Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan

2.4K 80 12
                                    

Ω Kabanata XXV Ω
Ang
Pagkagapi ni
Amihan
Ω


           Nang makapasok sila Amihan at Ybrahim sa punong bulwagan ay di nagustuhan ni Amihan ang pagtayo ng mga hathor sa trono niya.

         "Lubayan niyo ang aking trono!" Galit na sabi niya saka siya nagpakawala ng ipo-ipo na tumangay sa mga ito. Saka siya lumingon kay Ybrahim.

         "Ybrahim.... Iwanan mo na ako dito... Kaya ko na.... Ang nais ko ay hanapin mo si lira.... Mira... Mira pala." Utos niya sa Rehav.
          "Ngunit ang sabi mo ay di siya ang ating anak?" Nagtatakang sabi ni Ybrahim
          "Ngunit minahal ko siya bilang anak... At alam kong napamahal na rin siya sayo.... Kaya sana iligtas mo siya." Sambit niya. Napatango naman si Ybrahim.

          "Masusunod Mahal na Reyna." Sambit ni Ybrahim saka ito nagtatakbo papasok sa kaliwang bahagi ng Lireo na kinaroroonan ng silid ni Mira.

            Samantalang hinanda naman ni Amihan ang kanyang sarili sa pagsalakay ng mga vedaljeng Hathor.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             "Sigurado ka bang nandito ang batang si Pao-pao?" Tanong ni Lakan kay Pagaspas habang sila ay nagkukubli at minamatyagan ang kuta ng mga bandido.
              "Sigurado ako pero Lakan wala yata sila." Sambit ni Pagaspas.

              "Kung bakit kasi pinabayaan mo ang bata." Sambit niya. Si Pagaspas kasi ang nagbabantay kay Pao-pao. Sila kasing mga Mulawin ay ang mga bantay ng mga tao at naka-atas kay Pagaspas ang pagbabantay kay Pao-pao ngunit nalingat ang mulawin at nabihag na ng mga bandido ang batang si Pao-pao.

             "Teka may taong ligaw." Sambit ni Lakan at saka nila nilapitan ang lalaki.
             "Avisala..." Sambit niya.
             "Anong kailangan nyo?" Tanong nito.
             "Nasaan ang nga bandido... At bakit sa wari ko ay nag-iisa ka?" Tanong ni Lakan.
             "Pagkat sila ay lumusob sa Lireo kasama ang mga ligaw...." Sambit nito nagulat naman sila Lakan at Pagaspas.

           "Sandali di ba't kapanalig ng Lireo ang mga bandido?" tanong ni Pagaspas.
           "Siyang tunay ngunit wala silang magagawa dahil pinagbantaan sila ni Haring Hagorn na papatayin pag di sila sumunod." Sambit ng lalaki. Napailing si Lakan. Mukang kailangan nilang iligtas ang bata sa isang digmaan....

           "Pagaspas tayo na." Sabi ni Lakan at saka sila lumipad papuntang Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                Napahinga ng malalim si Amihan ng matalo niya ang isang alon ng mga hathor na sumalakay sa trono ng makarinig siya ng mga yabag sa kanyang likuran.

         "Hindi pa tayo tapos Amihan!" Sigaw ni Hagorn na sinugod siya ng espada na kanyang sinangga. Napaurong si Hagorn at kanya naman itong sinugod ng sinugod si Hagorn na sinangga naman nito. At sa kanyang muling pagsugod ay naisahan siya nito at nagitlan sa kanyang tyan.

              "Argggh...." Sambit niya at naramdaman niya ang pagtagas ng kanyang dugo mula sa sugat na nilikha ni Hagorn.

            "Isang malaking pagkakamali ang patuloy mong paglaban sa amin Amihan. At ikasisiya ko ang paslangin ka katulad ng kung paano ko pinaslang ang iyong ama." Sambit nito sa kanya habang iniinda niya ang sakit ng kanyang sugat.

                "Hindi ka magtatagumpay Hagorn sa maitim mong balak sa Lireo! Dahil di ko isusuko ang lahat ng pinaghirapan ng mga diwata sa Lireo! Tandaan mo yan!!!" Sigaw niya at muli siyang sumugod at muli ay sinangga nito ang kanyang espada at tinadyakan siya sa kanyang sugat na nagpatumba sa kanya.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon