona ng Lireo.

"Pagmasdan niyo Lireo ang bago ninyong Reyna! Ivo Live Hara Pirena!" Sigaw ni Hagorn na paulit-ulit na sinambit ito ng mga kapanalig nila habang ipinuputong na ni Gurna ang korona kay Pirena.

Ngiting ngiti naman na tumayo sa tapat ng trono si Pirena, sa wakas nakuha na niya ang matagal na niyang minimithi siya na ang Reyna ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagdating ni Ybrahim at Paco sa kuta ng mga mandirigma ay naratnan na niya doon ang mga lumikas na Lirean, Sapirian, Adamyan at mga encantado mula sa Lireo. Sinalubong sila nila Mashna Aquil, Mashna Alira Naswen at Hafte Muroz.

"Mabuti at maayos kayong nakarating sa aming kuta." Sabi niya sa mga ito.
"Avisala Eshma sa kanlungan na iyong binigay..... Ngunit Rehav Ybrahim nais kong malaman kung ano ang nangyari sa Hara Amihan?" Tanong ni Aquil sa Rehav. Napahinga ng malalim si Ybrahim sa katanungan ni Aquil.

Ang lahat ay nakatingin sa Rehav at hinihintay ang kasagutan ni Ybrahim
"Ang Hara Amihan ay napaslang na..... Huli ko siyang nakitang nakahandusay sa Lireo....." Malungkot na sagot ni Ybrahim sa mga ito. Nabigla naman ang lahat sa kanyang balita.... Balita na ayaw na sana niyang sabihin pagkat maging siya ay nasasaktan.

"Isang malungkot na araw para sa atin ito mga kasama..... Lalo pa't di natin nabigyan ng pugay ang Hara Amihan." Sambit ni Imaw. Napahinga naman si Ybrahim sa mga tinuran ni Imaw at ang lahat ay nalungkot sa kaalamang ito.

"Mga kawal! Magbigay pugay sa ating Hara Amihan!" Sigaw ni Hafte Muroz na may ibang lungkot ang mga mata. Malakas na pina-ingay ng mga sundalo ang kanilang mga espada at pananggalang bilang pagbibigay pugay sa Hara Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Di naman maitago ni Mila ang pananabik niya sa date nila ni Anthony o kung masasabi ngang date ang pambabayad utang na loob nito dahil sa paghabol niya sa snatcher ng cellphone.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon