Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan

2.6K 92 10
                                    

Ω Kabanata XXXIII Ω
Ang Damdamin ni
Amihan
Ω


                 "Ashti.... Ilang araw na tayong nandito malayo pa ba tayo sa Encantadia?" Tanong ni Lira kay Danaya ng ilang beses na.

          "Lira ilang beses mo nang naitanong sa akin yan.... At uulitin ko di ko pa napuntahan ang Devas kaya di ko masasagot kung malapit na tayo o hindi....bakit di ka na lang matulog katulad nila Muyak at ng barbarong si Wahid." Sabi ni Danaya sa hadia. Napahinga naman ng malalim si Lira saka naglakad papuntang kabilang dulo ng sisakyang panghimpapawid kung saan natutulog si Wahid.

           Tiningnan ni Lira si Wahid. Sa totoo lang para kay Lira ay magandang lalaki si Wahid. Kung di lang sana siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa di niya ito tatawagin na pervert. Pero muka namang mabait ito.

          "Hmmmmm pinagmamasdan mo ako hah.....siguro ay may pagtingin ka sa akin.." Nakangiting dumilat ito at tumingin sa kanya. Napatuwid naman ng tayo si Lira at hinamig ang sarili.
          "Di kaya kita tinitingnan.... Saka may mahal na ako noh si Anthony... Hmmmp." Sabi ni Lira saka niya inirapan ito at lumayo dito.

          Nakangiting nakatingin naman si Wahid sa kanya ngunit gumugulo sa isip nito ang sinabi ni Lira na may mahal na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           "Hindi maaari ito...... Hindi maaaring mabasbasan ng mga ivtre sa Devas ang anak ni Amihan at Ybrahim.... Kailangan kong gumawa ng paraan." Sambit ni Ether saka ito bumuga ng maitim na usok na kanyang paaabutin sa mga naglalakbay papuntang Devas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mira sa mortal na si Anthony katatapos lang nitong kumain ng prutas.
        "Oo salamat Mira...." Sabi nito at bahagyang lumungkot ang muka.

         "Bakit tila yata ay lumungkot ang iyong wangis?" Tanong ni Mira
         "Because I am worried for Mila." Sabi nito sa di niya maunawaan na lengwahe.

           "Poltre mortal ngunit wala akong maintindihan sa iyong mga binaggit." Sabi niya. Napakamot naman sa ulo si Anthony.

          "Sorry ang ibig kong sabihin ay nag-aalala ako kay Mila o Lira kung siya ay inyong tawagin." Pagpapaliwanag ni Anthony tumango naman si Mira.

          "Alam mo Anthony hangga't ang ashti Danaya ang kasama ni Lira ligtas siya." Nakangiting sabi ni Mira. Napangiti din si Anthony sa sinabi ni Mira. Ng makarinig sila ng ingay ng pakpak sa labas ng kweba, ilang sandali pa ay pumsok na si Pagaspas.

             "Pagaspas nandito ka na pala." Sabi niya.
            "Tinutupad ko lamang ang ipinangako ko na sasamahan ko kayo kay Hara Amihan." Sabi nito.
          "Avisala eshma." Sabi ni Mira ng may isa pang babaeng mulawin na pumasok.
          "Siya nga pala siya si Lawiswis.... Siya ang magdadala sayo Mira." Sabi ni Pagaspas.

          "Avisala Lawiswis." Sabi ni Mira.
          "Avisala Ri Mira." Sabi nito. Di kasi maaaring gamitin ni Mira ang evictus sa mga lugar na di pa niya nakikita.

          "Kung gayon ay tayo na." Sabi ni Pagaspas at inalalayan makatayo si Anthony na kahit papano ay nawala na ang pagkamangha sa mga nilalang na nakikita.

          Humawak sa balikat ni Pagaspas si Anthony saka sila lumipad. Ganun din si Mira kay Lawiswis at lumipad na rin sila.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now