Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar

2.2K 69 53
                                    

Ω Kabanata LXVI Ω
Hadezar
Ω


             Sa pagbubukang-liwayway pa lamang ay tinipon na ni Amihan sila Pirena, Danaya, Alena, Imaw, Aquil at Muroz kasama din si Alira Naswen para maging kinatawan ng Sapiro.

         "Anumang sandali ay alam ko na tayo ay sasalakayin na nila Hagorn at ng hukbo niyang Hadezar. Kaya naman tinipon ko kayo dito... Para mapag-usapan natin ang nararapat gawin" sambit ng Hara Amihan  sa bawat isa na nasa loob ng silid tanggapan niya sa Lireo.

         "Sa tingin ko naman Hara... Mas malakas ang ating pwersa sapagkat hawak natin ang apat na brilyante laban sa iisang hawak ni Hagorn" sambit ni Danaya. Tumango naman ang lahat.
        "Ngunit ating din isipin ang sinabi ni Cassiopei-a....na di na sila napapatay dahil sila ay mga namayapa na." Si Pirena. Napatahimik naman ang lahat sapagkat iyon nga ang kanilang iniisip... Ang pagiging hadezar ng mga ito.
         "Kaya aking isinasangguni Mahal na Hara na lisanin ang Lireo habang may panahon pa.... Ating iligtas ang nga diwata na alam kong di pangingilagan ni Hagorn na paslangin." Sambit ni Aquil.

         "Ngunit ganon pa man kailangan pa rin natin silang labanan... Kailangan pa rin nating ipaglaban ang Encantadia." Pagbibigay diin ni Alena.
          "Alam ko Alena.... Ngunit sumasang-ayon ako kay Aquil..... Ililikas natin ang mga diwata na walamg laban sa mga hadezar.... Mga dama....mga adamyan.....mga simpleng mamamayan... Mga bata at mga matatanda...." Pagsang-ayon ni Amihan sa isinangguni ni Aquil.

          "Mahal na Hara bukas ang Sapiro para sa inyong mga diwata gaya ng pagbubukas ng Lireo para sa aming mga sapirian noon." Sambit ni Alira Naswen.

         "Kung ganoon Aquil, Alira Naswen.... Pangunahan niyo ang paglilikas sa mga adamyan at lirean.... Imaw sumama ka na sa kanila... At Aquil... Isasama niyo din sa paglikas sila Lira, Caspian, Mira at ang mortal na si Anthony.
         Samantalang kami naman ay maiiwan dito para alamin kung hanggang saan ang kakayahan ng mga hadezar ni Hagorn." Pagbibigay utos ni Amihan sa Mashna ng Lireo at Sapiro.

        "Masusunod Mahal na Hara." Sambit ni Aquil saka sila yumukod kay Amihan isinama na nila sa paglabas sa silid tanggapan si Imaw na hanggang ngayon ay nalulungkot sa pagkawala ng tungkod ng balintataw nito.

          Nang makalabas na ang tatlo saka humarap si Amihan sa mga natira.
          "At tayong mga Sang'gre kasama ka Muros at ang mga pinaiwan kong hukbo na pamumunuan mo ang haharap sa pagdating ni Hagorn dito sa Lireo.
           Kaya ngayon maghanda na kayo." Sambit ni Amihan tumango naman ang apat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Habang pinagmamasdan ni Amihan ang nahihimbing nyang arksha ng pumasok si Lira sa kanyang silid.
      "Inay..."
      "Lira... Bakit anak?" Tanong niya at nakikita niya na may pag-aalinlangan sa wangis ng anak.
       "Totoo po ba yung sinabi ni Mashna Aquil at Alira na pupunta na po kami ng Sapiro?" Tanong ng anak niya.

       "Oo anak.... Kailangan makalikas kayo bago dumating si Hagorn at ang mga hadezar... Nais kong maging ligtas kayo." Pagpapalubag loob ni Amihan sa anak.
       "Pero kayo Inay... Di ba kayo sasama nila ashti?" Tanong nito.
       "Anak kailangan naming harapin si Hagorn....kailangan naming protektahan ang Lireo maging ang buong Encantadia." Sambit ni Amihan saka niya hinawakan ang kamay ng anak.

        "Pero Inay....susunod naman kayo di ba?"
        "Oo anak..." Nakangiting sabi niya.
        "Pero Inay si Caspian.... Di kaya siya magligalig kapag wala ka sa tabi niya?" Tanong ni Lira sabay tingin sa apwe. Tumayo naman si Amihan at may kinuhang maliit na kahon na may magagandang ukit sa labas nito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now