Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob

1.4K 39 2
                                    

Maligayang ika-isang daan na kabanata!. 💛💙

Ӝ Kabanata C Ӝ
Ang Paglusob

Ӝ


Sa nakaraan ...
Sa Sapiro.....

Mula sa bagong tatag na Lireo ay nagbalik sila Danaya at Aquil sa Sapiro agad silang tumuloy sa silid tanggapan ng Haring Meno kung nasaan ang mga ito.
"Danaya.... Nasaan si Cassiopei-a?" Tanong ni Amihan sa apwe ng dumating ito.
"Iniwan namin siya ni Aquil sa Lireo." Nakangiting sagot ni Danaya. Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre at ang nakatataas sa kanila.

"Lireo?" Nakangiting sambit ni Alena.
"Tama Alena... Itinatag na ni Cassiopei-a ang Lireo.... Ang kaharian ng mga diwata." Nakangiting sagot ni Danaya.
"Kung ganoon nagkaraon pa tayo ng Isa pang kaharian na kapanalig.... Ang Lireo." Nakangiting anunsiyo ni Haring Meno.
"Kung ganoon nasaan si Reyna Cassiopei-a.... Bakit di siya nagtungo dito para maki-isa sa pagpa-plano sa paglusob sa Etheria?" Tanong ni Asval kay Danaya.

"Sapagkat kaming apat na diwata ang kakatawan sa kanya habang inaayos pa niya ang Lireo." Sagot sabi ni Danaya kay Asval. Tumango naman si Asval na napatingin sa kanilang apat na Sang'gre.
"Kung ganoon ay atin ng tapusin ang pagpa-plano... Mayroon na lamang tayo hanggang bukas ng hapon sa paghahanda at bukas na ng gabi ang pagdiriwang na ating sasalakayin." Sambit naman ni Bartimus nagtanguan naman ang lahat at inisa-isa na ang mga hakbang na gagawain.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang pumasok si Pirena sa silid ni Mine-a at pinaalis muna niya ang mga dama na nag-aayos ng mga gamit nito na dadalhin sa paglikas nito kasama sila Hara Nadezhda at ang mga hadia na sila Caspian at Lirios.

Nahihimbing si Mine-a ng kanyang mapagmasdan kaya marahan siyang umupo sa tabi nito. Dahan-dahan din niyang ikinumot dito ang balabal sa lumalaki nang sinapupunan nito.
"Sa mga darating na panahon..... Ako higit sa lahat ang makakapagbigay sayo ng lubos na pasakit... At inihihingi ko iyon ng kapatawaran ngayon pa lamang......" Sambit niya at di niya maiwasan na maluha hinaplos niya ang pisngi ng Ina.

"Ngunit nais kong malaman mo na kahit ganoon pa man.... Mahal na mahal kita..... At lagi kang naka-ukit sa aking puso...kahit na sa mga panahon na may sigalot sa pagitan natin...mahal kita Ina." Sambit niya at gustuhin man niya itong yakapin ay di na lamang niya ginawa sapagkat baka magising ito. Marahan siyang tumayo at lumabas na ng silid ni Mine-a.

Marahan naman nagising si Mine-a ang akala niya ay may kasama siya sa silid ngunit wala naman. Pero ang nakapagtataka ay nakaramdam siya ng init... Init ng pagmamahal.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Rehav Raquim...." Napalingon si Raquim sa nagsalita at nakita niyang si Amarro ito, kanya munang ibinaba ang kanyang espada para harapin ito.
"Amarro nandito ka pala....." Sambit niya dito.
"Ah...oo....sumama ako sa diwatang Danaya.... May nais lang akong ibigay sayo." Sagot ni Amarro saka lumapit sa kanya.
"Ano ang iyon?" Tanong niya dito inalis naman nito ang tela sa hawak-hawak nito at tumambad sa kanya ang isang magandang baluting pandigma.

"Napakaganda ng baluting pandigma na iyan." Sambit niya
"Ito ang Kalasag.... Isa itong matibay na baluting pandigma walang kahit na anong sandata ang makakasugat sayo sa tuwing suot mo ito" sagot ni Amarro nagulat naman si Raquim.

"Para sa akin ito?" Tanong niya tumango naman si Amarro.
"Oo ginawa ko ito bilang handog sayo bilang pagtanaw ng utang na loob ng niligtas mo ang mga diwata noon sa kakahuyan.... Isa doon ang aking anak na si Aquil, kaya malaki ang pagpapasalamat ko sayo Rehav Raquim." Sambit ni Amarro tumango naman si Raquim at inabot mula kay Amarro ang kalasag.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon