Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo

1.4K 40 7
                                    

Ӝ Kabanata XCIX Ӝ
Lireo

Ӝ

Sa Hera Andal......

          "Reyna Avria..... Nakahanda na ang lahat para sa pagdiriwang ng buong Etheria." Sambit ni Vixtus kay Avria na tumango naman.
         "Itutuloy mo ba ang pagdiriwang kahit wala dito ang iyong anak na si Mine-a?" Tanong ni Barkus maging sa As'Nan ay ganoon din ang iniisip ngunit di naman na lingid sa dalawa ang kaalaman na di tunay na anak ni Avria si Mine-a. Ngunit sa kabila nito ay matapat pa din si As'nan di gaya ni Barkus na may lihim na plano.

        "At di sapat ang ating pwersa wala sila Juvila at Animus dito." Sambit naman ni Barkus. Napahinga ng malalim si Avria.
        "Kung hindi ko ito gagawin..... Mas iisipin ng ating mga kalaban na humihina tayo.... Kaya kailangan natin ang pgdiriwang na ito para ipamalas ang lakas ng pwersa natin." Sambit naman niya sa dalawa na tumango naman sa sinabi ni Avria.

         "Kung ganoon.... Sasabihan ko si Cilatus na magsanib pwersa ang aming mga kawal para mas maprotektahan ang Hera Andal sa sandali na tayo ag nagdiriwang na." Sambit ni As'nan saka ito tumayo at nagpaalam na kay Avria para pumunta sa Hera Volo naiwan naman sila Barkus at Avria na may sari-sariling iniisip.

          Si Barkus ay kung paano magagamit ang pagdiriwang para alisin sa trono si Avria, samantalang si Avria ay kung paano niya mahahanap at mapapaslang si Mine-a at ang mga anak nito mula sa hinaharap.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Hathoria......

              Nagpupuyos sa galit si Arvak ng malaman mula kay Hagorn ang ginawang pagtataksil nila Raquim at Mine-a.
             "Hindi ako makakapayag na ganituhin ka nila anak... Matitikman nila ang galit ng Hathoria." Galit na pangako ni Arvak sa anak na narinig naman ni Bartimus kaya madali siyang lumapit sa anak at apo.

            "Iyan ay di mo gagawin Arvak.... Wala kang gagawin laban sa Sapiro..." Sambit nito.
           "Ngunit Ama.... Nakikita niyo ba ang ginawa nila sa aking anak.... Niloko at pinagtaksilan siya!" Sigaw ni Arvak.
          "Alam ko ngunit ako ang Hari at nagbitiw na ako ng salita kay Meno.... At walang makakabali nuon." Matiwasay na sabi ni Bartimus saka ito umalis natahimik naman si Arvak ngunit nagpupuyos ang kanyang kalooban at isang plano ang naisip niyang isagawa pagkatapos mangyari ang digmaan sa Etheria.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Kasalukuyan......
     Sa Lireo.....

             Mula sa mundo ng mga tao ay nakabalik na sa Encantadia at sa Lireo sila Lira, Mira, Pagaspas, Anya, Almiro at Malik dala nila ang pupuksa sa Minukawa ang Ruwido. Pagdating nila sa Lireo ay sinalubong sila nila Cassiopei-a at Imaw.
            Tamang-tama naman ang kanilang pagdating sapagkat nagising na muli ang Minukawa dahil kay Arde at nananalasa na muli sa Lireo at Encantadia. Agad na lumapit kay Cassiopei-a ang mga nagbalik mula mundo ng mga tao.

          "Cassiopei-a nakuha na namin ang Ruwido." Sabi ni Lira na ipinakita kay Cassiopei-a ang sandata.
         "Natutuwa ako kung ganoon.... Kailangan na nating mapuksa ang Minukawa." Sambit naman sa kanila ni Cassiopei-a. Tumango naman sila Lira at Mira.
         "Kailangan nating makalipad para makalapit sa Minukawa." Sambit ni Lira lumapit naman sa mga ito si Malik.
         "Hayaan mong tulungan kita Sang'gre Lira." Sambit nito tumango naman si Lira saka siya kumapit kay Malik. Nananalig naman sila na matatalo na ni Lira gamit ang Ruwido ang Minukawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now