Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan

2.8K 74 44
                                    

Ω Kabanata XXXIX Ω
Ang Anak ni
Hara Amihan
Ω


Kasama si Caspian ay lumitaw sa loob ng Lireo sila Amihan at Danaya.
"Kataka-taka at madali tayong nakapasok dito sa loob ng Sapiro." Sambit ni Danaya kay Amihan.
"Siyang tunay Danaya kaya mag-ingat tayo dahil baka may nakahanda ng patibong sila Pirena para sa atin." Sambit ni Amihan habang sila ay naglalakad papasok pa sa Lireo.

"Encantado alam mo ba kung saan mismo ipiniit ni Pirena si Lira?" Tanong ni Danaya kay Caspian.
"Poltre ngunit di ko na nabatid iyon As..... Sang'gre Danaya... Ngunit natitiyak ko na naririto siya." Sambit ni Caspian. Naoatango naman si Amihan di niya alam ngunit naniniwala siya sa sinsambit ng bagong kakilala.

"Kung gayon ay tayo na at hanapin na natin si Lira." Sambit ni Amihan saka sila muling naglakad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Inip na inip na si Lira habang nakahiga sa kama at nilalaro ang porseras na binigay sa kanya ng kanyang Ina. Wala naman siyang ginawa kundi ang humiga at kumain at siya ay inip na inip na misanan lang din siya bisitahin ng Ina na para bang itinatago siya nito.

Nagulat na lamang si Lira ng isang ibon na puti ang pumasok sa kanyang silid. Agad naman na napatayo si Lira at lalapitan sana niya ang ibon ng biglang nagbago ito ng anyo at naging si Ades.

"Ades.... Ikaw nga... Bakit mo ako dinalaw? Miss mo na ako noh." Nakangiting niyakap niya si Ades na ginantihan din siya ng yakap.
"Mas higit pa riyan Lira.... Nais kitang iligtas dito." Sabi ni Ades na ikinakunot ng noo ni Lira.

"Ako ililigtas mo? Bakit nandito na si Ina.... Di na ako manganganib." Sambit niya. Napailing naman si Ades.
"Nalinlang ka Lira.... Sapagkat ang Amihan na narito at nakakasama mo ay si Pirena na nagbabalat-kayo lamang bilang iyong Ina." Sambit ni Ades, Nagulat naman na napatingin si Lira dito.

"Di ka ba nagsisinungaling?" Tanong niya.
"Lira.... Bakit ako magsisinungaling saiyo gayong batid mo na kaligtasan mo lamang ang gusto ko." Sambit ni Ades. Napatango naman si Lira, bakit nga ba magsisinungaling si Ades, napailing si Lira. Hinawakan naman ni Ades ang kamay niya at tinanggal ang porseras doon at binasag ito.

"Ang porseras na iyon ay nilagyan ni Pirena ng mahika para di ka makita ng iba para di ka mabawi ni Amihan.... Ngayon malaya ka na Lira umalis ka na...." Sambit ni Ades.

"Salamat Ades" sabi ni Lira saka ito nagtatakbo palabas ng silid dala ang kanyang espada na avatar.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Avisala.... Mga nananalig kay Amihan." Nakangising sabi ni Hagorn. Nakahanda naman ang mga nadatnan niya sa kuta ni Amihan.

"Avisala Hagorn.... Hari ng mga sakim." Sambit ni Ybrahim.
"Ybrahim ang rehav ng walang silbing Sapiro." Nakangising sabi nito.
"Ssheda....." Sambit ni Ybrahim na itinutok kay Hagorn ang espada niya.

"Ado....." Sambit ni Mira na nasa tabi ni Ybrahim.
"Ssheda Mira wag mong tawagin na Ado ang sapiryan dahil kahit kailanman ay wala kang dugong sapiryan apo ko." Nakangising sabi ni Hagorn kay Mura na nagulat sa sinambit ng Hari ng Hathoria.

"Ano ang sinasambit mo Hagorn?" Tanong ni Aquil.
"Tama ang inyong narinig....apo pagkat ako ang ama ni Pirena." Buong pagmamalaking sabi ni Hagorn sa mga ito.
"Ganun ba kaya pala di na ako nagtataka na taksil din katulad mo ang iyong anak......Alira Naswen lumayo na kayo ng mga kabataan" utos ni Ybrahim saka ito naghanda laban kay Hagorn. Agad naman na hinila ni Alira Naswen si Mira kasama sila Anthony at Pao-pao.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now