Ω Kabanata IV Ω Maskara

3K 99 35
                                    

Ω Kabanata IV Ω
Maskara
Ω


               Halos hingalin sila Ybarro, Paco at Wantuk ng makalayo at mailigaw na nila ang mga kawal ng Lireo. Tama nga ang hinala ni Ybarro na sila Wantuk at Paco ang nagnakaw kanina sa Lireo.

           "Hay... Salamat nailigaw na natin sila." Natatawang sabi ni Wantuk. Di naman napigilan ni Ybarro na batukan si Wantuk.

         "Aray naman Ybarro ano at binatukan mo ako?" Kakamot-kamot sa ulong tanong ni Wantuk kay Ybarro.

           "Eh paanong hindi.... Wantuk,nakita ko na siya....ang diwatang nagpatibok ng aking puso...pero ano nawala dahil sa pangugulo niyo...ni di ko pa nalaman ang kanyang ngalan." Inis na sabi ni Ybarro at saka tinanggal ang kanyang maskara at naglakad papuntang kuta nila.

         "Ybarro...poltre...di naman namin alam." Sambit ni Paco ngunit di sila pinansin ni Ybarro.

         "Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Apitong ng pumasok na sila sa kubol.

         "Eh may malaki kaming kasalanan kay Ybarro... Nakita na kasi niya ang diwata na iibigin niya ngunit nawala pa dahil sa pangugulo namin" sabi ni Wantuk.

          "Diwata? Ybarro... Kailanman ay di papayag ang isang diwata na maging katipan ang isang mandirigma lamang." Sabi ni Apitong sa anak.

          "Basta Ama... Mapapasaakin din siya." Sambit ni Ybarro habang pinagmamasdan ang kanyang maskara.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
            Di mapigilan ni Amihan na hawakan ang kanyang kwintas na may diyamanteng lira bilang palamuti. Sa tuwing masaya o may nangyaring maganda kay Amihan ay lagi nyang hinahaplos ang kwintas na ito. Ngunit hanggang ngayon ay di pa rin niya mawari kung sino ang naghandog sa kanya nito.

           "Amihan... maayos ka lang ba?" Tanong ni Danaya na pumasok sa kanyang silid.

         "Maayos naman ako" nakangiting sabi ni Amihan kay Danaya.

         "May nakikita akong kakaibang ngiti sa mga labi mo Amihan dahil ba ito sa encantado na may maskara ng saranghay?" Nakangiting tanong ni Danaya sa apwe.

          "Di ko alam Danaya may kakaiba sa kanya.... Na para bang matagal na kaming magkakilala.... Di ko alam Danaya..." Sambit ni Amihan sa kapatid.

          "Hiking ko ay magkita kayong muli pagkat lagi kong nais na makita ang ngiti na iyan sa iyong mga labi." Nakangiting sabi ni Danaya sa kapatid...  

            "Avisala Eshma Danaya." Nakangiting sabi ni Amihan. Maging siya ay umaasa na muli silang magkita ng encantado pagkat nais niya pa itong mas makilala.

          Nasa ganoong pag-uusap sila ng pumasok si Alena sa kanyang silid.

          "Nandito lamang pala kayo." Nakangiting sabi ni Alena.
  
         "Ano ang iyong kailangan Alena?" Tanong ni Amihan.
         "Akin lamang sanang hihiramin ang iyong maskara na ginamit kahapon." Sabi ni Alena.

         "Ngunit bakit Alena?" Tanong ni Amihan
         "Lalabas sana kasi ako ng palasyo... Ayokong may makakilala sa akin kaya hinihiram ko ito... Nasira kasi ni Muyak ang aking maskara." Sabi ni Alena sa kapatid.

         Tumango naman si Amihan at ibinigay ang maskara niya kay Alena.
          "Ngunit sana ay ibalik mo sa akin iyan Alena... Mahalaga sa akin iyan." Nakangiting sabi ni Amihan.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon