Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran

1.4K 47 5
                                    

Ӝ Kabanata XCII Ӝ
Sang'gre
laban sa
Heran

Ӝ


Sa Sapiro.....

"Amihan sigurado ka ba sa nais mong gawain?" Tanong ni Ybrahim kay Amihan na may hawak espada.
"Ybrahim kailangan naming mailigtas sila Pirena at Alena sa Hera Andal....." Sagot niya.
"Kung ganoon ay sasama ako sa inyo ni Danaya...." Nag-aalalang sabi ni Ybrahim sa kanya.
"Hindi na..." Sabi niya saka siya humarap dito.
"Ngunit mapanganib." Tiningnan naman ni Amihan si Ybrahim saka niya hinaplos ang pisngi nito.
"Avisala eshma sa pag-aalala aking mahal.... Ngunit kaya ko na ito.... Ang gawin mo ay maghintay na lamang dito kasama si Aquil... Pagbalik namin ni Danaya sisiguraduhin namin na magkakasama na tayong lahat at mababawi na natin sila Caspian at Lirios." Pagbibigay kasiguradubin niya dito.

"Kung ganoon ay mag-ingat kayo ni Danaya.... Lagi akong maghihintay sayo." Sabi ni Ybrahim saka niya hinalikan sa noo si Amihan
"Amihan." Sambit ni Danaya na hinawakan na din ang esapada na nakalap nila dito sa Sapiro.
"Tayo na Danaya." Sabi ni Amihan saka siya kumapit kay Danaya at gumamit ito ng evictus papuntang Hera Andal. Napahinga naman ng malalim na nagkatinginan sila Ybrahim at Aquil.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆


Sa Kasalukuyan.....
Sa mundo ng mga mortal.....

Ilang sandali pa ng paglipad ay narating din nila Lira at Mira kasama ang mga Mulawin ang paanan ng bundok Saluya. Marahang bumitiw si Lira kay Malik na inalalayan naman siyang makatayo ng maayos.

"Avisala eshma..." Nakangiting sabi niya dito.
"Walang anuman." Nakangiting sabi din ni Malik sa kanya.
"Lira....nandito tayo para sa Ruwido.'" Paalala sa kanya ni Mira. Napatingin naman sita dito.
"Alam ko Mira." Sagot naman niya pero binigyan siya nito ng tingin na di naniniwala sa kanya, napailing na lang tuloy siya.

"Mga Sang'gre nandito na tayo.... Nais niyo na bang simulan ang pagkuha sa Ruwido?" Tanong ni Almiro sa kanila.
"Oo.... Tayo na." Sabi naman ni Mira saka hinila ang kamay ni Lira papasok sa bundok ng Saluya. Napahinga nama sila ng malalim ng makapasok sila sa bundok kung maliwanag sa labas ay tila naman pinagkaitan ng sinag ng araw ang loob ng bundok ng Saluya.

"Bakit naman napaka-dilim dito?" Tanong ni Lira sa mga kasama.
"Di na talaga sininagan ng araw ang loob ng Bundok ng Saluya mula ng pinamahayan ng mga masasamang elemento." Sagot ni Anya sa tanong niya.
"Kaya kung makakaya wag kayong hahawak ng kahit na ano baka may mangyari pa." Dagdag pa ni Pagaspas. Tumango naman ang dalawang Sang'gre sa mga sinabi ng mga Mulawin.

Nagkatinginan naman sila Mira at Lira saka sila naghawak ng kamay habang naglalakad papasok sa kaloob-looban ng bundok Saluya.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆


Sa Nakaraan....
Sa Hera Andal......

Napatigil sila Pirena, Alena, Azulan, Amarro at Memfes ng malaman nila ang sinapit nila Ornea at Memen sa kamay ng mga Etherian.
"Kaawa-awang Memen at Ornea...." Napailing na sabi ni Amarro, samantalang nagkatinginan naman sila Pirena at Alena sapagkat nabago ang paraan ng pagkamatay ng dalawa sa halip na si Animus ang makapatay sa dalawa ay si Avria na mismo ang pumaslang sa dalawa.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now