Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya

2.7K 67 43
                                    

Ω Kabanata XXXVIII Ω
Ang Paghingi ng Kapatawaran ni
Amihan kay Danaya
Ω


Marahang naglakad sa labas ng tarangkahan ng Lireo si Alena. Gulong gulo ang isip sa mga nalaman ukol sa kanyang apweng Hara at sa encantadong minamahal, ngayon naghahanap siya ng makakapitan sa kanyang kaguluhang nararamdaman.

"Alena..." Sambit ni Pirena ng paglabas niya ng tarangkahan ng Lireo ay naroon ang kanyang apwe. Napatingin si Alena sa kapatid na taksil na si Pirena.
"Pirena...." Sabi niya. Marahan naman na lumapit si Pirena sa kapatid. Di naman napigilan ni Alena ang mapa-iyak sa bisig ng nakatatandang kapatid.

"Niloko nila ako Pirena.... Niloko nila ako!....niloko ako nila Amihan at Ybarro!" Umiiyak na sabi ni Alena. Hinagod naman ni Pirena ang likuran ng kapatid.
"Sa wakas nakita mo na din ang tunay ba kulay ng ating kapatid na Hara...." Sabi ni Pirena at saka siya napangisi dahil konting manipula na lamang kay Alena ay sa kanya na ito kakampi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pinagmamasdan ni Adhara ang pagsasanay ng mga babaeng Carcero ng lumapit sa kanya si Mayca.
"Adhara mananatili na lamang ba tayo dito sa Ayleb ngayong nalaman na natin na pumanaw na si Mine-a at ang mga anak na nito ang namumuno sa Encantadia?" Tanong nito.

"Hindi.... Humahanap lang tayo ng tamang panahon para sa aking unang balak." Sabi niya dito, napakunot naman ang noo ni Mayca sa sinabi ni Adhara.
"Ano nga ba ang una mong balakin?" Tanong ni Mayca maging si Lila Sari ay nakinig sa usapan nila.

"Ang kuhanin ang isa sa mga brilyante ng mga anak ni Mine-a ng makalaban tayo sa mga namumuno dito sa Encantadia!" Nakangiting sabi ni Adhara sa kanyang mga kasama saka niya nilapitan ang naka-maskarang si Lila Sari.

"At ang itinatago mong ganda kaibigan ko ang magdadala sa atin sa tagumpay." Nakangising sabi ni Adhara dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kamusta na sa kanyang silid si Alena?" Tanong ni Pirena sa damang si Gurna pagpasok nito sa kanyang silid dala ang isang baso ng alak na kanyang kinuha at ininom.

"Nahihimbing siya ngayon..... Ano ba ang balak mo mahal na reyna ngayong nasa iyo na sila Lira at Alena?" Tanong ni Gurna sa kanya.
"Marami akong balak Gurna..... Mga balak laban sa aking pinakamamahal na kapatid na si Amihan." Nakangising sabi niya dito. Tumango naman si Gurna

"Ngunit pinapaalala ko lang sayo na nasa ama mo pa din ang brilyante ng apoy." Paalala ni Gurna.
"Alam ko ngunit ako ay nananalig na makakahanap din ako ng paraan Lara mabawi sa kanya ito..... Nakabalik na ba si Icarus at Ivshir?" Tanong niya, ang dalawang kawal ay inutusan niyang hanapin ang mga takas mula sa Carcero.

"Di pa sila nakakabalik Mahal na Reyna." Sagot ng dama. Napailing naman si Pirena kailangan niya ang mga ito para sa laban nila ng kanyang ama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pinagmamasdan ni Amihan ang naglalarong si Pao-pao kasama sila Banak at Nakba ngunit wala doon ang kanyang isipan nasa iisang nilalang ito na lumisan kanina pa.

"Hara Amihan tila malalim ang iyong iniisip." Komento ni Muroz na lumapit sa kanyang tabi.
"Tama ka..... Mga bagay na hinahanapan ko ng kasagutan." Sambit naman niya.
"Katulad ni Sang'gre Alena at Rehav Ybrahim." Sapantaha ng Hafte. Napatingin si Amihan dito.

"Siyang tunay.... Di ko naman nais guluhin ang kanilang pag-iibigan ngunit kailangan ng malaman ni Alena ang katotohanan ukol kay Lira.....di ko nga lamang batid na sa ganitong paraan niya tatanggapin ang katotohanan." Sambit niya saka siya napayuko para huwag makita ng hafte ang kanyang lungkot.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now