Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan

2.8K 59 23
                                    

Ω Kabanata LXI Ω
Ang Galit
Ni
Hara Amihan
Ω


                Kitang kita ng lahat ang sobrang galit ni Amihan. Nilukob na ng matinding hinagpis ang Hara at alam nilang lahat na wala ng makakapigil sa galit nito.
         Pilit parin siyang nilalapitan nila Ybrahim at Danaya ngunit kasabay ng malakas na ipo-ipo ay ang paglalaho ni Amihan.

         "Amihan!" Magkapanabay na tawag nila Ybrahim at Danaya ngunit di na nila ito naabutan. Ang lahat naman ay natatatakot sa lakas ng hangin sa loob at labas ng palasyo bunga ng pagdadalamhati ng kanilang reyna.

          "Saan siya maaaring magtungo?" Tanong ni Ybrahim. Wala naman makasagot sa mga kasama niya. Nakaramdam ng kaba si Ybrahim para kay Amihan lalo na at wala ito sa tamang huwisyo dahil sa pagkamatay ng kanilang anak.

             "Hahanapin ko siya." Sambit ni Ybrahim
             "Hayaan mo akong samahan kayo sa paghahanap sa Hara." Sambit ni Muros sa rehav. Tumango naman si Ybrahim saka sila naglakad palabas ng Lireo.

           Napahinga naman ng malalim si Danaya. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat ng nangyari.
          "Lira tayo na at magtungo sa silid ni Caspian.... Mukang pagod na din ang sanggol." Sambit ni Mira. Tumango naman si Lira saka sumunod sa kanila si Anthony.

            "Kasalanan ko toh.... Hindi mamamatay ang aking hadia kung hindi dahil sa kahinaan ko." Sambit ni Danaya saka ito napa-upo. Nilapitan naman siya ni Aquil at hinawakan ang kanyang mga kamay saka siya nito tiningnan sa mata.
            "Hindi mo kasalanan Danaya... Walang may gusto sa mga nangyari." Sambit ng mashna saka nito niyakap si Danaya na di mapigilan ang mapa-iyak.

           Napahinga naman ng malalim si Imaw ang buong akala niya ay magiging mapayapa ang lahat sa pagdating ng kambal pero tila yata totoo ang sinasabi sa mga mito na malas ang kambal na anak para sa isang Hara ng mga diwata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Agad na nagtungo sa Adamya sila Hagorn, Agane at ilang hathor para hanapin si Lila Sari ayon na din sa tungkod ng Balintataw.

          "Panginoon may mga kubol sa di kalayuan." Sambit ni Agane napatango naman si Hagorn saka sila naglakad palapit dito.

............

             Habang pinatutulog ang anak ay nakaramdam si Lila Sari na may parating sa kanilang kuta, agad niyang tinawag si Kaizan.
          "Ano yun Lila Sari?" Tanong nito.
          "Kuhanin mo ang aking anak at lumayo kayo dito may nararamdaman akong di maganda." Sambit ni Lila Sari. Tumango naman si Kaizan saka siya lumabas sa likod ng kubol kung saan naman pumasok si Hitano.

          "Saan pupunta si Kaizan at kasama pa si Amaia?" Tanong ni Hitano kay Lila Sari.
         "May nararamdaman kasi akong di magandang mangyayari Hitano." Sambit niya
         "Ano kaya ito..."
         "Hindi ko rin alam ngunit maaari mo bang sundan sila Kaizan at siguraduhin na makakalayo sila dito para kung ano man ang manyari ay ligtas sila." Sambit ni Danaya.
         "Kung iyan ang gusto mo Lila Sari." Sambit ni Hitano saka nito sinundan sila Kaizan at Amaia.

         Nagulat na lang si Lila Sari ng biglang bumukas ang kubol at iniluwa nito si Hagorn.
         "Avisala aking asawa." Nakangising sabi nito.

         "Hagorn.... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lila Sari.
         "Hindi yata dapat iyan ang tanong Lila Sari... Kundi ano ang ginagawa mo dito at tinakasan mo ang Hathoria." Galit na sabi ni Hagorn. Di naman nakasagot si Lila Sari.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt