Ω Kabanata XIII Ω Si Lira

2.8K 76 7
                                    

Ω Kabanata XIII Ω
Si Lira
Ω


                   Nakarating na din kay Alena ang ulat ng pagkamatay ni Ybarro wala ding ginawa ang sang'gre kundi ang lumuha sa kanyang silid samantalang si Amihan ay nagpakatatag sa kanyang nararamdaman.

           "Amihan.....di ako mabubuhay kung wala si Ybarro...." Umiiyak na sabi ni Alena ng kanyang puntahan ito sa silid nito

           "Alena......magpakatatag ka isa kang sang'gre at walang sang'gre ang mahina." Sambit niya saka niya hinawakan ang kamay nito ngunit di tumitigil ang pagluha ni Alena sa kanyang harapan kaya kanya itong niyakap kung sana lang ay may magagawa siyang paraan para mawala ang hinanakit na nararamdaman nito ngunit wala....wala.

           Lumapit naman si Danaya sa nakatatandang kapatid at siya ay yumakap ng maiparamdam man lang niya kay Alena ang kanyang simpatya dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Marahang pumasok si Pirena sa silid ng Reyna kung nasaan ang sanggol na si Lira. Ngunit naroon din si Ades.
           "Ades....pinatatawag ka ng Hara na nasa silid ni Alena ngayon...." Sabi niya.

          "Ngunit paano ang diwani Lira?" Tanong ni Ades sa Sang'gre.
          "Kami na muna ni Gurna ang bahala sa kanya." Nakangiting sabi ni Pirena.
           "Kung iyan ang iyong nais Sang'gre Pirena." Wika ni Ades saka siya yumukod kay Pirena saka tuluyang lumabas ng silid at iniwan sa kanila si Lira.

            "Gurna madali ka kuhanin mo ang aking anak." Utos ni Pirena sa kanyang dama na lumabas sandali at pagbalik ay may dala ng sanggol.....ang kanyang si Mira.

             Agad na kinarga ni Pirena ang anak at tiningnan ang anak ni Amihan, napailing siya.

             "Napakagandang bata ngunit hindi kaaya-aya ang kinabukasan na maghihintay sayo." Sambit ni Pirena saka niya inihiga sa tabi ng sanggol ang kanyang anak.

            "Sa bisa ng encantasyon na aking wiwikain ang aking sanggol ang kikilalaning anak ng Reyna....wala nang makaka-alala sa lahat ng nasa loob ng palasyo sa wangis ng tunay na Lira bagkus ang maaalala nila ay ang wangis ng aking anak bilang Lira" sabi ni Pirena at nagliwanag ang dalwang sanggol.

           "Sige na Gurna ikaw na ang bahala sa anak ko bilang Lira....ako naman ang bahala sa anak ni Amihan." Sambit ni Pirena saka niya kinarga ang sanggol na si Lira saka siya nag-evictus paalis ng Lireo.

          Binihisan naman ni Gurna ng damit ni Lira si Mira na tamang tama naman dahil parating na si Amihan.

          "Mahal na Reyna...." Yumukod si Gurna kay Amihan tumango naman si Amihan kay Gurna saka niya pinalabas ang dama. Umupo naman siya sa tabi ng kanyang anak at kinarga ito sa kanyanv bisig.

           Nakahinga siya ng maluwag ng nahawakan na niya ang anak kanina kasi nakaramdam siya ng panganib para sa kanyang anak ngunit ngayon ay napagtanto niyang wala naman pala siyang dapat ipag-alala.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Sa kakahuyan dinala ni Pirena ang kaawa-awang sanggol na si Lira at kanya itong inihiga sa damuhan saka niya nilabas ang kanyang patalim sa likuran niya.

         "Poltre aking hadia ngunit di ka na kailangan pang mabuhay sapagkat ang aking anak na ang kikilalaning ikaw." Sambit ni Pirena saka niya itinaas ang kanyang punyal at isasaksak na sana sa kanyang hadia ng di niya ito maitarak ng tuluyan, may proteksyon ang diwani.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon