Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan

2.7K 67 27
                                    

Ω Kabanata LXIII Ω
Ang Katuparan ng
Propesiya
kay Amihan
Ω


             Nagbalik sa Sapiro si Amihan at siya ay nagtungo sa silid dasalan nito. Tumayo siya sa tapat ni Bathalang Emre saka niya pinagdaop ang kanyang mga palad.

          "Bathalang Emre, Sana ay gabayan niyo ako sa aking gagawing pakikipaglaban.
         Nawa'y di masayang ang aking buhay... Nawa'y ito ang maging paraan upang maisalba ang Encantadia sa aming mga kaaway.
        Sa mga kamay mo ay aking ipinagkakatiwala ang aking buhay...." Sambit ni Amihan habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata.

           "Lirios anak.... Alam ko na kasama ka na ngayon ni Emre sa Devas sana ay gabayan mo ang iyong Ina.... At wag kang mag-alala...
         Mag-kakasama na tayo.
         Paalam Encantadia.... Paalam aking buhay...." Sambit niya saka siya pumikit.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            "Amihan.....mali itong ginagawa mo.... Di mo dapat isakripisyo ang iyong buhay." Naiiling na sabi ni Cassiopei-a habang nakatingin siya sa kanyang mahiwagang kawa.

        "Kailangan kitang matulungan." Sambit niya saka sana siya gagamit ng evictus ngunit di niya magawa at sa isang iglap ay parang may humarang sa kanyang mata para makita ang nagaganap at magaganap kay Amihan.

        "Ano ang nangyayari bakit tila may sumpa muli sa akin at di ako makaalis... Ni di ko makita ang nagaganap kay Amihan.... Bathalang Emre di ko alam kung si Ether ang may gawa nito ngunit nawa'y patnubayan niyo ang magiting na reyna ng mga diwata." Dalangin na lang ni Cassiopei-a ng di nya magawang makaalis sa kagubatan na kinalalagyan niya kahit ilang beses pa niya subukan.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

            "Dito lang pala nagtatago ang hara ng mga diwata." Napalingon si Amihan sa nagsalita at nakita niya sila Hagorn at Agane kasama ang mga hadezar.

         "Amihan.... Akala ko ay naduwag na ang reyna ng Lireo." Panunuya ni Hagorn sa kanya.
         "Kailanman ay di kita uurungan Hagorn." Sambit niya saka niya hinawakan ang kanyang espada. Ngumisi naman sa kanya si Hagorn.

         "Kung gayon kitilan na ng buhay ang Reyna ng Lireo!" Utos ni Hagorn sa mga hadezar na agad na sinalakay si Amihan.

        Sinangga ni Amihan ang pagsalakay ng isa sa mga hadezar saka niya ito tinadyakan at sinaksak muli ay sinangga niya ang mga sumunod na pagsalakay ng mga hadezar ng buong tapang kahit alam naman niyang walang kamatayan ang mga ito.

         Nakangising tinutunghayan lamang ni Hagorn na pinagtutulungan ng mga hadezar ang anak ng mortal niyang kaaway. Maligaya siyang panonoorin ang pagkamatay ng bunga ng pagtataksil nila Mine-a at Raquim.

         Kahit maraming sumalakay kay Amihan ay agad niyang napapaslang ito kaya naman lumapit na din si Agane at nilatigo siya nito mula sa likuran kaya nawala ang kanyang atensyon sa mga hadezar.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon