Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena

2.6K 90 20
                                    

Ω Kabanata XXXII Ω
Ang Pagbabalik ng Ala-ala
ni Alena
Ω


              Halos di mapaniwalaan ni Akeshya/Alena ang kanyang nakikita, nasaan nga ba siya? Kakaibang mundo ang kanyang nakikita.

          "Bardok sigurado ka bang si Sang'gre Alena siya?" Tanong ng isang bandido sa pinuno nito.
          "Oo.... Kaya dadalhin natin siya kay Reyna Pirena at Haring Hagorn ng sa gayo'y bumango ang ating ngalan sa kanila." Sambit nito di naman malaman ni Akeshya/Alena kung bakit siya kinabahan sa sinabi ni Bardok....

          "Pirena... Hagorn bakit sa wari ko ay di sila mapagkakatiwalaan?" Tanong ni Alena/Akeshya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kulungan.

          "Saan niyo ako dadalhin?" Tanong niya.
          "Wag ka nang magtanong tayo na." Sambit nito at hinawakan siya sa kamay sa takot naman ni Akeshya/Alena ay itinulak niya ang bandido at nagtatakbo palabas at sa takot niya ay nagamit na naman niya ang evictus.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               Lumitaw si Alena sa kagubatan saka siya napa-upo sa batuhan siya ay gulong gulo na sa mga pangyayari sa kanya. Bakit siya nandito sa lugar na ito.... Bakit siya may kapangyarihan? 

            Ang daming tanong sa isipan niya ng makaramdam siya ng may nilalang sa kanyang likod.

           "Humarap ka sa akin encantada...." Sambit nito. Napatayo si Akeshya/Alena at saka siya humarap sa nagsalita. Na ang laki naman ng pagkagulat ng makita siya. Maging siya ay nagulat sa mga wangis ng kasama nito.

          "Alena...." Sambit ni Agane.
          "Hindi nga ako si Alena...." Sambit niya at saka niya muling ginamit ang evictus na natutuhan na niyang gawin.

            "Pashnea..... Kailangan malaman na ito ng Panginoong Hagorn..." Sambit ni Agane saka sila bumalik ng Lireo.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              "Hara Amihan maaari ba niyang maka-usap?" Tanong ni Lakan sa Hara na tinuturuan muli si Pao-pao.
             "Maaari naman Lakan." Nakangiting sabi niya. Sa maikling panahon ay naging kaibigan na niya ang mulawin. Saka sila lumayo ng koonti kay Pao-pao na kasama naman sila Banak at Nakba.

           "Ano ba ang nais mong sabihin." Sabi ni Amihan kay Lakan. May kinuha sa likuran si Lakan na isang pluta at inihandog ito kay Amihan na kanya namang tinanggap.
         "Isang pluta.... Para saan ito Lakan?" Tanong niya.
         "Patugtugin mo lamang ang pluta na iyan Hara at ako ay darating." Nakangiting sabi nito.

            "Sa isang tugtog lamang... Bakit aalis ka ba?" Tanong niya
           "Nararamdaman ko na ako ay kailangan na ng Avila....ngunit sa isang ihip mo lamang sa pluta na iyan ay asahan mong nasa tabi mo agad ako." Sabi ni Lakan napangiti naman si Amihan sa isipin na mayroon siyang matatawag sa oras ng kagipitan.

           "Ngunit bakit sa isang ihip lamang.... Alipin ka ba ng plutang ito?" Tanong ni Amihan.
           "Oo kami ay alipin ng pluta na iyan.....mula pa sa ninuno naming si Avilan..." Sabi ni Lakan. Nakuha naman nito ang kuryosidad ni Amihan.

           "Ngunit bakit?" Muli niyang tanong. Napangiti si Lakan.
            "Sapagkat ginawa niya ang pluta na iyan para maging paraan para matawag siya ng noo'y Hara ng Lireo na si Demetria." Sabi ni Lakan. Napatango naman siya.

            "Ang Hara Demetria.... Napakatagal na pala ng ugnayan ng mga Diwata at Mulawin." Komento niya.
           "Napakatagal na nga at nagsimula yun sa di inaasahang pagmamahalan ng Hara ng nga Diwata noon na si Demetria at ng sinauna naming pinuno na si Avilan." Nakangiting sabi ni Lakan. Namangha naman si Amihan sa kasaysayan ng isang magandang pluta.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now