Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira

3K 84 20
                                    

Ω Kabanata XLII Ω
Ang mag-Inang
Amihan at Lira
Ω


                    Kanina pa nakatanaw sa labas ng Sapiro si Danaya. Kanina pa siya nakabalik dito sa Sapiro ngunit wala pa rin pala sila Amihan at Ybrahim. Maging ang Caspian na nagsasabing anak ni Amihan ay wala dito.

           "Sang'gre Danaya tila yata di ka mapakali?" Tanong ni Aquil sa Sang'gre.
           "Pagkat iniisip ko lamang ang aking mga apwe... Si Alena di ko na natagpuan sa Lireo, samantalang si Amihan na dapat ay narito na ay wala pa rin....maging ang pagkakaroon ng ikalimang brilyante ay nakakagulat." Sambit ni Danaya sa Mashna. Napahinga naman ng malalim si Aquil saka nito hinawakan ang kamay ni Danaya.

             "Maging kami ay nagulat ngunit di ba at karagdagang lakas ito sa atin? At isa pa nananalig ako na nasa maayos na lagay ang iyong mga kapatid....si sang'gre Alena ay matapang at si Hara Amihan naman gaya ng iyong sabi ay kasama naman ni Rehav Ybrahim." Sambit ni Aquil.

           "Isa pa yan sa aking inaalala kagaya ng naisalaysay mo sa akin na nagalit si Alena sa kanilang dalawa dahil sa ugnayan nila.....paano kung malaman ni Alena na magkasama na naman sila di kaya lalong di bumalik ang aking apwe?" Tanong ni Danaya kay Aquil. Binitawan naman ni Aquil ang mga kamay ni Danaya.

            "Ang palagiang pagsasama ng Hara at Rehav ay di maiiwasan sapagkat may anak silang dapat pangalagaan...yan sana ay maunawaan ng Sang'gre Alena...... Sana nga ay di ito maka-apekto sa ating pakikibaka sa pwersa nila Pirena at Hagorn." Sambit ni Aquil. Napatango naman si Danaya sapagkat yin din ang ninanais niyang maganap.

         "Nakakasira talaga ng mga hakbangin ang usaping puso." Nasambit ni Danaya.
         "Huwag mo namang sisihin ang pag-ibig." Sambit ni Aquil. Napailing na lamang si Danaya.

          Malungkot naman na yumuko si Alira Naswen sa nakikita na magkasama ang Sang'gre at ang Mashna.... Parang may tumusok sa puso niya sa nakikitang tanawin.

       "Alira... Kung ako sa 'yo ay wag mo na silang pansinin... Halika makihalubilo ka sa amin nila Diwani Mira at ng mortal na si Anthony." Nakangiting sabi ni Muroz. Tumango na lamang si Alira at sumunod sa hafte.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             "Sabihin mo ngq sa akin Adhara.... Ano ang plano mo sa anak ng napatalsik na Hara ng Lireo?" Tanong ni Lila Sari kay Adhara.
          "Gagamitin ko siya para makuha ang brilyante na hawak ni Amihan." Nakangising sabi ni Adhara kay Lila Sari na napatango naman saka napatingin sa maliit na kristal na kinalalagyan ni Lira.

          Napailing naman si Lira habang nasa loob siya ng maliit na kristal na hawak ni Adhara.

         "Ano ba naman toh ang gusto ko lang naman ay ang makasama ang inay ko.... Bakit ba lagi na lang may hadlang?" Tanong ni Lira sa sarili niya saka siya umupo. Dalangin niya ay makita na siya ng nanay niya at maparusahan ang mga kumuha sa kanya.

         Nakangising babalik na sana sa kubol niya si Adhara ng may lumitaw na nilalang sa harapan nila ni Lila Sari. Agad naman na tinutukan ito ng patalim ng mga kasama nila.

          "Vedalje...." Sambit ni Adhara at kanyang pinasa kay Lila Sari ang kristal.
          "Pakawalan niyo ang aking edea.... Kundi mananagot kayo sa akin" sambit ni Caspian na ginamit ang mata ni Cassiopei-a para makita kung nasaan si Lira.

          "Edea? Pashnea may isa pa palang anak si Amihan?" Tanong ni Adhara. Nagulat naman si Lira sa narinig niya at pilit niyang tinatanaw ang muka ni Caspian. At lalo siyang nagulat ng malaman na ito din yung nagligtas sa kanya dati.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora